PAGE ONE HUNDRED ELEVEN
Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie. Miro. Leandie.
MIRO! LEANDIE!
Hype na 'yan. (눈_눈)
Oo na, ako na bitter! Ako na! Nakaka-leche lang kasi araw araw, oras oras, minu-minuto, segu-segundo kong naririnig ang mga pangalan nila. Okay lang sana kung pangalan lang ni Pikachu (dahil love love ko naman siya ♡) Dyahe. Dinudugtungan pa ng pangalan ni Leandie. Nakakarin-Die! (˘︹˘)
Mahigit dalawang linggo na ang nakaraan nang kumalat sa buong School na si Leandie Enrile nga ang nililigawan ni Pikachu. Confirmed. Pero hindi ako ang nagpakalat no'n, ah. (Defensive much!) Isa sa fantards ni Miro ang nagkalat no'n. Nakita rin sila ni Leandie, napicture-an ulit at pinost sa page. Hindi na nga blurred yung picture. Hindi na rin nakatalikod si Ate Girl. Halatang kalalabas lang nila sa Starbucks. Nakangiti pa nga si Leandie at si Miro naman nakatitig sa kanya. Syet. Ang sakit. Hahahaha. Ang masakit lang makita na 'yung gano'ng titig ni Miro may Leandie, halatang gustong-gusto niya ito. Halatang in love si Pikachu.
Masakit dahil mas lalo akong nawawalan ng pag-asa. Pag-asang mapalapit kay Miro. Hahahahaha. Hype. Hindi ko nga alam kung bakit umaasa pa 'ko, kahit malinaw pa sa sinag ng araw na hindi naman niya ako mapapansin. At mas lalong hindi niya ako magugustuhan. Aasa lang ako sa wala. Pero hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong nagbabakasali at umaasa kahit alam kong may Leandie na siya. Nakaka-tanga pa lang ma-in love. Haaays.
Sabi doon sa group, hindi pa naman daw in a relationship si Miro at Leandie. Nasa getting to know each other stage pa lang daw, e saan ba mapupunta 'yon? Doon din naman. Mukhang totoo nga na hindi lang fling iyon. Totoo nga sigurong seryoso si Miro kay Leandie. (Though, hindi naman talaga mukhang playboy ang Pikachu ko.) Base na rin sa picture nila. I hate to say or write this, pero mukhang head over heels na nga si Pikachu sa babaeng 'yon. Syet lungs dahil sa 'kin pa talaga galing 'yon. Hahahangsakitpuchatriplekillitohahaha
Simula nang kumalat sa buong school na si Leandie ang apple of the eye ni Miro ngayon, ayan na lang lagi ang bukambibig ng mga estudyante dito. Bawat sulok pangalan nilang dalawa ang pinag-uusapan. Hindi ko nga akalain na gano'n ka-affected yung ibang estudyante na may bago nang nililigawan si Pikachu. Narinig ko nga sabi ni Ylla, "Leandie Enrile? Oh. I know her. And I like her for Miro. She's really pretty like me." Oh, common. Mamon.
Hati rin ang opinyon ng MBNKM sa balitang yon. MBNKM lang dahil 'yung mga fantards niya, ayaw kay Leandie. (Nabasa ko gano'n daw talaga ang mga fantards. Gusto sa kanila lang ang idol/crush nila. Handang manakit o manira kapag may idinikit na pangalan sa idol/crush nila. Mas mahigpit pa sila sa Magulang kahit di naman nila pag-aari yung tao at wala silang karapatan.) Hati yung opinyon dahil yung iba, okay lang. Gano'n daw talaga. Gets naman daw nila yon. Crush lang naman daw nila si Miro at ito pa rin ang magdedesisyon sa buhay nito. Kumbaga kung saan siya masaya, e 'di go. Yung iba naman, ayaw kay Leandie (though, mas acceptable yung reason nila unlike doon sa fantards) dahil mukha raw hindi mapagkakatiwalaan. Mukha raw playgirl. Baka raw saktan lang si Miro. Mas okay daw kung humanap na lang ito ng ibang babae. May point sila pareho.
Pero kung ako ang tatanungin kung saan ako? Nasa gitna lang. Gusto ko man pumanig doon sa nauna (na okay lang sa kanila) hindi e. May mga agam agam pa rin ako. May mga 'baka' pa rin ako sa isip ko. Sabi ko nga, gusto ko rin naman maging masaya si Pikachu, kaya susuportahan ko siya at magiging masaya rin kung saan siya masaya at kanino siya magiging masaya. Pero (dito na nga papasok yung mga baka ko) baka tama rin yung mga nahuli (yung may mga ayaw kay Leandie) baka paiyakin lang niya si Pikachu. Baka lokohin. Baka i-take for granted. Baka masaktan lang sa kanya si Miro. Pero mas okay pa rin kung bigyan muna sila ng chance? Na h'wag muna husgahan. Baka mag-click sila (e di double kill sa 'kin yon kapag nagkatotoo! Kaiyak naman to.)
Hindi naman namin alam kung ano yung mga puwedeng mangyari. I know her so well. Alam ko kung paano siya maging girlfriend doon sa mga ex-boyfriend niya. Dahil nga dati ko siyang kaibigan at nasaksihan ko yon, but something happened. (at ayoko na munang alalahanin yon) so, we/I need to give her a chance. Baka siya nga talaga ang magpapasaya kay Miro. Kahit masakit, siguro kailangan ko nang tanggapin. Sabi nga ni Bebs;
Rinneah: Kakaiba ka talaga. Hindi ko alam kung normal pa ba yan o abnormal ka na. Yung iba nga, including me may kausap lang ibang babae yung crush nila, daig pa ang girlfriend kung magselos. Samantalang ikaw na babaita ka! May nililigawan nang iba ang taong gusto mo, chill ka lang diyan. Parang wala lang 'tih? Kung ako yan, hindi ako papayag. World War III! Kung hindi siya mapapasa 'kin, hindi rin siya puwedeng mapunta sa iba! Ganorn. Kung ako yan, gagawa na ako ng paraan para hindi maging sila. Para single pa rin siya. Para everybody happy. 'Tapos ikaw, sasabihin mo okay lang? Okay ka lang, Bebs?! Alam kong hindi ka okay. Alam kong hindi ka magiging masaya para sa kanila. Tigilan mo na nga yang pagiging selfless mo. Ang bagal mo kasing kumilos ayan tuloy, mauunahan ka na ng iba---ay hindi pala hindi. Kundi yung dati mo mismong kaibigan.
Ako: Mo? Ako lang ba? Baka natin.
Rinneah: Oo na, natin na kung natin! Pero hindi yon yung pinopoint ko, Be----
Ako: Sino ba nagsabi sa 'yong okay lang ako? Nasasaktan din ako pero pinipilit kong maging okay. Pinipilit ko na lang maging masaya sa kanila dahil iyon lang naman talaga ang magagawa ko; ang tanggapin. Kahit masakit.
Rinneah: Shunga! Anong tanggapin na lang? May magagawa ka pa. Pigilan mo sila.
Ako: Kung pipigilan ko ba siya, magpapapigil siya? Kung gagawin ko yon mas malaki lang ang chance na malungkot siya. Mas masasaktan lang ako kapag nakita ko siyang nasasaktan.
Rinneah: Gosh, Larisse. Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo!
Ngumiti na lang ako, kahit sa loob loob ko. Puwede ko naman talagang gawin yon kung gugustuhin ko lang. Pero ayoko. Ayokong maging selfish para lang sa pansariling kasiyahan ko.
Sumilip pala ako sa group kanina, ang daming picture ni Leandie ang nagkalat. Maraming curious kung sino ba talaga siya. Ano'ng ugali niya. Ano nagustuhan ni Miro sa kanya. Maraming wow at heart reaction sa mga picture niya, dahil maganda naman talaga si Leandie. May nagpost pa nga ng tungkol sa kanya para raw mas makilala siya.
Leandie Enrile: 10 Things To Know About Miro Severano's Rumored Girlfriend.
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa. Alam kong mas masasaktan lang ako.
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Ficção AdolescenteThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕