PAGE EIGHTY-FIVE
Syet. Hindi ko alam kung mababaliw pa lang ba o baliw na ba talaga ako. Gabi-gabi akong hindi makatulog kakaisap kung crush ko lang ba si Pikachu o in love na talaga ako. Lechugas! Laki ng problema ko 'di ba? Dapat nag-aaral muna ako at hindi iniintindi o inaatupag ito. Pero ano'ng magagawa ko? Ang hirap kayang pigilan nitong nararamdaman ko. At saka, hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko. Si Pikachu pa nga ang nagsisilbing inspirasyon ko. Kung puwede nga lang 24/7 ako sa school basta makikita ko siya palagi, okay na. Echos! Hahahahaha. ∩_∩
Ito na nga pagkatapos kong mag-research sa google ng meaning ng assignment namin sa Oral Com, may sinearch pa ako. Tungkol sa crush. Oo na, curious na talaga ako kaya inalam ko na at mayro'n akong isang list na nakita.
◾ Signs Your Falling For Him ◾
Love is strange. It's wild, uncontrollable and happen totally by accident when you least expect it. If you read anything on this list and think, "Hmm, weird." I hate to break it to you, but you might be in love. ♡
Panimula pa lang, interesting na. Ang title? Catchy talaga kaya tuloy 'di na 'ko nag-atubili at binasa ko na ang mga nakalagay doon.
Sign #1: He's all you think of and everything reminds you of him
▫ No matter where you go, you think of him. It's a strange feeling you can't help. He just pops into your head at the most random times.
◾ Hmmm. Medyo? Naiisip ko siya. Pero hindi naman palagi. Halimbawa nakakita ako ng Pikachu or something na related sa Pokemon o kaya Mogu-mogu, naaalala ko siya at bigla na lang akong napapangiti. Syet. Tumpak 'yan! Bigla ko na lang siyang naiisip o bigla na lang siyang lumilitaw sa isip ko kahit pa ano ang ginagawa ko. Hays, 'di ko mapigilan e. Pikachu kasi!
Sign #2: You always want to talk to him
◾ Luh. Always. Daw. 'Di rin. Kahit naman gusto ko siyang kausapin 'di rin naman ata ako no'n kakausapin o papansinin. Oo, nagkakaro'n kami ng interactions pero 'di pa rin niya ako kilala. Periodt.
Sign #3: You find yourself always talking about him
▫ You can't help it. Someone says something that reminds you of him and before you even realize it you're talking about him.
◾ Boom! Guilty si Larisse! Hahahaha. Ewan ko ba kung bakit siya palagi ang bukambibig ko. Pikachu doon. Miro dito. Blah blah blah. Pag napag-usapan na naman siya, tuloy tuloy na ang bibig ko kakukuwento. Sabi nga ni Sera, "Alam mo Larisse kapag si Miro ang topic ang sigla mo at nagiging madaldal ka. Hehehe. Ang cute!" Sincere naman ang pagkakasabi niya pero pakiramdam ko ang annoying ko na. Huhuhu. (╥_╥)
Sign #4: You always smile thinking about him
◾ Uhm. Oo. Lalo na kapag naaalala ko ang guwapong mukha niya. Ang killer smile niya. Syet! Para akong tanga na ngumingiti mag-isa. Hahahaha.
Sign #5: Excited to go to school just to see him
▫ Ever get a simple hi or smile from him that sends a jolt of excitement through you and puts a smile on your face for the rest of the day? Does your heart skip a beat?
◾ Deym. Oo ulit. Ekeshenemen! (✿ຈ ﻝ͜ ຈ ) Hindi na ako magdedeny dahil oo naman talaga. Lalo na 'yung ngiti niya no'ng minsan niya akong nginitian. Dyahe! 'Di ata ako nakatulog no'n sa sobrang kilig! ♡ "Does your heart skip a beat?" Mygahd. 'Di lang nagi-skip. Parang ayaw na ngang bumalik ng tibok e. Hahahaha. Kidding aside, excited rin akong pumasok 'di lang dahil sa baon. Pati na rin kay Pikachu. Hahahaha. At talagang aminado ako 'no? Minsan nga nagugulat si Mama kung bakit ang aga pa daw naka-bihis na ako (school uniform) bakit parang excited na daw ako pumasok samantalang dati ang tamad ko. Aray ko besh, na-real talk ako ni Mother Earth. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Подростковая литератураThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕