PAGE EIGHTY-FOUR
Hays. Nababaliw na ata ako. Bakit ganito? Bakit ang hirap i-explain nitong nararamdaman ko. (́⚈人⚈)
Kanina magkakasama na ulit kaming lima (Ako, si Rinneah, Remarie, Sera at Moni) matapos ang halos isang linggo namin silang hindi nakita ni Rinneah. As usual, busy sila, e. Humanap lang time para sabay-sabay kaming mag-recess at dahil miss na namin sila. Pagpasok pa lang namin sa Cafeteria, umikot na agad ang mata ko at may isang pamilyar na taong hinanap---si Pikachu. Pero wala siya ro'n, e kaya tuloy matamlay akong naupo. 'Yon na nga lang 'yon oras na matagal ko siyang nakikita 'tapos wala pa siya. Naalala ko na naman tuloy 'yong biglaan niyang pagkabig at pagyakap sa 'kin doon sa corridor para lang hindi ako matumba. Deym! Hanggang ngayon kilig to the bones pa rin. Pagkatapos no'n palagi ko na kaya 'yon napapanaginipan at siyempre, gumigising akong may malaking ngiti sa labi. (✿ຈ ﻝ͜ ຈ )
Sa tuwing magkakasalubong nga kami, umaasa pa rin ako (Oo, na. Ako na assumerang asa nang asa! Bakit ba?) na baka sakaling pansinin o matandaan niya ako. Hype lang dahil kahit ang dami na naming interactions, parang wala lang. Hindi pa rin ako nag-eexist sa mga mata niya. Kaiyak besh. Pero kahit na gano'n di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Payting lang! Baka naman makakalimutin lang talaga si Pikachu. 'Di ba? 'Di ba? 'Di baaaaaaa? Wala nga pa lang sasagot kundi ako. Baliw na talaga ko. (-‸ლ)
Back to the main story, akala ko talaga hindi ko na makikita si Pikachu pero nagkakamali ako nang bigla akong kalabitin ni Rinneah at may inginuso. Aba, siyempre sinundan ko naman. Nagulat ako nang makita ko si Miro'ng mag-isa (dahil wala ang mga kaibigan niya) na para kadarating lang. Pero nagulat ako nang may lumapit sa kanyang babae na medyo matangkad, morena, sexy, pero 'di naman kagandahan. Medyo mahaba rin ang kulay brown na buhok niya at pak na pak ang pink na lipstick niya. 'Di ko masyadong rinig ang usapan nila pero nakita kong may hawak siyang libro at may tinuturo kay Miro. Ito namang si Pikachu, ngumiti at tiningnan 'yong book. Pero ito si ate mo girl biglang lumapad ang ngiti at tumingin sa kabilang table at nginitian 'yung apat na mga babae na mukhang kaibigan niya. Hype. Bigla akong kinutuban no'n. Mukhang dare 'yon at si Miro ang target. Pa'no ko nalaman? Siyempre gawain namin 'yon ni Rinneah. Nagulat na nga lang ako nang magsalita si Bebs sa tabi ko.
Rinneah: Ano, bebs? Sugurin ko na ba? Ako na ang gagawa para sa 'yo. Kahit isang balot na lang ng flat tops, solb na 'ko.
Nagtawanan tuloy si Remarie at Sena (dahil si Moni nakapila at may binibili pa)
Remarie: Oo nga, Lars. Sa tingin mo pa lang parang pinapatay mo na. Hahahaha.
Sera: True. Kung nakakamatay nga lang ang tingin, malamang dead on arrival si Ate Girl. Hahahaha.
Hindi ako natawa. Hindi ko rin sila nilingon. Nanatili ang mga mata ko sa babaeng 'yon pati na kay Miro. Nag-aabangan ako kung ano ang susunod niyang gagawin.
Ako: Ano'ng pangalan no'n?
Rinneah: 'Di mo kilala? Famewhore---este famous 'yan.
Ako: Itatanong ko ba kung kilala ko? (-__-)
Rinneah: Sabi ko nga e. Pilosopa ka. Si Zeica Armadez 'yan. Grade 12. HUMSS. Halos lahat ng guwapo sa school, iniisa-isa niyang jowain. Matinik daw 'yan sa boylets! Kabog 'di ba? Hahahaha.
Ako: Pa'no mo nalaman?
Rinneah: Ako pa ba? Hahahaha. Wala ka kasing bilib sa 'kin, e.
Dumating na si Moni at kumain na sila. Oo sila lang nawalan ako ng ganang kumain e. Pinapanood ko lang si Pikachu at 'yong babaitang 'yon na todo ngiti at panaka-nakang senyas sa mga kaibigan niya. Habang si Miro naman seryoso lang na parang may ine-explain sa book no'ng babae. Ito namang sila Remarie, Sera at Moni pinagtatawanan ako dahil kinuwento ni Rinneah 'yong nagselos ako kay Carylla. Lechugas na 'yan! Napaka-daldal talaga. (ভ_ ভ)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕