PAGE ONE HUNDRED TWENTY-TWO
Akala ko pagagalitan ako kanina ni Mama dahil 6:00 PM na ako nakauwi. Mabuti na lang in-explain ko sa kanya na may group project kami at naki-text din naman ako sa isa kong kaklase kanina para i-text si Papa (kay Papa lang kabisado kong number) na medyo male-late akong umuwi. (°-°)
Wala naman masyadong ganap sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Puro kami activities at group project. Hindi na nga kami makanood ng K-Drama ni Bebs. Maganda pa naman daw yung While You Were Sleeping. Sa susunod na lang siguro.
Oo nga pala, kalat na sa buong school namin. . .
Hiwalay na si Miro at Leandie.
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕