PAGE NINETY-EIGHT
Hay, busog na busog ako. (・ω・)
May dala ba namang isang kilong avocado si Rinneah pagpunta niya rito sa 'min. Oh deym! Naglaway agad ako dahil favorite ko 'yon. Ilang araw na 'kong nake-crave doon. Ilang araw ko din kinunsumi si Rinneah na ihingi ako dahil may kapitbahay sila may puno ng avocado. Buti binigyan siya. Ang mahal kaya ng kilo ng avocado ngayon kaya nanghingi na lang siya. Hahahaha! Kaya mahal ko 'yon si Bebs. Lalo na pag tulog. Lol
'Yung kalahating kilo pinapak ko lang kapartner ng asukal. Sarap! Pero si Bebs parang diring-diri habang pinapanood akong kumain. 'Di kasi siya kumakain ng avocado. Ayaw niya daw lasa at parang may ugat ugat pa. Kaya, solo ko lang. (•̀ᴗ•́)
Rinneah: Buti na lang mabait kapitbahay namin.
Ako: Buti na lang talaga! Thank you ulit, Bebs. Ang bait mo talagang kaibigan at ang ganda ganda mo pa. Mala-Liza Soberano gano'n.
Rinneah: Huweh? Mamatay?
Ako: Syempre joke lang. Hahahaha!
Rinneah: Hype ka! Iluwa mo lahat ng avocado'ng kinain mo. (ಥ_ಥ)
Ako: Hahahahaha! Labyu, Bebs!
Kinuwento ko rin kay Bebs 'yung tungkol kay Pikachu. Tawang-tawa nga siya. 'Di siya makapaniwala na nakuha ko kay Filemon number ni Pikachu at magkatext na kami ngayon, kahit 'di niya 'ko kilala. Sabi ba naman, "Lakas mo, Bebs! Hahaha." Naka-save pa sa cellphone ko 'yung first convo namin kaya pinabasa ko kay Rinneah. Langya nga e!
Rinneah: Pag nakuha ko number niyan ni Pikachu mo, itetext ko.
Ako: Ano naman sasabihin mo?
Rinneah: "Hi, Ako nga pala si Larisse Enriquez. Crush na crush kita, Koya. I heart you po!"
Ako: Hype ka! 'Wag mong gagawin 'yan itatakwil kita!
Rinneah: Wish mo lang na 'di ko nakabisado ng tama ang number niya. Katapusan mo na, Bebs! Hahahaha. ∩(︶▽︶)∩
Ako: Leche ka! (ಥ_ಥ)
Kainis. Gayang gaya pa 'yung boses ko. And speaking of My Pikachu, balik na naman siya sa dati. Snob. Masungit. Walang pake. Deadma. Gano'n. 'Kala ko pa naman pagkatapos ng 2nd convo namin mas magiging malapit kami. Kahit konting lapit lang. Kahit textmate lang. Pero hindi pala. Assumera lang ako. Hahahahahuhu.
E kasi naman sa tuwing magha-hi/hello, maggu-good morning at good afternoon, 'di na siya nagrereply. Iniisip ko nga na siguro naboboringan na siya sa 'kin kasi puro gano'n na lang text ko kaya hindi na nagrereply. Hindi ko rin kinukulit at paulit-ulit na tinetext baka bigla na lang ako i-block sa contacts niya. No. (╥﹏╥) At dahil desperada na 'ko (hahahaha dejoke lang 'yang desperada lol) dahil gusto ko talagang maging kaibigan siya kahit sa text man lang, kahit hindi na sa personal, kaya nakaisip ako ng brilliant idea para mapansin niya ko ulit. (´▽`)
Ako: Good morning, Kyah! Ingat ka po.
Ako: Kyah, may joke pala 'ko.
Ako: Ay deadma. ⊙︿⊙
Ako: Pero itutuloy ko pa rin. Walang makakapigil sa 'kin. Hahahahaha.
Ako: Sino ang leader ng mga Patatas?
Ako: E 'di si Potato Chip!
Ako: Hahahahahaha. K bye! ~
Oo, ginawa ko 'yan. Leche! Kinapalan ko ang mukha ko para lang sa isang corny'ng joke. Huhuhu! Kaiyak nga dahil ni tuldok walang reply si Pikachu. Ang waley naman kasi talaga. Nagsisisi tuloy ako kung ba't 'yon pa ang jinoke ko. Kaya naisip kong bumawi. Lechugas! Lakas ng loob kong bumawi 'di ba? Lol.
Ako: Hi, Kyah. Good morning! It's me again. ฅ⃛(⌯͒꒪ั ˑ̫ ꒪ั ⌯͒)
Ako: Kyah, may joke ulit ako. Patulan mo na wala kaming teacher. Walang magawa. Hahahaha.
Ako: Ay hindi pala 'to joke. Knock knock na pala. Hahaha!
Ako: Game. Knock knock!
Ako: Wala man lang reply ulit. (Θ︹Θ)ს Who's there?
Ako: Lasagna.
Ako: Wala talaga? Busy. ( ̄◇ ̄;) Ako na nga lang ulit. Lasagna who?
Ako: ~ Kung ako na-lasagna ang 'yong minahal 'di ka na muling mag-iisa ~
Ako: Waley na naman 'di ba? Hahahahuhuhu. (╥﹏╥)
Itinaya ko ang dangal at dignidad ko sa knock knock na 'yan kaso ang waley pa rin. Hahahaha! Naisip kong wag nang ulitin ang ka-corny-han na 'yan at baka banas na banas na sa 'kin si Pikachu kaya deadma na naman. Pero mga mahigit isang oras ang lumipas, sa kalagitnaan ng klase namin, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple ko naman kinuha dahil baka mahuli ako at maconfiscate pa. At no'ng makita ko kung kanino galing 'yon, nashookt ako.
Miro: Hahahahaha
Oo kay Pikachu! Owemji! Nagreply siya! Nalate lang ng mga 1 hour, 25 minutes and 4 seconds pero nagreply pa rin siya at tumawa pa. Homaygahd! Ibig sabihin no'n hindi waley ang joke ko dahil natawa si Pikachu. Yay! Pinansin niya na 'ko ulit. Ang saya saya! (⌒o⌒)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕