Page 106: Small World

0 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED SIX

Kanina pa ako parang tanga na nakatulala sa isang sulok ng kuwarto ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ngayon ko napatunayan na maliit nga talaga ang mundo. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.  (´・ω・`)

Nag-open ako ng facebook kanina para lang icheck kung may mga bagong nag-add ba sa 'kin o kung may mga messages. Magla-log out na sana ako nang maisip kong icheck o mas bagay sabihin na i-stalk yung facebook ni Miro at ito yung status niya na bumungad sa 'kin.

Miro Severano

I hope he's safe and alive :'c

Hanggang ngayon hindi pa rin niya nahahanap 'yung aso niya. Nabasa ko nga yung mga comments sabi ipagpepray nila na mahanap na niya yung nawawala niyang aso at isa ako do'n. Pinagdasal ko talaga yon.

Miro Severano

It's been a week. I miss you so much, T.

Iyan naman yung post niya no'ng isang araw. No'ng magkatext kami at nag-open up niya sa 'kin. Masaya na malungkot pa 'ko no'n. Masaya dahil nag-open up siya sa 'kin kahit may pinagdaraanan siya at malungkot dahil nawawala yung aso niya. Hindi lang basta aso. Bestfriend na yung turing niya rito. Ramdam ko naman sa kuwento niya pati sa post niya kung gaano niya kamahal 'yung aso niya dahil mahirap talagang mawalan ng aso na naging parte na ng buhay mo. Nag-scroll pa ulit ako at may nakita pa akong isang post niya na umagaw ng atensyon ko.

Miro Severano

I lost my dog today. His name is Timmie and he's a Golden Retriever. If anybody has seen or know of anybody who has seen him PM me.

P.S. Please help me in posting his picture and hopefully locate him soon. Thanks!

Ilang segundo akong nakatitig sa screen ng phone ko dahil hindi pa totally nag-sink in sa 'kin yung nabasa ko. Golden Retriever?! Timmie?! Homaygahd. Syet lungs dahil yung aso na bigla na lang pumasok sa bahay namin at kinupkop na namin na si Timmie at 'yung nawawalang aso ni Miro ay iisa. (ʘдʘ)

Holy caramel. Hindi ako makapag-isip nang maayos matapos kong malaman 'yon. Para akong lutang. Lechugas na 'yan! Ba't kasi ang tanga tanga ko. Ba't hindi ko agad narealize 'yon? E, 'di sana agad agad naming naibalik si Timmie kay Miro. E, 'di sana hindi umabot ng ilang araw na malungkot at nag-aalala siya kung nasa'n na 'yung alaga niya. (╥﹏╥)

Hays, bigla tuloy akong na-guilty kahit hindi ko naman alam na si Timmie yung tinutukoy niya. Nakaka-guilty dahil naging masaya kami no'ng time na malungkot siya. Masaya kami sa pagdating ni Timmie sa bahay namin habang siya, ilang araw hindi nakapasok sa sobrang pag-aalala. Nakakahiya dahil pinayuhan ko pa siya na wag mawalan nang pag-asa at pinalakas ko pa ang loob niya at sinabing mahahanap din niya 'yong alaga niya. Ayun pala nasa amin lang pala yung hinahanap niya. Ang saklap 'di ba? Minsan talaga nakakatawa rin magtrip ang tadhana. Pilit niya talagang pinapaliit yung mundo namin ni Pikachu. Sinong mag-aakala na 'yung napulot naming aso at inalagaan nang ilang araw, si Miro pala ang nagmamay-ari. (;д;)

Kaya pala halos malibot na ni Papa ang bawat sulok ng mga bahay dito sa 'min at kalapit barangay, hindi pa rin niya mahanap yung amo ni Timmie, e ang layo ba naman ng bahay nila Pikachu sa 'min. Nakakapagtaka kung pa'no siya nakarating nang gano'ng kalayo at subdivision pa sa kanila. Dapat makikita na yon sa mga guwardiya sa gate di ba?

Hays, mabuti na lang kami ang nakakita kay Timmie. Mabuti na lang sa gate namin siya pumasok. Mabuti na lang walang masamang nangyari sa kanya. Kundi, hindi kakayanin ng konsensya ko kung sa ibang tao namin naibigay si Timmie at baka may gawin sa kanya o ibenta siya. Deym. Hindi ko kakayanin 'yon. (´д`)

Sinabi ko rin kila Mama't Papa na kilala ko na kung sino 'yung totoong may ari kay Timmie. Sabi ko nahanap ko na at siyempre nag-ready na ako nang sagot dahil alam kong tatanungin nila 'yon. Sabi ni Papa, "Pa'no mo naman nalaman na siya talaga ang may-ari kay Timmie? Baka manloloko lang yan. May patunay ba?" Tumango naman ako at sinabi kong, "Oo, Pa. May mga picture siya ni Timmie na magkasama sila at binanggit din niya sa mismong post niya yung pangalan ni Timmie." Sumagot naman si Mama. "Sino yon? Kaibigan mo ba o kaklase mo? Pa'no mo nakilala?" Gusto ko sanang sabihin, "Kaibigan? Kaklase? Ma, crush ko yon e!" Siyempre joke lang yan e di piningot ako ni Mama. Hahahaha. Sabi ko schoolmate ko at nakita ko yung post sa facebook at siyempre pinakita ko rin sa kanila yung picture ni Miro kasama si Timmie at yung mismong post niya na hinahanap niya 'to.

Ayun, hindi na sila nagduda lalo na't nakita rin nila/namin yung isang video na nakikipagharutan si Timmie kay Miro. Ang cute! (o´Д') Talagang miss na miss na ni Miro si Timmie. No'ng pinakita nga namin kay Timmie yung picture ni Miro sa tablet ni Mama, bigla na lang parang kumahol nang mahina. Parang sinasabi niyang amo ko 'yan. Kilala ko yan. Gano'n. Nakakatouch. ♡

Tahimik nga no'n na nakikinig si Liam at Limuel sabay tanong sa 'kin, "Ate, nahanap mo na yung amo ni Timmie?" "Isosoli na natin siya? Hindi na namin siya makikita?" Mas nakakalungkot makita na malungkot yung mga kapatid ko dahil napamahal na talaga sa kanila si Timmie. Pero ipinaliwag ko ulit sa kanila na hindi sa 'min si Timmie. Napulot lang namin at sandaling inalagaan dahil nawawala nga ito pero may totoo pa rin itong amo at hindi kami. Malungkot sila pero alam kong nauunawaan naman nila 'yon. Okay na sana ang lahat nang biglang sumabat ang bubwit kong kapatid na si Liam.

Liam: (Tinitigan yung screen ng tablet ni Mama at biglang tumingin sa 'kin na parang ngumingisi) Ate si ano yan di ba?

Tahimik no'n na nag-uusap si Mama at Papa na parang pinagdedesisyonan kung ano ang magandang gawin o kung pa'no isasaoli si Timmie, nang bigla silang huminto at awtomatikong pumuhit nang tingin papunta sa direksyon ko.

Papa: Ano? Sinong ano, Liam? Kilala mo ba 'to?

Pinanlakihan ko ng mata si Liam pero mas lalo lang ngumiti ang loko.

Liam: Si ano po 'yan, Pa. Hahahahaha (⌒▽⌒)

Papa: Sino ngang ano? (눈_눈)

Ako: (Tumalikod kila Papa at pasimpleng pinandilatan ng mata si Liam) Liam, di ba gusto ng Milk Tea? Bibilhan kita bukas. I love you, Lil bro. Ang cute cute mo. Sarap mo kurutin ng pino. Hehehe. (ຈ ﻝ͜ ຈ )

Ginamit ko na ang pinaka sweet pero pinaka-scary din na boses ko at tingin ko umepekto naman nang bigla siyang napangiti nang malapad at sinabing;

Liam: Talaga, Ate? Bibilhan mo ako ng Milk Tea? Aba, ayos! (͠° ͟ﻝ͜ ͡°)

Papa: Liam, tinanong kita kung kilala mo ba 'to? Malapit ba 'to sa ate mo?

Liam: (Biglang umiling) Hindi po, Pa. Hindi ko nga kilala yan e. Baka kamukha lang. Laro lang po ako!

Ayun na nga, biglang alis ang kapatid ko. Hahahaha. Alam na alam ko talaga ang kahinaan niya. Idadaldal pa ako kila Papa. Lechugas buti na lang nasuhulan ko agad. Kundi, baka nagkabukingan pa at ma-grounded pa ako ng 1 week.

Mabalik ako kay Timmie, sabi ni Mama't Papa sila na raw ang bahala. Sila na magco-contact kay Miro para isoli si Timmie. Ako raw, asikasuhin ko na 'yung mga assignment ko at matulog ng maaga dahil maaga rin ang pasok ko bukas. I kenut! (╥_╥) Gusto ko pa naman ako mismo ang magbalik kay Pikachu pero sabi ni Papa maaga raw niya isasauli. Isasabay na niya sa paghatid niya sa school nila Liam at Limuel. Hindi man lang hihintayin ang pag-uwi ko para makasama ako. Lechugas na 'yan. Pero naisip kong okay na rin 'yon basta maibalik agad namin si Timmie. Basta makita kong hindi na malungkot at palaging tulala si Miro. Basta makita kong masaya na siya ulit, okay na rin ako do'n. Kaya sana sa mga oras na 'to, wag na siyang mag-alala dahil bukas na bukas din magkikita na ulit sila. ♡

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon