PAGE FORTY-ONE
Mahigit isang linggo na simula no'ng may matuklasan ako. Pero hanggang ngayon kinikimkim ko pa rin ito. Hanggang ngayon nananatili pa rin itong sikreto dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko alam kung pa'no ito sasabihin kina Rinneah. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Hindi ko alam.
Bakit ba ang liit ng mundo? Bakit sa dinami-rami ng tao, siya pa. Hays. Noong mga nakaraang araw kasama na ulit namin si Remarie, Sena at Moni. Buo na naman kami at napansin kong mas bukambibig ni Remarie 'yong crush nila ni Rinneah na si Miro. Pero itong si Bebs, parang wala lang. Samantalang dati mabanggit lang ang pangalang Miro, nangingisay pa 'yon at tumitili sa kilig. Samantalang ngayon, deadma na ang bruha.
Na-curious ulit ako sa crush nila na hindi ko pa rin nakikita. Lalo na nang sabihin ni Rem, "Hays. Ang guwapo talaga ni Miro." Inalam ko ang buong pangalan ng crush nilang 'yon. Miro Damion Severano pala. Nang araw din na 'yon kahit hindi ako pala-peysbuk, sobrang bihira lang akong mag-online. Kamuntikan ko pa ngang hindi mabuksan dahil nakalimutan ko 'yong password. Nabubulok na talaga 'yong account ko, mabuti na lang nabuksan ko pa rin. I know, the best way para makita ko ang Miro na 'yon ay iseach siya sa Facebook. Talino ko 'di ba?
Excited pa ako no'ng hinagilap ko siya sa Facebook pero nang lumabas ang pangalan niya, nang makita ko ang profile picture niya, syet. Literal na huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Natulala ako. Napanganga. Hindi makapaniwala sa aking nakita. Gusto kong sampalin ang sarili ko na baka naduduling lang ako, pero hindi. Ilang minuto akong gano'n hanggang sa naisip kong silipin ang wall niya para alamin kung totoo nga ang lahat. Hindi lang 'yon isang malaking joke. Mixed emotions. 'Yan ang naramdaman ko. Nagulat, nalilito, medyo masaya na medyo malungkot, kinakabahan at hindi makapaniwala. Dami 'di ba? Ha ha ha.
Miro Damion Severano ang totoong pangalan ng crush ko. Ang Pikachu ng buhay ko. At iyon din ang pangalan ng crush ni Rinneah at Remarie. Oo, iisa lang siya! Holy caramel. Mapaglaro talaga ang tadhana. Bakit sa dinami-rami ng lalake sa mundo, bakit kailangan na si Pikachu ko at si Miro ay iisa pa? Naman, o. Nakaka-leche lang. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ito sasabihin kay Rinneah at Remarie. I kennat. Huhuhuhu. Send help. o(╥﹏╥)o
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Подростковая литератураThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕