Page 42: Hays

1 1 0
                                    

PAGE FORTY-TWO

Buong maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Tinatamad akong lumabas. Tinatamad din akong kumain. Nalulungkot ako. Sobra. Kaya tuloy itong champola na lang ang pinagbabalingan ko nitong nararamdaman ko. ⊙︿⊙

Alam na ni Rinneah. Alam na niya ang lahat. Dapat talaga no'ng isang araw ko pa sasabihin sa kanya. Siyempre naman bestfriend ko siya kaya siya dapat ang unang makaalam no'n. Pero naunahan niya ako, e. Nalaman na niya.

Kahapon gumawa kami ng home work namin sa GenMath dito sa bahay. Pagkatapos no'n nag-movie marathon ulit kami ng K-drama na The Innocent Man. Dahil nang mapanood namin 'yong DOTS, mahal na raw niya si Song Joong Ki. Asawa na raw niya 'yon. Hahahaha. Lukaret 'di ba? Hindi ko alam na naka-idlip pala ko no'n at saktong hawak ko 'yong journal ko na nilalagyan ko ng design. Pag mulat ng mata ko, si Bebs agad ang bumungad sa 'kin. Seryoso ang mukha niya at hawak niya ang journal ko. Deym. Nabasa niya.

Rinneah: Bakit hindi mo sa 'kin sinabi na iisa pala ang crush mo pati si Miro? ( ͠° ͟ʖ ͡°)

Ako: Bebs sasabihin ko naman talaga sa 'yo, e. Humahanap lang ako ng tiyempo. At saka kailan ko lang din nalaman. Nagulat nga rin ako. (╯-╰)

Rinneah: Kaso naunahan na kita. (Θ︹Θ)

Ako: Sorry na, Bebs. Hindi ko naman alam na iisa pala sila. Hindi ko alam na iisang tao lang pala 'yong crush natin. ●︿●

Rinneah: (Ngumiti pero 'di abot sa tainga) Okay lang. Uwi na ako.

Umuwi na talaga siya pagsabi niya no'n. Halata naman na 'di siya okay. Hays. Nag-aalala ako na baka magtampo si Rinneah o sumama ang loob niya dahil do'n. Nako, kung magagalit lang din naman ang bestfriend ko sa 'kin dahil do'n, handa akong magparaya (Wow magparaya. Para naman gusto rin ako ni Pikachu 'no. Lol.) Basta handa kong kalimutan ang crush ko para lang sa kanya. Para lang hindi masira ang pagkakaibigan namin dalawa.

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon