Page 108: Flash News

1 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED EIGHT

Nakakawalang gana. Parang ayoko nang magsulat dito. Sobrang lungkot ko kasi ngayon. Hindi ko alam ang gagawin. Pati Champola na kanina ko pa kinakain, hindi man lang ako magawang pangitiin. Hindi nababawasan ang bigat ng dibdib ko.

Si Miro kasi. . .

Hays. Bali-balita ngayon na may bago siyang nililigawan. STEM Student din daw. Mabilis na kumalat ang balita na 'yon lalo na't sikat sa buong campus namin si Miro. Maraming nakakita na may kasama siyang babae. Mayro'n pang kumalat na picture pero medyo malabo. Hindi masyadong kita 'yung mukha no'ng babae kaya hindi matukoy kung sino siya. Pero isa lang ang malinaw do'n. Si Miro talaga 'yon. Siya 'yung lalaking nasa picture. Hawak niya 'yung kamay no'ng babae habang naglalakad sila.

Ha ha ha. Leche. Ang saya. Sobrang sayang malaman na 'yung lalaking gustong-gusto ko, may bago na pa lang nililigawan. Akala ko pa naman may pag-asa na magkalapit kaming dalawa. Umasa lang pala ako sa wala. Sabagay wala naman kasing nagsabi na umasa ako. Ako lang 'tong tanga, e.

Nashookt nga ako nang malaman ko 'yon. Noong una hindi pa 'ko naniniwala pero nang makita ko 'yung picture nila, parang kinurot ang puso ko. Syet. Masakit. Mahirap masaktan nang walang karapatan. Mahirap kasi hindi ko magawang pigilan.

Kung sino man ang babaeng 'yon, sobrang suwerte niya dahil siya ang nagustuhan ni Miro. Pero isa kaya ang babaeng 'yon do'n sa tatlong babae na nakita kong kasama niya? Nakapili na kaya siya? O baka pinagsasabay-sabay niya? Syet. Huwag naman sana. Hindi naman siguro gano'n si Miro. Pero kung sino man siya, para sa 'kin siya na ang pinaka masuwerteng babae sa mundo dahil nasa kanya na ang atensyon ng taong tinuturing kong mundo. Sana all.

Gusto ko tuloy malaman kung sino siya.  ( ͡° ʖ̯ ͡°)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon