PAGE ONE HUNDRED EIGHTEEN
Minsan napapaisip ako kung pinagti-tripan ba talaga ako ng lecheng tadhana na 'yan o ano. Bakit ba sa dinami-rami nang makakakita no'n ako pa talaga. Why? Why me?! (╥_╥)
I don't know what to do. Hindi ako makapag-desisyon kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagsabi 'yon o mananahimik na lang ako at 'wag nang mangialam pa. Gahd! Sumasakit tuloy ang ulo ko kaiisip. Hindi ako matahimik. Gusto kong magsalita pero ayoko naman madamay. Hay. Ang gulo ko! ('Д´)
Kauuwi lang pala namin ni Papa ngayon, sinamahan ko siyang pumunta sa SM. May binili siya sa Ace Hardware na tools dahil nasira 'yung gripo namin. Pero habang abala siya sa paghahanap, nagpaalam ako na pupumunta muna ako sa National Bookstore dahil kailangan ko rin bumili ng glue, glitters at colored paper para sa arts namin bukas. Sabi ko magkita na lang kami mamaya sa harap ng H&M at um-oo naman siya.
Pumunta na agad ako sa National at hinanap 'yung mga kailangan kong bilhin. Pagkabili ko, dumiretso na 'ko sa H&M. Expected ko kanina pa nando'n si Papa dahil medyo natagalan ako sa pagbili. Pero wala siya. Matagal talagang mamili 'yon si Papa e. Mabusisi siya bago niya bilhin 'yung isang bagay. Lahat chinecheck niya para makasiguro na maganda at matibay na klase 'yung bibilhin niya.
Mahigit kalahating oras ata akong naghintay sa labas ng H&M. Nakakainip at mukha na akong tanga ro'n. Balak ko na sanang sundan si Papa sa Ace Hardware pero naisip ko baka magkasalisi pa kami. Wala pa naman cellphone si Papa para itext ako kung nasa'n na siya (pinalagay niya kasi sa sling bag ko 'yung cellphone niya. nakalimutan niyang kunin kanina) kaya naisip kong pumasok na lang muna sa loob ng H&M at mag-window shopping tulad ng gawain namin ni Rinneah.
Tumitingin ako no'n ng mga ripped jeans nang may mamataan akong isang pamilyar na mukha. Naka-side view lang siya sa direksyon ko pero alam kong siya 'yon. Kasalukuyan siyang namimili ng crop top/halter top no'n. Inilibot ko ang tingin ko, nagbabakasakaling kasama niya 'yung hinahanap ng mata ko, pero wala. Mag-isa lang siya. Wala siyang kasama sa loob ng boutique pero sa labas pala mayro'n.
Hindi ko na siya pinansin no'n. Hindi rin naman niya ako nakita. Nauna na akong lumabas at akala ko nando'n na si Papa pero wala pa rin. Pinili kong maghintay na lang sa gilid kahit inip na inip na inip na talaga ako no'n. Pero ewan ko ba, hindi ako mapalagay kaya tumitingin-tingin pa rin ako sa loob ng H&M para makita siya. Ang weird nga e, dahil parang kinakabahan ako na ewan.
Hindi ko na lang pinansin ang kabang nararamdaman ko at naisip ko na baka gutom lang 'yon. Tagal kasi ni Papa. (╥﹏╥)
Buti na lang may malapit na bilihan ng ice cream do'n at bumili muna ako. Avocado flavor siyempre. My favorite! Habang kinakain ko yon, nakahingi na rin ako no'ng maliit na papel na ginagawang tester no'ng Promodizer ng perfume na hindi ko alam ang pangalan. Basta gustong-gusto ko talaga yung pabango ng mga lalaki. Feeling ko mas mabango 'yon kaysa sa pabango ng mga babae. Wala lang. Ang sarap lang amuy-amoyin.Humakbang na ulit ako no'n pabalik sa harap ng H&M (at umaasa na sana nando'n na ang Papa kong mas matagal pang mamili kaysa sa mga babae lol) hawak ang Avocado Ice Cream ko at sa kabila naman yung tester ng pabango, pero nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong mapahinto, nang makita ko ulit siya.
Si Leandie.
Siya 'yong babae na kanina ko pa tinitingnan sa loob ng H&M. Mukhang kalalabas lang niya ng boutique at parang may hinihintay dahil palinga-linga siya. Bahagya akong tumalikod para hindi niya 'ko makita, pero bigla rin akong napaharap nang makita kong may lumapit sa kanyang lalaki at kiniss siya sa pisngi.
Biglang nanlalaki ang dalawang mata ko at napaawang pa ang bibig ko (dahil kasalukuyang kong nilalantakan ang ice cream ko no'n) dahil may kasama pala siyang lalake. Pero hindi si Miro. Ibang lalaki at kiniss pa siya sa pisngi!
Huminto no'n sa pagtibok ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Naisip ko no'n baka kuya niya o pinsan lang niya. Pero syet! Sa pagkakaalam ko wala naman siyang kuya at wala rin siyang pinsan na lalake na halos kasing edad na niya!
Pakiramdam ko umakyat sa ulo ko lahat ng dugo na mayro'n ako. Nanginginig na ang buong katawan ko sa galit! Gusto ko siyang komprontahin! Gusto ko siyang sigawan at awayin! Pero hindi ko nagawa. Hindi ko magawa dahil alam kong wala ako sa posisyon para gawin 'yon.
Inakbayan pa siya no'ng lalake at narinig ko sabi pa nito sa kanya, "Tapos ka na mag-shopping, babe?" Ngumiti naman siya at kumiss sa cheeks nito sabay sabing, "Yes, babe! Thank you." Bago niya i-abot dito ang isang card. Mukhang credit card iyon no'ng lalaki, na sa tingin ko mga limang taon ang tanda sa kanya.
Hindi ko na nagawang kainin ang ice cream na hawak ko. Hindi ko na rin magawang ihakbang palayo ang mga paa ko. Maraming tanong ang agad na gumulo sa isip ko. Unti-unting bumagal ang paghinga ko dahil lahat ng tanong na 'yon naglaho na parang bula, nang bigla kong naisip ang mukha ng isang tao na hanggang ngayon mahal ko pa rin.
PAKSYET! NILOLOKO NIYA SI MIRO!!! (ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Roman pour AdolescentsThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕