PAGE SIXTY-TWO
Hindi ako makapaniwala. (╥_╥)
Isang puntos. ISANG PUNTOS LANG NAMAN ANG LAMANG NIYA SA 'KIN! BAKIT?!!! ( ╯°□°)╯ ┻━━┻ 'Dejoke lang. Lol. (╮°-°)╮┳━━┳
Nagbubunyi ngayon si Rinneah dahil, oo. Panalo nga siya ro'n sa deal namin. Huhuhuhuhu. Sayang. Sayang talaga! Maganda pa naman ang parusang ipagagawa ko sa kanya. Babawi na lang ako sa susunod. Mas gagalingan ko pa. o(╥﹏╥)o
Dikit na dikit talaga ang score namin. As in malapit na mag-tie. Lumamang lang siya nang isang puntos. Isang puntos lang!ヽ('Д´)ノ Pero gano'n talaga. Panalo siya, e. Panay tuloy ang tawa niya ng ganito, "Bwahahaha!" Parang isang kontrabida. Sabi pa nga niya habang nakangisi, "Yabang mo, a. Nasa akin pa rin ang huling halakhak. Bwahahaha!" Alam kong mahirap na naman ang ipagagawa n'yan. Ito na ang pan-limang beses kong talo sa laro o mas bagay sabihing trip namin na 'to. Pang-walo na itong deal namin. Tatlo na ang talo niya.
No'ng unang pinagawa niya sa 'kin, pinalapit niya ako sa isang lalake at sabihin ko raw, I love you. Syet 'di ba? Ni hindi ko nga kilala 'yon. Lumapit pa rin ako kahit nahihiya ako. Kinalabit ko at sinabing, "Oy, kuya! Mahal kita." Sabay takbo. Syet! No'ng sumunod naman, sa isang lalake rin. Mag-pick up lines daw ako. Holy caramel. Pinalapit niya ako ro'n sa magtotropa. ('Di ba mas lalong nakakahiya?) Kinalabit ko rin 'yong isang lalake at tinanong kung puwede magtanong. Um-oo naman. Sabi ko, "Kung didiretsuhin ko ba 'to? *sabay turo sa harap* May mas mabilis na daan ba patungo sa puso mo?" Jusko. Halos magpalamon ako sa lupa sa sobrang hiya nang sabay sabay na mag-'woooh!' 'yong mga kaibigan no'ng lalake. Kitang-kita ko pa nga na napanganga siya, natulala at biglang namula.
Syet. Bigla akong nagtatakbo at pinagkukurot ko pa si Rinneah na tawang-tawa habang pinapanood ako. Sabi nga niya, "Mukhang na-inlab pa sa 'yo si Koya!" Huhuhu. Hiyang-hiya ako sa sarili ko no'n. Mga trip ni Rinneah 'no? 'Yong huli nga niyang pinagawa, pinabili niya ako ng mga paborito kong pagkain. (Pera ko 'yon, a!) Mahigit Php 300.00 ang nagastos ko. 'Kala ko magfofoodtrip lang kami 'yon pala lahat 'yon kinain niya sa harap ko. Hindi ako binibigyan. Tinakaw lang ako. Longyo.
Ngayon tuloy kinakabahan na ako. Hindi ko lang pinapahalata. Baka kung ano na naman ang ipagawa nitong si Rinneah sa 'kin dahil nanalo siya. I'm syor mas mahirap na. Sabi pa nga niya, "Humanda ka na, Bebs. Simulan mo na mag-ipon nang isang drum na lakas ng loob at kapal ng mukha. Magugustuhan mo ang ipagagawa ko sa 'yo. Hahahaha!" Dahil puro siya 'hahahaha' muntikan pa siyang mabulunan. Jusko.  ̄ω ̄
P.S. Seryoso. Kinakabahan talaga ako. Ano na naman kaya ang mga pakulo ni Rinneah. ⊙︿⊙
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕