PAGE EIGHTY-ONE
Hala. Namiss kong magsulat dito. Ang tamad ko kasi pero wala rin namang makabuluhang nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. (´−`)
Gano'n pa rin, e. Inistalk ko si Miro, nag-hyperventiliate ako no'ng makita ko siya dahil sobrang guwapo niya, buo na agad ang araw ko kahit 'di naman niya ako pinansin, nag-daydream ako, 'tapos. Hahahahaha. Siyempre gumising ako, pumasok sa school, umuwi, ginawa ang assignments. Same routine.
Bigla ko tuloy naalala kanina 'tapos na kaming mag-recess ni Rinneah at palabas na kami ng Cafeteria, 'tas pumasok naman si Miro at mga kaibigan niya. Pasimple ko tuloy hinila si Rinneah at bumalik sa inupuan namin na medyo malapit sa inupuan nila. Mukha ngang busy'ng busy silang lahat. Ayon sa narinig ko, may research sila. Narinig pa nga namin sabi ni Miro habang seryosong binabasa 'yung nasa laptop ng kaklase niya, "May mga typo akong napansin blablabla~" Siyempre kemerut na lang 'yang blablabla dahil bigla akong napatingin kay Bebs at sinabing;
Ako: Buti pa ang typo, napapansin niya kaagad 'no? Ako kaya kailan niya papansinin? ⊙︿⊙
Rinneah: (Biglang humagalpak ng tawa. Lechugas! Napatingin tuloy sa 'min 'yung ibang estudyanteng kumakain sa Caf. Wagas kasing tumawa.) Hugot pa. Nahahawa ka na sa 'kin, Bebs.
Ako: Aydul kita, e.  ̄ω ̄
Ayun na nga, pagbalik namin sa room may pinagawa sa 'min sa GenMath by partners 'yon, a. Unfortunately, nakapartner ko tulala. Sino pa ba? E, 'di si Rinneah. Jusko! Pinaliwanag ko sa kan'ya 'yung gagawin namin pero parang hangin lang ang kausap ko. 'Di man lang nag-rereact. Walang ginawa kundi kagatin 'yung dulo ng ballpen niya. Nawiwindang ako! Parang lumilipad talaga ang isip at walang ibang sinasabi kundi, "Bo Gum, mylabs." Oo, 'yon yung bida sa Kdrama na pinanood niya. Park Bo Gum ata pangalan nun. Syet lungs! Kundi ko pa pitikin sa noo, 'di pa babalik sa katawang lupa niya. ≧﹏≦
Ito na nga second week na showing 'yung Beauty and the Beast kaya sabi ko kay Bebs samahan niya ako manood. E, dahil namumulubi ngayon ang magaling kong bestfriend dahil 'kdrama is life' nga raw, wala siyang pang nood ng sine. Sa Sunday pa raw siya bibigyan ng allowance kaya inutangan muna ako. Sabi ko tuloy, "Ayan, kdrama pa." Sinimangutan nga ako sabay sagot ng, "Sana pera na lang naipon ko. Hindi puro eyebags." Natawa na lang ako.
Umuwi muna kami sa kanya kanyang bahay namin. Aba, malamang dahil bawal naka-uniform sa Mall, e. Siya rin nagpaalam kay Mama na may practice lang kaming pupuntahan. Bilis nga pumayag ni Mama basta 'wag daw kami magpapagabi. Lukaret 'tong si Bebs, e. Sagot ba naman kay Mama, "Opo, Tita. Umaga na po kami uuwi." Palihim ko ngang kinurot baka 'di pa ako payagan, e. Buti na lang napangiti lang si Mama at sinabing mag-ingat kami.
Syet. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako, e. Sobrang guwapo ni Beast no'ng naging tao na siya ulit. Homaygad! At sorang ganda rin ni Belle (Emma Watson) pati na rin ng boses niya. Deym! Tale as old as time ~ Song as old as rhyme ~ Na-LSS na ako. Ang ganda ganda rin ng movie. Superb! Beauty and the Beast is my favorite Disney Movie. And of course Belle is my favorite Disney Princess! I so love her. Buti nga sinamahan ako ni Rinneah kahit 'di niya favorite ang B&B. Cinderella favorite niyan at pinanood din naman namin 'yon. Langya nga, e. Sabi ba naman bagay daw kami ni Beast, basta 'wag na siyang magiging tao. Leche! Panira talaga ang Rinneah'ng 'yon, e. (눈_눈)
Bigla ko lang naalala habang nasa sinehan kami kanina at 'di pa nagsisimula ang B&B, parang nakita ko si Pikachu. Oo, si Miro. Nagkatinginan pa nga kami at malapit siya inuupuan namin ni Bebs. Ituturo ko sana kay Rinneah pero biglang may dumaan sa harap namin at pagtingin ko ulit doon, wala na. Naisip ko na lang namamalikmata lang siguro ako dahil palagi ko siyang naiisip. Pero parang siya talaga, e. Hays, bahala na nga.
P.S. Best feeling? Medyo late na ako umuwi pero 'di ako pinagalitan. Ewan ko na lang kay Bebs. Hahahahaha.
P.P.S. Hala. Nawawala na naman 'yong tinira kong champola. 'Yong kapatid kong si Liam na naman ang kumain no'n. Favorite niya rin 'yon, e. Makabili na nga lang bukas. ≧﹏≦
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Подростковая литератураThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕