PAGE EIGHTY-SIX
Homygaaahd. (இ﹏இ'。)
Uhm, pa'no ba 'to? Tsk. Honestly, I don't know where to start. Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko, dahil hindi ako makatulog. Kaiisip. Naisip kong magsulat na lang muna dito pero ito ako ngayon, walang ibang masabi. Gusto kong ilabas ang saloobin ko at mga bagay na napagtanto ko nitong mga nakaraang araw at nakumpirma ko kanina, pero ito ako ngayon, walang masulat. Nakakatawa pero iyan ang totoo. Hahahahahays. Nakakabaliw. ('・ω・)
Ilang araw ko rin pinag-isipan kung ano nga ba talaga 'tong nararamdaman ko kay Miro. Crush ba talaga o love na? Mabaliw-baliw ako kaiisip kung in love na nga ba talaga ako o infatuation lang 'to. Nabaliw ako kaiisip kung ano nga ba talaga. Katulad na lang no'ng nabasa ko na, 'Based on psychologic study, a crush only last for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love.' Kung si Rinneah, hindi stick to one sa crush at halos linggo-linggo iba-iba ang crush niya, ibig sabihin no'n crush lang talaga ang nararamdaman niya. E, ako? Naisip ko mahigit apat na buwan ko na pa lang crush si Pikachu. Ang bilis 'no? So lagpas na sa apat na buwan at ibig sabihin no'n in love na ako? Gusto ko man sabihin na oo, ewan ko ba. Hindi pa rin ako kumbinsido. Parang may kulang pa rin kanina. Oo, kanina. Dahil biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
As usual, recess namin no'n at dalawa lang kami ni Bebs. Siya bumili ng pagkain namin habang ako nakatulala lang do'n sa table namin at malalim ang iniisip. Kulang na lang kumuha ako ng bulaklak at pitasin isa-isa habang sinasabing, "In love na ba ako o hindi in love?" Ganern. Lumilipad talaga ang utak ko, buti na nga lang highest ako sa Oral Com quiz kanina. Perstaym 'yon a. Sabi nga ni Rinneah, "Naks! Perfect. Partida tulala ka pa kanina." Hahahahahype na 'yan.
Abalang-abala sa paglipad no'n sa kalawakan ang utak ko, nang bigla akong mapatingin sa isang lalaki sa harap ng table namin. (Magkaharap kami) Sa isang iglap parang bumalik ang ulirat ko nang makilala kong si Miro 'yon! Hindi lang 'yon basta si Miro dahil syet lungs! Nakatitig siya sa 'kin! Deym. Sanay akong nakatitig sa kanya sa malayo at kinikilig na ako do'n. Pa'no pa kaya kung nakatitig siya sa 'kin? Para akong tatakasan ng bait. Hindi ako mapakali. Parang hindi lang ang puso ko ang lulundag sa sobrang bilis ng tibok nito, pati na rin lahat ng internal organs ko!
Hindi ko nga alam ang gagawin ko kung makikipagtitigan ba ako o lalayo na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko, bigla na lang akong tutumba kahit nakaupo naman ako. Literal na nanlalambot ang tuhod ko! Syet. Ganito katindi ang epekto sa 'kin ni Pikachu! Lalo na nang ngumiti! Holy caramel. Nginitian niya ako ulit! Para akong kinapos ng hininga. Gusto kong mag-hyperventiliate sa mga sandaling 'yon pero masyadong O.A gawin 'yon, kaya ngumiti na lang ako pabalik. Halos tumalon ang puso ko sa sobrang kilig! Nagparty-party ang mga dagang naghahabulan sa tiyan ko no'n. Owemji! He noticed me again. (✿ຈ ﻝ͜ ຈ )
Iyon na ata ang pinaka masarap na pakiramdam sa mundo; ang mapansin ako ng crush ko. Doon napagtanto ko ang lahat. Mahirap i-explain, pero puso ko na rin siguro ang nagpaliwanag at nagbigay ng sagot sa mga katanungan ko. Tapos pagbalik ni Rinneah, napakunot nga ang noo niya dahil napansin niya ang malapad na ngiti ko.
Rinneah: Anyare? Nawala lang ako saglit, nabaliw ka na?
Ako: Bebs, wala na. ⊙︿⊙
Rinneah: Ang alin? ('・ω・`)
Ako: Thinunder volt attack na ni Pikachu ang puso ko. ( ؔ⚈͟ ◡ ؔ⚈͟ )
Rinneah: Oh my gosh! Confirmed, bebs?! (」゜ロ゜)」
Ako: Oo. ꒰ॢꈍ◡ꈍ ॢ꒱
Rinneah: Sabi na, e. Sa wakas, inamin mo rin!
Muli akong napatingin kay Miro habang nakangiti (kahit hindi na siya sa 'kin nakatingin) Ngayon alam ko na ang sagot sa tanong na hindi lang gumugulo sa isip ko, pati na rin sa puso ko. Nasabi ko na lang tuloy sa sarili ko, "Homygahd! I'm in love with him. I'm in love with Pikachu."
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Roman pour AdolescentsThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕