Page 90: Enebeyen

1 1 0
                                    

PAGE NINETY

Oh deym! o(╥﹏╥)o

Hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan magkuwento. Tinatamad ako. Gusto lang ngumawa nang ngumawa. Huhuhu! (╥_╥)
Puro umiiyak na emoticons/emoji's 'di ba? Dagdagan ko pa. Huhuhuhuhuhu. (┰ω┰)

Kasi naman sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ba't ngayon pa? Ganito kasi 'yon. Sabado ngayon at obviously, walang pasok. Tinulungan ko si Mama maglaba, habang si Ate nagluluto. E, naubusan ng mantika at kailangan bumili, 'di naman mautusan ang dalawang bubwit kong kapatid na si Limuel at Liam dahil busy manood ng NBA Games sa TV, kasama si Papa. Nakakahiya naman silang abalahin kaya sabi ko, ako na lang ang bibili.  ̄ω ̄

Ito na nga dahil sarado ang kaharap naming bahay na may tindahan, kila Filemon na lang ako nagpasyang bumili. Ang kapitbahay-slash-kababata-slash-kinakapatid ko. Hindi si Filemon ang nagbenta sa 'kin ng mantika kundi ang Papa niya at habang abala ako sa pagkuha ng Champola (dahil may sobrang sukli lol) napatingin ako sa Veranda nila at bigla akong napahinto sa pagkuha ng Champola sa garapon dahil nakita kong nakahinto si Filemon at tatlo pa niyang kasamang lalaki habang nakatingin sa 'kin! Oo, sa 'kin! Pero hindi 'yon ang kinagulat ko, kundi 'yung isang lalaking kasama niya na nakatingin din sa 'kin! Dahil si Miro 'yon! Si Pikachu! Homaygad. (‘◉⌓◉’)

Bago pa ako kiligin dahil nakatitig siya sa 'kin, bigla kong naalala kung ano ang itsura ko. Syet lungs dahil naka-plain na makutim na t-shirt na medyo butas pa sa tagiliran, naka-jersy short na pinaglumaan ni Limuel (oo, kasya sa 'kin!), naka-messy bun (dahil tinamad magsuklay) at walang pulbo o ano man sa mukha ko. For short, ang haggard ko. Mukha akong gusgusin ng mga sandaling 'yon. Sanay kasi akong magsuot ng gano'ng damit kapag nasa bahay lang o lalabas sandali para bumili. Komportable ako ro'n pero ngayon, nakakahiya. Gusto ko umiyak ng rainbow kanina! ︵ヽ('Д´)ノ︵

Lalo na nang biglang ngumiti si Filemon nang nakakabuwishit sabay sabing, "Hoy, sungit!" Hinablot ko na lang tuloy 'yung binili kong champola at halos patakbong bumalik sa bahay, dahil naramdaman ko na sobrang nag-init ang mukha ko lalo na nang napansin kong ngumiti si Pikachu no'n. Syet. Pero mas nangibabaw ang hiyang naramdaman ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga oras na 'yon. Nakita ba naman ako ng crush ko na ang haggard, oily ang face, at ang dugyot ko. Huhuhuhuhu. I kennat.

Malay ko bang nandoon siya sa bahay nila Ninang at malay ko bang kaibigan pala ni Miro ang Filemon na 'yon. Basta nakakahiya. Huhuhuhu. ︵ヽ('Д´)ノ︵ ┻━┻

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon