Page 83: Tulak

1 1 0
                                    

PAGE EIGHTY-THREE

Ang ganda ng araw ko. At isang tao lang naman ang dahilan kung bakit ayaw matanggal ng ngiti dito sa labi ko. Sino pa ba e 'di si Pikachu. \(⌒o⌒)/

Parang no'ng isang araw lang naiinis pa ako sa kan'ya 'tapos ngayon, back to normal na ulit. Hahaha. Siyempre matitiis ko ba ang Pikachu ko. (Oo, inaangkin ko na talaga siya! He's mine! Echos. Hahahaha)
Parang nagkukuwentuhan lang kami ni Bebs habang paakyat kami sa room dahil 'tapos na ang recess, sabi ko pa, "Cute ng ulap bebs, o. Hugis puso." Sagot ba naman, "Ulap? Parang 'yong taong gusto mo. Abot tanaw pero mahirap abutin." Sinamaan ko nga ng tingin sabay sabing, "Nanre-real talk ka na naman!" (Hype na 'yan. Hinugutan pa pati 'yung ulap! Sarap ibaon) Bwisit pa ako no'n kay Bebs dahil tawang-tawa pa siya sa pang-iinis sa 'kin nang bigla siyang mapahinto no'ng nando'n na kami sa hallway malapit sa room.

Rinneah: Hala, bebs! Si Pikachu, o! (⊙.☉)

Ako: (Umirap lang at pinagpatuloy ang pag-ubos ng champola'ng kinakain ko) Pikachu ka d'yan. 'Di mo ako maloloko, uy! (˘︹˘)

Rinneah: Lukaret! Totoo! Ayon siya, o! (⊙o⊙)/ (sabay may tinuro)

Aba, siyempre! Napatingin na rin ako. Syet lungs! Natulala ako dahil nandoon talaga siya! Mukhang galing siya sa kabilang room (katabing room namin) kasama pa niya 'yung ilan sa mga kaibigan niya. Hindi ako makapag-react habang naglalakad siya at abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Tulala lang talaga ako. Ni hindi ko na nga manguya 'yung champola'ng nakasubo sa bibig ko. Deym! Hindi rin naman niya pinapansin 'yung mga ibang estudyanteng namimilipit sa kilig sa tabi-tabi, inclunding Carylla. Uh-huh. Panay niya smile, flip hair with matching beautiful eyes habang nakatitig kay Miro. 'Kala niya siguro papansinin niya. Pero ayun nilagpasan lang siya. Buti nga. Hahahahaha. (ꃋิꎴꃋิ)

Doon ko naisip ang isang oh-so-brilliant-plan ko. Nagpaka-hokage babe muna ako para kay Pikachu. Lol. E, 'di eto na malapit na siyang dumaan sa harap namin.

Ako: Owemji, Bebs! Tulak mo ako sa kan'ya dali! (˃ᆺ˂)

Rinneah: Sigurado ka, bebs? 「(゚ペ)

Ako: Siguradong-sigura----(bigla niya lang naman akong tinulak)

Holy caramel! Hindi pa ako handa no'ng tinulak niya ako! Buong akala ko katapusan ko na! Na mapapahiya ako sa harap ng maraming tao including Pikachu kapag sumubsob ako sa sahig! Pero hindi! Hindi 'yon ang nangyari dahil bago pa ako humalik sa sahig, mabilis akong kinabig ni Miro. Napunta 'yung isang niya sa likod bilang pangsuporta at 'yung isa naman sa tagiliran ko. Lahat napatingin sa 'min at napa-gasp dahil 'yung posisyon namin para si Belle at Beast no'ng sumasayaw sila. 'Yon bang parang nakaliyad pa ako. Ganern! Homaygahd! Hindi ako makapag-kuwento ng maayos dahil nauuna ang kilig ko. Syet! (❀」╹□╹)」

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga sandaling 'yon. Daig pa nakipaghabulan sa toro! Owemji. Pakiramdam ko tumigil ang buong mundo nang marealized kong ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kitang-kita at malaya kong napagmasdan ng mas malapitan ang maamo niyang mukha. Deym! Parang gusto kong matunaw habang nakatitig siya sa 'kin. Nakaka-conscious! Nakakapang-lambot ng tuhod. Sabayan pa ng malakas na kabog ng dibdib ko. Parang tumigil ang lahat ng tao sa paligid namin at kaming dalawa na lang ang nag-eexist. Syet! Kung puwede lang 'wag na matapos ang oras na 'yon at gano'n na lang kami forever, okay lang, e. Pero siyempre, wala pa ring forever. Lalo na no'ng inayos na niya ako ng tayo. Kunwari bumalik ang ulirat ko. Hahahaha.

Miro: Are you okay, Miss?

Ako: (Tumango) Hala, sorry! (Tumingin kunwari ng masama kay Bebs) Ano ba 'yan kasi, Rinneah! Ba't ka ba nanunulak? Parang tanga 'to! (Tumingin ulit kay Pikachu) Sorry ulit, Miro. Nanunulak kasi 'to, e. ू(ʚ̴̶̷́ .̠ ʚ̴̶̷̥̀ ू)

Pasimple ko pa no'n tinuro si Bebs at ang babaita kong kaibigan? Ayon, pasimple akong pinauulanan ng kurot sa tagiliran sa sobrang kilig. Well, thanks to her! Kahit medyo napalakas ang tulak niya. Hahaha.

Miro: (Ngumiti sa 'kin) It's okay.

Pagkalagpas niya. . .

Ako: Owemji! Ang bango niya, bebs! Amoy baby! Syet lungs. Huhuhu! Nakita mo 'yon? Tinitigan niya ako! Ang guwapo niya talaga! Buo na araw ko. ٩(๑˃́ꇴ˂̀๑)۶

Pasimple at pabulong na kilig lang 'yon dahil baka marinig pa ni Pikachu o may makarinig pa sa 'min. 'Yung mga estudyante ngang babae na nakakita, nagbulungan pa habang nakatingin sa 'kin. Who cares! Masyado akong masaya para intindihin sila. Hahahaha. Pero pagpasok namin sa room, nakaharang si Carylla at ang mga alipores niya sa daan habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Hinead to toe pa nga ako sabay parinig, "Halata naman na sinadyang magpasubsob kunwari para mapansin ni Miro. Flirt!" Susugurin sana ni Rinneah mabuti na lang mabilis kong pinigilan. Sabi pa ni Bebs, "Bitiwan mo 'ko, bebs! Uupakan ko na 'to. Ginigigil talaga 'ko, e!" Syet. Ayaw talaga paawat buti na lang tumigil din no'ng sinabi kong, "Keep calm. Hayaan mo na siya." Tumingin na lang siya ng masama kila Carylla na nakataas pa rin ang kilay sa 'min sabay sabing, "'Yong iba nga diyan, hanggang usap lang. E, si Larisse? Niyakap pa. Wala talagang gamot sa insecure. Pwe!" Langyang Rinneah na 'yon may hirit pa talaga. Ayon, mas lalo tuloy nagngitngit sa inis si Carylla. Hahahahaha.

Teka naalala ko lang, nangyari na rin 'to kay Bebs, e. No'ng minsang dumaan ang crush niya, kunwari tinulak ko siya sa crush niya at ang pabebe kong kaibigan sabi ba naman, "Emegesh! Sareeeh! Ete kesheng beshpren ke eng heret e." Harot 'di ba? Parang nalunok lang ang dila niya. Hahahaha! Kilig na kilig din siya no'n sabi pa, "Bebs basta may guwapo, tulak mo agad ako." Dahil isa akong mabait ang masunuring kaibigan, isang araw habang nagkukuwentuhan kami bigla ko siyang tinulak sa isang lalaki. Medyo napalakas pa tulak ko, expected ko magpapabebe rin siya pero pagkita niya ro'n sa lalake sabi ba naman, "Tangina kasi 'kala mo laging nakikipagbiruan!" Hahahahaha. Galit na galit siya sa 'kin no'n! Maihi-ihi naman ako katatawa. Hype na 'yan! Napamura talaga e. Sabi pa, "Bebs, sabi ko tulak mo ako sa guwapo. Hindi sa mukhang sumisinghot ng medyas sa kanto." Hahahahaha. Syet! Ang epic talaga no'n.

O siya, matutulog na ako. Masyado akong masaya ngayon at baka hindi ako makatulog. Magde-day dream muna ako. ❤

P.S. Sa sobrang saya at kilig ko kanina, nilibre ko ng isang balot na flat tops si Rinneah. Tuwang-tuwa ang loka! Lagi na raw niya ako itutulak. Kung gusto ko raw minsan sa hagdan pa. Hahahahaha.

P.P.S. Nakita ko nga pala 'yong case ng cellphone ni Miro, si Pikachu pa rin pero ibang design na. Ang cute! (๑⚈ ․̫ ⚈๑)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon