Page 1: I'm Back

81 24 7
                                    

PAGE ONE

Hi, I'm back. ヾ(*ΦωΦ)ノ

Naalala ko lang matagal-tagal na rin noong huli akong nakapagsulat dito. Mahigit isang taon na rin siguro 'yon. Hindi ko nga matandaan kung ano'ng exact date dahil pinunit ko na 'yung mga naunang sinulat ko rito.

Yes, new year, new life, same notebook. Poorita, e. Hahaha lol. Ilang pages lang din naman kasi ang nagamit ko kaya ito na lang ulit. Kung hindi ko pa nakita na sobrang alikabok na nito sa isang box sa k'warto, hindi ko pa matatandaan na minsan ko nga pa lang napakinabangan ito noon. Noong mga panahong hibang na hibang pa ako. Hahaha. Buti nga hindi inaanay. At least kahit luma, mapakikinabangan pa rin kita. 'Yong mga pinunit ko naman? Tinabi ko. Hindi ko sinunog ha. Remembrance rin 'yon e.  Remembrance ng katangahan ko. Hahaha.

Alam kong hindi na uso ang diary o journal ngayon dahil puwedeng-puwede naman ako mag-status nang nararamdaman ko sa facebook at i-only me 'yon, para siyempre ako lang at makakakita at makakabasa. Puwede rin naman na dito ko na lang isulat sa notepad ng cellphone ko. At nakita ko sa Play Store, may'ron na rin na app na journal o secret diary. May password pa. Sosyal 'di ba? Pero hindi. Ayoko no'n kasi paano kung may mag-hack ng facebook ko, e 'di nabasa pa mga secret status ko (as if naman na may maghahack no'n) Puwede rin may magreport (kahit wala naman akong kaaway o kagalit na puwedeng gumawa no'n) Ayoko rin sa notepad at app dahil isang pindot lang, puwedeng mabura lahat nang isusulat ko. Sayang lang. Puwede rin masira ang cellphone ko o 'di kaya sa sobrang tagal, hindi na bumukas. Puwedeng mangyari 'yon dahil sabi nga nila, nothing last forever. That's a fact. Kahit cellphone na mamahalin, kayang-kaya pa rin akong iwan. Akalain mo 'yon, kahit cellphone nang-iiwan na rin ngayon. Parang siya, bigla na lang niya akong iniwan sa ere. Hahaha echos. Nahahawa na ata ako sa bestfriend kong si Rinneah na walang ginawa sa buhay kundi humugot.

O, siya. Masakit na ang kamay ko kaya hanggang dito na lang muna. Basta palagi na ulit akong magsusulat dito ng mga ganap sa buhay ko kahit feeling ko nonsense 'yung mga pinagsasabi ko lol.

Ciao! (✿ຈ ﻝ͜ ຈ )

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon