PAGE FIFTY-FIVE
Marami-raming nangyari sa araw na 'to. Nakakapagod pero ang saya naman. Una, highest ako sa kanina quiz namin sa GenMath. 20 items, 18 ako. Sayang 'di ko pa na-perfect! Gano'n talaga siguro kapag may inspirasyon. Homaygahd. Habang nag-ququiz kasi kami biglang dumaan si Miro sa room namin. Nagtilian tuloy ang mga kaklase kong may gusto sa kanya. ('Di ako kasama, a!) Pinagalitan tuloy ni Ma'am. Buti nga. Hahahahahaha.
Si Bebs nga halos maiyak na kanina habang nagtuturo pa lang si Ma'am. Sabi nga niya, "Worst feeling? 'Yong hindi mo na-gets kung paano nasolve 'yong problems sa Math. Huhuhu." Nagtataka ako sa babaeng 'yan, hirap siya sa Math at magaling siya sa Science, e may halong Math din naman 'yong Science namin no'ng junior high. Jusko. Sabi nga niya, "Bebs! Ayusin mo sulat mo. Pakopya ako." Sabi ko nga, "Ayoko. Mahuli pa tayo." Inirapan ba naman ako sabay sabing, "Ang damot nito. Tsk. H'wag ka rin sa 'king kokopya kapag Earth Science na." Nagbanta pa kaya pinakopya ko na. Hahahahaha.
Habang nagqu-quiz nga kami narinig kong bumulong pa 'yan ng, "Dear Math, pagod na pagod na akong hanapin ang x mo. Leshe! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin ang katotohanang wala na siya! Iniwan ka na niya! Move on, bruh. Move on." Syet. Bigla akong natawa. Buti na lang hindi narinig ni Ma'am. Hindi naman lahat pinakopya ko. Binago niya 'yong iba para raw hindi halata. Ayon, 15 siya sa test. Todo thank you pa nga sa 'kin. Lilibre raw niya ako ng champola! ♡
Pangalawa, nag-recess kami ni Bebs (wala na naman sina Rem. As usual. Busy, e.) Nilibre nga niya ako ng champola! Naiinis nga si Rinneah dahil habang patagal nang patagal, pamahal din nang pamahal ang mga tinda sa Caf. Lalo na ro'n sa dulo kung sa'n kami laging kumakain. Sabi nga niya, "Itong mga tindera sa Caf na 'to, bukod sa ang susungit na, ang laki pa magpatubo sa mga tinda nila. Sarap pasabugin!" Humagalpak tuloy ako ng tawa. Sumagot tuloy ako ng, "Ikalma mo 'yang puso mo, Bebs. Baka may makarinig pa sa 'yo." Kahit totoo naman 'yong mga sinabi niya.
Pangatlo, ang lapit sa 'min kanina ni Pikachu habang nagre-recess sila ng mga kaibigan niya. Nasa likod ko lang talaga. Hindi ko tuloy makita kaya nakipagpalit ako ng upuan kay Bebs. Nakahalumbaba pa ako habang nakatitig kay Miro. Tahimik lang siya habang ang ingay magkuwentuhan ng mga kaibigan niya. Nakasuot nga siya ng eyeglasses. Susko. Ang guwapo niya lalo! Binato nga ako ng chips ni Rinneah dahil hindi na ako kumakain. Tinititigan ko na lang si Miro. Bigla akong nabusog nang makita ko siya. Nabusog ang mata ko. Lol. Sabi nga ni Rinneah, "Hala, sige! Titigan mo nang titigan. Mamaya tunaw na 'yan." Langyang Rinneah talaga na 'yon. Pahamak. Bigla tuloy napatingin sa 'min si Pikachu. Napayuko tuloy ako. Baka mahuli na naman niya akong tumitingin sa kanya. Syet! Hanggang ngayon nga nahihiya pa rin ako sa sinabi ko sa kanya.
Pangatlo, no'ng uwian na namin bigla akong hinila ni Rinneah. Sabi niya, "May pupuntahan tayo dali. I'm sure magpapasalamat ka sa 'kin dahil dito." Sumama na lang ako. Nagulat ako nang mag-tricycle kami. Akala ko pupunta kami sa kanila pero iba 'yong way. Medyo malayo layo sa school. Sa Blue Leaf Subdivision kami pumasok. May binanggit lang na pangalan si Rinneah sa Guard pinapasok na kami. Ang unang tanong ko nga, "Sa'n tayo pupunta, Bebs? Ba't tayo nandito? Kaninong bahay 'yan?" Huminto kasi kami sa isang malaking bahay. Malaki talaga. 5x na mas malaki kaysa sa bahay namin. Mansion na ata 'yon, e. Napapaligiran ng glass window 'yong bahay kaya kitang-kita namin 'yong loob kahit medyo malayo kami. Sagot naman ni Rinneah, "Basta. Tingnan mo na lang." Syet! Nagulat ako nang huminto ang isang itim na Honda sa harap ng bahay at bumaba si Miro.
Oo! Si Miro talaga. Gulat na gulat nga ako at si Bebs, nakangiti lang. Nakatago kami no'n sa poste malapit sa kanila para hindi kami makita. Nasabi ko nga, "Homaygahd. D'yan nakatira si Pikachu, Bebs?!" Tumango naman siya nang nakangiti. Hindi ko naman kasi alam na doon pala nakatira si Miro. Kinurot ko nga si Rinneah at sinabi kong, "Pa'no mo nalaman? Stalker ka ni Miro? Akala ko ba---" Hindi niya ako pinatapos at nagsalita na siya. "Ang dami mong kuda. May kaibigan si Mama malapit dito. Sinama niya ako at nagulat din ako nang makita ko si Miro d'yan. Surprise!" Todo thank you ako no'n sa kanya dahil tinuro niya sa 'kin kung saan nakatira si Pikachu. Kahit nag-ala-stalker kami. Mahigpit pa naman daw ang security sa Subdivision na 'yon at hindi basta basta nakakapasok ang kung sino lang. Buti na lang may kakilala siya.
Yay! Alam ko na kung saan nakatira si Miro. ❤
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Novela JuvenilThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕