Page 48: Lukaret

1 1 0
                                    

PAGE FORTY-EIGHT

NAKAKAINIS SI RINNEAH!!! (Oo! Capslock kung capslock!) ︵ヽ('Д´)ノ︵

Hindi ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Miro pagkatapos nang ginagawa ni Rinneah. Huhuhuhu. Nakakahiya. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ng mga sandaling 'yon. Dapat talaga hindi ko hinahamon si Rinneah, e. May saltik pa naman 'yon. Huhuhuhuhu. (╥﹏╥)

Nasa library kami kanina dahil no'ng makita kong pumasok do'n si Pikachu, hinila ko si Rinneah para isama. Hindi muna kami umuwi. Gusto ko munang pagmasdan ang crush ko para naman pag-uwi ko, masaya ako. Nanghiram kami ng makakapal na dictionary para may alibi kami. Bawal tumambay do'n, e. Tutal may assignment din naman kami na give the meaning of the following chuchu. Para hindi na kami magreresearch. May instant assignment na agad kami. Gano'n. Hahahahaha.

Umupo kami medyo malayo kina Miro at sa mga kaibigan niya. Mga four tables 'yong pagitan namin, e ang hahaba ng lamesa sa library. Gosh! Mas lalo pala siyang gumaguwapo kahit seryoso lang siyang nagbabasa. Nakahalumbaba nga ako sa table namin habang pinagmamasdan siya. Hindi talaga siya nakakasawang pagmasdan. Homaygahd lang.

'Pag mapapatingin na siya sa direksyon ko/namin, inaangat ko 'yong malaking library at kunwari nagbabasa para lang hindi niya mahalata na tinititigan ko siya. Para-paraan lang. Hahahahahaha. Sabi ko nga, "Hay, ang guwapo talaga ni Miro. Ang amo ng mukha. Parang anghel na nalaglag mula sa langit para saluhin ko." Natawa nga si Bebs sa sinabi ko at sagot niya, "Mukhang anghel, pero maraming nadedemonyo sa kaguwapuhan niya." Lol.

Si Bebs nga lang ang nakagawa ng assignment. Sabi ko mangongopya na lang ako sa kanya. Sabi ba naman, "Gagawa ka ng assignment mo o sasabihin ko kay Miro na crush mo siya?" Syet. Tinakot pa talaga ako. Sagot ko naman, "E, 'di sabihin mo." Ang tapang ko pa dahil akala ko hindi naman niya gagawin. Akala ko tinatakot lang ako. Gano'n naman 'yon, e. Puro pagbabanta lang. Pero mali ako nang sabihin niyang, "Miro! Crush ka nito, o!" Sabay turo sa 'kin.

Homaygahd. Nang mapatingin sa 'min sina Miro (Oo! Kasama 'yong mga kaibigan niya!) halos manliit ako sa sobrang hiya. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko o magpalamon ng buhay sa lupa. Parang gusto ko na lang maging invisible o mag-teleport para mawala na ako ro'n. Hindi ko nga maikurap ang mga mata ko habang magkatitigan kami ni Miro. Parang bigla na lang akong mag-memelt sa titig niya. Holy caramel! Naging mas mapula pa siguro sa mansanas ang mukha ko. Bigla ko tuloy nasabi, "Hala! Hindi!" Sabay takip sa mukha ko ang makapal na dictionary sa sobrang hiya. Pasimple kong kinurot si Rinneah at bulong ng, "Leche ka talaga, Bebs! May araw ka rin sa 'kin! Gaganti ako! Akala mo ha!" Humagalpak ba naman ng tawa ang bruha at sinabing, "Oy! Ngumiti kaya ang Pikachu mo. So kyotie!" Pasimple akong sumilip sa taas ng libro para tingnan kung totoo nga. Hindi na nakatingin sa 'min no'n si Miro pero bigla ulit siyang napatingin sa 'kin kaya nagtago ako.

Bago ko nga kinaladkad paalis si Rinneah. Pinagalitan pa siya ng Librarian. Ang ingay daw kasi. Buti nga. Hahahahaha. Paglabas nga namin sa Library, hinampas ko kaagad sa braso at napa-ouch siya. Hiyang-hiya ako dahil hindi ko akalain na sasabihin niya talaga 'yon kay Miro. Huhuhuhuhu. Napansin nga niya ako. Nakakahiya naman. Sabi ko nga, "Humanda ka! Malaman ko lang talaga kung sino 'yong crush mo, ibubunyag ko sa kanya lahat ng sikreto mo. Sasabihin kong ginagayuma mo siya nang madala ka!" Lecheng 'yon! Humagalpak na naman ng tawa at mangiyak-ngiyak pa sabay sabing, "Lukaret!" Samantalang siya 'tong lukaret sa 'ming dalawa. (눈_눈)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon