Page 52: Crushsary

0 1 0
                                    

PAGE FIFTY-TWO

Happy 1st Crushsary, Pikachu! (๑⚈ ․̫ ⚈๑)
(Actually, hindi naman talaga 'to 'yong first. Second na sana dahil no'ng first month, hindi ko pa nga siya nahahanap no'n. So, ito na lang 'yong official na first crushsary namin. Namin? Ako lang pala. Dahil ako lang may crush sa kanya. Hahaha. Assuming level 9999!)

Two months ko na pa lang crush si Pikachu. Two months na pala no'ng una ko siyang nakita. Ang bilis ng araw. Pero masasabi kong unti-unti ko nang nakikilala si Miro. Lalo na nitong mga nakaraang araw. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. ('Yon ang dahilan kung bakit ngayon na lang ulit ako nakapagsulat dito. Huhuhu. Sorna.) I got suddenly got curious on him. Curious about his life. Kung ano 'yong mga kinahihiligan niyang gawin. Kung anong mga paborito niya (bukod sa PokemonGo at kay Pikachu. Lol!) Kung ano'ng ugali niya. Basta lahat ng tungkol sa kanya gusto kong malaman.

Nalaman ko nga na STEM Grade 12 Section 1 siya. Hindi lang ngayon pati na rin no'ng junior high pa lang siya. Palaging star section. Holy caramel. Nalaman ko rin na valedictorian siya no'ng junior high. Hindi puro papogi. (Kahit pogi naman talaga siya. Lol. ) He's good at academics too. Lalo na sa Mathematics. Syet. Pareho kami! Pero ako, favorite ko lang ang Math. Medyo magaling din naman ako. Medyo lang. Unlike him, he's really good. Nakita ko nga 'yong school newspaper ng Ruforth. Na-feature pala siya ro'n. Nanalo siya sa MATHinik. Ang galing! (⌒o⌒)

Hindi lang 'yon dahil sporty din pala si Pikachu. Taekwondo player pala siya. Like, wow. Hindi lang basta Taekwondo player, kundi isang sikat at pinaka magaling mag-taekwondo sa buong District 1. Hindi lang puro self-defense. Lumalaban pala talaga siya at nakikipag-compete. Proud admirer here! Hahahaha. Sa pagkakaalam ko nga may belt na siya. Malapit na atang maging black belter. (Sayang nga dahil tapos na pala ang try-out. Sasali sana ako. Si Pikachu ang magtuturo, e. Hahahahaha. Para-paraan. Lol.)

Hindi lang marunong, magaling din pa lang magbasketball si Pikachu. Napanood ko! Syet. P.E ata nila 'yon at kada makaka-shoot siya, nagtitilian 'yong mga babae. Ngumingiti naman siya sa mga 'yon. Gosh. I loved seeing him smiling. 'Yong mga ngiti niyang tumatagos sa puso ko. Syet! Kinikilig ako kahit hindi naman ako ang nginingitian niya. Gusto ko rin nga siyang mapanood mag-taekwondo! Siguro ang kewl no'n. Magaling din siyang mag-chess. Wala pa raw nakakatalo. Pati na sa rubics cube. He can finish solving a rubics cube in just a matter of minutes. Nakaka-wow 'di ba? Hinakot lahat ni Miro lahat ng galing sa mundo. ♡

Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Kaya tuloy habang mas lalo ko pa siyang nakikilala, mas lalo ko rin siyang nagugustuhan. Wala naman atang hindi kagusto-gusto kay Miro. Napaka-down to earth nga rin niya sabi ng napaka-gandang source ko na si Rinneah. Hindi 'to mayabang tulad ng iba. Wala nga raw itong kaangasan sa katawan. Homaygad! Package deal na. Mabait, matalino, sporty, guwapo. Hay, Pikachu. I'm sure napaka-suwerte ng magiging girlfriend mo. ( '_ゝ')

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon