PAGE ONE HUNDRED
Homaygahd. Homaygahd. How to calm! Huhuhu. Oh deym! Hindi ko alam ang salitang kalma ngayon! Kanina pa 'ko nagha-hyperventilate rito! Parang sasabog ang puso ko! Syet lungs dahil nagtext sa 'kin si Miro! Aaaccck. Paano ako kakalma niyan! Hindi ko alam! Alam kong ang OA nito pero walang akong pake! Si Pikachu 'yon e! Palagi ako ang nagtetext sa kanya at ito 'yung unang beses na siya ang naunang magtext sa 'kin! I really don't know how to calm when I saw his message. Deym! I'm crying. (╥_╥)
Miro: .
Miro: ?
Miro: !
Miro: Pst.
Ako: Yes?
Syet. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko na alam ang salitang kalma!
Miro: Busy?
Ako: Hindi naman. Bakit? :)
Medyo pakipot effect 'yung mga sagot ko para hindi niya mahalata na excited akong ka-text siya kahit sa loob loob ko gustong kong magtitili at magtatalon sa sobrang kilig at sabihin sa kanya, "Yes, Miro? Hindi ako busy! Wala akong ginagawa! At wala akong gagawin hanggang mamaya! Basta ikaw handa akong ikaw kung ano man ang ginagawa ko! Basta ikaw Pikachu!" Ang harot ko syet. Lol.
Miro: I have 'Pilosopo' Questions too :)
Ako: Really? Hahahaha. Talagang babawi ka ha. Dapat mahirap 'yan para di ko naman maperfect. (⌒▽⌒)
Nang mabasa ko ang Pilosopo Questions na 'yon bigla akong natawa. Hahahaha. Naalala ko 'yung mga walang kwentang pinagtatanong ko sa kanya no'ng nakaraang araw na palaban niyang sinagot. Patola 'to si Pikachu. Hahahahaha. Saan kaya niya pinagkukuha 'yung mga gano'ng tanong.
Miro: Lol. Let see. Baka magamit mo rin 'yung I-don't-know emoji mo.
Naalala ko na naman tuloy 'yung panghihiram niya sa emoji na yon. Kyot kyot niya talaga ro'n e. Hahahahaha.
Ako: Lol. Tingnan natin! Ganito na lang kada maling sagot ko, magtanong ka sa 'kin. Kahit ano :) Tanong lang ha? Bawal mag-wish o humingi ng kahit ano. Wala ako no'n. Ganda lang ang meron ako.
Miro: Hahaha okay.
E 'di sumang-ayon siya na maganda ako. Para-paraan lang talaga 'yan. Hahahaha.
Ako: Kapag naperfect ko naman--- na alam kong di malabong mangyari, humanda ka na. Hahahaha jk.
Miro: I'm ready ;)
Ako: Palaban si Kyah! Hahahaha. Game na ba?
Miro: Game. I have 20 questions here :)
Ako: Hala sandali. Ang daya! Bat ang dami niyan? Pero sige na nga. Yakang yaka ko naman yan. (゚▽゚)
Miro: Let's start. Bakit bawal ang side mirror ang eroplano?
Ako: Dahil wala naman traffic sa himpapawid. Duh. (눈_눈)
Miro: Hahahahaha. Defend your answer.
Ako: Wala naman talagang traffic sa himpapawid di ba? Kaya bat pa maglalagay ng side mirror kung wala naman dapat tingnan kung may nakasunod ba o may magka-counterflow.
Miro: Counterflow ftw. Hahahahahaha! Next, saan napunta ang tinatapon mong computer files sa recycle bin?
Ako: Malay ko d'yan. Matanong nga mamaya kay Charles Babbage. ( ̄◇ ̄)
Miro: Lol. Hahahaha. Next, gaano kalakas ang .1% na germs at hindi ito mamatay-matay?
Ako: Kasing lakas ni Cardo Dalisay (´д`)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕