PAGE ONE HUNDRED THIRTY-FOUR
Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ang weird ni Rinneah. Oo, weird na talaga ang babaitang 'yon pero mas naging weird pa.
Bigla ba namang itinanong sa 'kin sa kalagitnaan ng klase, "Bebs, alam mo 'yung shirt na binili natin na pareho tayo? 'Yung pang-BFF shirt pa nga." Napatango naman ako. Sabi niya ulit, "Nasayo pa ba 'yon?" Napatango naman ako at sinabing, "Hmm, oo. Bakit?" Nakakunot no'n ang noo ko dahil nakakapagtaka na out of the blue bigla niyang natanong 'yon. "Sinusuot mo pa ba? Kailan mo huling sinuot?" Mas dumoble ang kunot ng noo ko no'n at sabi ko, "Matagal na ata. Hindi ko na maalala. Ba't mo natanong?" Hindi ko talaga alam kung kailan ko nasuot. Nakalimutan ko. Napailing lang siya at sinabing, "Ah, wala. Naalala ko lang bigla. Minsan suot natin pag gumala tayo." Tumango na lang ako at sinabing, "Sige." Kahit nagtataka ako sa ikinikilos niya.
Minsan nakikita ko siyang nakatulala na parang ang lalim nang iniisip at minsan napapatingin din sa 'kin. Hindi ko na tuloy natiis at tinanong ko kung may problema ba siya. Sagot lang niya sa 'kin, "Wala. Wala lang 'to. May naalala lang ako." Pero hindi ako naniniwala. Alam kong may problema siya. Alam kong may gumugulo sa isip niya, ayaw lang niyang sabihin sa 'kin.
Tuwing recess, sa 1000 words ata na nasabi ko, tango lang ang sagot niya at ang layo pa ng tingin. Parang wala siya sa sarili. Palaging ang lalim ng iniisip niya. Kapag gano'n siya, alam ko malungkot 'yon e ta's bigla na lang huhugot. Pero hindi. Hindi siya humugot no'n tulad nang palagi niyang ginagawa. Tumatango lang siya habang nakatitig sa 'kin. Ayun, hindi ko na talaga natiis! Nakaka-leche na 'yung katahimikan niya! Hindi talaga ako sanay na tahimik si Rinneah kaya sabi ko;
Ako: Umamin ka, ano ba talagang problema mo? Nalipasan ka ba ng gutom? Naligo ka ba ng may dalaw o ano?
Rinneah: Ha? Ano ba'ng pinagsasa---
Ako: Umamin ka na, ano ba'ng problema mo? Bakit madalas kang tulala? Ano ba ang iniisip mo? Ano ang gumugulo diyan sa isip mo? Hello, Bebs! I'm here! Care to share?
Mahabang buntong hininga ang sinagot niya sa 'kin, baka unti-unting rumihistro ang lungkot sa mukha niya.
Rinneah: Si Deen kasi. . .
Ako: Deen? 'Yung crush mo?
Rinneah: (Tumango) May iba na siya Bebs. May iba na siyang babae.
Napahinto ako at hindi agad nakasagot dahil naramdaman ko rin noon 'yung naramdaman niya. No'ng nalaman kong may iba na si Miro.
Ako: O? Ano ngayon ang ineemote-emote mo d'yan? Bakit hindi mo siya pigilan? Pigilan mo sila. Sabi mo nga sa 'kin no'n kapag may ibang babae 'yung crush mo, hindi ka papayag. World War III. Naalala ko pang sabi mo "Kung hindi siya mapapasa 'kin, hindi rin siya puwedeng mapunta sa iba! Gagawa ako ng paraan para hindi maging sila. Para single pa rin siya. Para everybody happy." Kabisado ko pa 'di ba?
Napangiti lang siya. Pero walang saya.
Ako: Anyare, Bebs? Ikaw ang nagsabi no'n pero bakit hindi mo magawa sa sarili mo? Kung gusto mo talaga siya, ipaglaban mo. Sabihin mo sa kan'ya na gusto mo siya----
Rinneah: Nasabi ko na.
Ako: Huh?! Umamin ka na? Ano'ng sabi niya?
Rinneah: (Unti-unting tumango) Naglakas loob na ako. Ang dami kong kalaban, e. Sabi ko sa kanya, "I like you." Alam mo 'yung masaklap, Bebs? 'Yung sagutin ka niya ng, "I don't like you." Hanggang kaibigan lang daw dahil meron na siyang ibang nagugustuhan. Shit! Ang sakit lang. Kasi akala ko dahil nagiging malapit na kami, baka ma-fall na rin siya sa 'kin. Ayun pala, ako lang ang tangang nahulog. Ang saklap dahil hindi niya ako sinalo.
Ngumiti siya nang malungkot at umiba ng tingin. Ang sakit. Ang sakit sakit nga no'n. Lumipat tuloy ako ng upuan. Tumabi ako sa kanya at inakbayan siya. Bakit ba pareho ang kapalaran naming magkaibigan? Na-fall kami sa taong alam namin na hindi naman kami masasalo.
Rinneah: Ba't umiiyak ka na d'yan?
Napapunas ako ng luha ko no'n. Ang weird ko rin dahil hindi naman ako ang nasaktan pero ako 'yung naiyak. Naaawa lang din kasi ako kay Bebs. Naramdaman ko rin kasi ang naramdaman niya.
Ako: Ang lungkot mo kasi e. Hindi ako sanay.
Ako: At kung sino man 'yang crush mo, buwisit siya! Rinneah Domingo na nagsabi ng I like you, choosy pa siya?! Ang kapal niya, Bebs! (ভ_ ভ)
Narinig kong bahagya siyang natawa at nakurot pa 'ko. Sadista talaga. Hahaha. Pero atleast napatawa ko siya.
Ako: Ang ganda-ganda mo 'tapos binusted ka lang? Bulag ba 'yon o sadyang tanga lang? Jackpot na nga siya sa 'yo, tinanggihan ka pa? Hayaan mo magsisisi rin 'yon.
Rinneah: Leche ka, alam ko naman na labas lang sa ilong mo 'yang pamumuri mo sa 'kin! Hahahahaha.
Ako: Pansin mo pala? Hahahahaha. Kahit champola lang o.
Rinneah: Wala kong pera. Neksyir na! Hahahahaha.
Masaya ako dahil kahit papa'no napapatawa ko siya. Mas gugustuhin ko pang pagtingin kaming dalawa dahil para kaming baliw katatawa kesa naman tahimik lang siya at sinasarili ang problema niya. 'Yung Deen na 'yon ang topic namin. Ewan ko ba pero nacucurious na talaga ako sa Deen na 'yon e. Bukambibig siya ni Rinneah pero hindi ko pa rin nakikita.
Rinneah: Hindi mo pa ba talaga nakikita si Deen, Bebs? Imposible. Sikat kaya 'yon dito sa school. Mapa-Senior High man o College. Mas sikat nga lang talaga si Miro.
Ako: Hindi pa talaga at wala rin naman akong ibang kilalang guwapo dito sa school bukod kay Pikachu. May iba pa ba?
Rinneah: Ay grabe! Siyempre meron! Babaitang 'to. Lumelevel kaya si Deen kay Miro. Pero 'wag natin silang i-compare dahil magkaiba silang dalawa. Hindi naman complete opposite pero magkaiba sila ng mga gusto at magkaiba rin sila ng kaguwapuhan.
Ako: Minsan nga ituro mo sa 'kin. Didibdiban ko. Hahahaha joke. Kikilatisin ko. Nacucurious na rin ako kung sino ba talaga 'yan. Nacucurious ako kung may mata ba talaga, ilong, bibig----
Rinneah: Buwisit ka, siyempre meron! Ginawa mo namang Alien 'yung Labidabs ko!
Pareho kaming natawa. Kung makatawa pa kami parang wala nang bukas. Lol.
Ako: Pero maiba ako, kilala mo kung sino 'yung babae niya?
Rinneah: Hindi nga e. Kaya gumagawa ako ng paraan para makilala ko. Sabi ng iba, schoolmate rin daw natin. Pero sana 'wag si Leandie. Ano, lahat na lang? Iniisa-isa? Masasabunutan ko na siya!
Ako: Hahahahaha. Lechugas! Hindi naman siguro. Pero pa'no mo na laman na may iba na siya?
Rinneah: Sinabi naman niya sa 'kin na may iba siyang gusto. At may kumalat din na picture na may kasama siyang ibang babae. Ang saklap dahil tinakpan ng emoji 'yung mukha no'ng babae. Hindi ko tuloy alam kung sino 'yon. Pero, aalamin ko pa rin. Gusto kong malaman kung sino 'yung babaeng nagugustuhan niya. Hindi ako titigil hanggat 'di ko nalalaman kung sino 'yon.
Hays, sana nga malaman na ni Bebs kung sino 'yung babaeng nagugustuhan no'ng crush niya. Ang sakit kaya sa ulo mag-isip at manghula kung sino 'yon. Gan'yan-gan'yan din talaga ako no'n. Buti na lang single na ulit ngayon si Pikachu. Lol.
P.S. Speaking of Pikachu, miss ko na talaga siya. Bihira na siya mag-lunch break kasama mga kaibigan niya. Malapit na naman kasi ang exam kaya todo review na naman 'yon. Hays, sana magkausap kami ulit. (´д`;)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕