Page 104: Sad

0 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED FOUR

Mahigit isang linggo na pala sa 'min si Timmie. Halos araw araw siyang pinapaliguan ni Papa, Liam at Limuel. Tuwang-tuwa nga sila dahil ang harot talaga ni Timmie. Palaging nakikipag-laro at feel at home na rin siya sa bahay namin. Ang alam ko 'yung ibang aso, minsan namamahay din o hindi mapakali kapag wala 'yung amo nila, siya hindi. Takbo siya nang takbo sa loob ng bahay minsan hihiga sa sala o sa kusina pero madalas nakikipagharutan siya sa mga kapatid ko. Nakakatuwa nga silang pagmasdan. ♡

Oo nga pala, hindi pa rin namin nahahanap 'yung may-ari/amo ni Timmie. No'ng pumunta kami sa Barangay, sabi ni Kap, mas mabuting dumito muna sa 'min si Timmie at kakausapin na lang niya kami o pupuntahan kapag may nag-report doon na may nawawalang aso. 'Di rin daw kasi nila mababantayan at baka pag-interesan pa ng ibang tao roon. Mas safe raw na dumito muna sa 'min dahil nakita ni Kap na malapit na si Timmie sa mga kapatid ko. Isa pa, kaibigan ni Papa si Kapitan kaya tiwala siya. Pero hindi ko maiwasang mangamba. (︶︹︺)

Mangamba na baka mahirapan kaming isauli si Timmie kapag nahanap na 'yung totoong amo niya. 'Yung mga makapatid ko kasi sobrang close na talaga sa kanya. Kahit ako e. Ang lambing kasi ni Timmie. Hindi siya 'yung aso na kaiilagan dahil matatakot ka. Masarap siyang kasama. Maharot talaga. Friendly. Maamo. Kaya sa lalong madaling panahon, gusto ko na agad makita yung amo niya para hindi na masyadong ma-attach yung mga kapatid ko. E hindi naman sa 'min si Timmie. Natatakot ako na baka dumating sa point na iyakan ako ng mga kapatid ko kapag isasauli na siya dahil unti-unti na siyang napapamahal sa 'min. ⊙︿⊙

Ang hirap kaya sana makita na agad namin yung totoong nagmamay-ari sa kanya, dahil kung tatagal pa sa 'min si Timmie baka mahirapan yung mga kapatid ko tanggapin na hindi naman siya sa amin. Baka masanay sila. Ayoko pa naman nakikitang malungkot ang dalawang bubwit na yon. Nahahawa ako.

Minsan nga nasabi ko kay Papa, "Pa, pa'no pag hindi na natin nahanap 'yung nagmamay-ari kay Timmie? Sa 'tin na lang siya? Tayo na mag-aalaga?" Oo, ang selfish ko dahil naisip ko no'n na sana di naman makita yung amo ni Timmie para sa amin na siya, para hindi malungkot sila Limuel,  pero umiling si Papa sabay sabing, "Hindi ko alam, 'Nak. Pero sana mahanap natin. Kawawa naman yung tao. Mahirap mawalan ng aso lalo na kung malapit sa 'yo at mahal mo." At dahil sa sinabi niya, nalungkot ako. Sobra. Bigla lang akong may naalala. Tama siya. Masakit mawalan. Kaya tuloy pinapaalala ko lagi sa mga kapatid ko na oras na makita o mahanap namin ang amo ni Timmie, ibabalik namin siya dahil hindi siya sa 'min. Alam kong nalungkot sila sa sinabi ko pero wala silang nagawa kundi um-oo.

Ang redundant na yata nang pinagsasabi ko. Oh wait, bigla kong naalala si Miro. Pumasok na pala siya. Halos tatlong araw din siyang hindi pumasok. Ang dami niya sigurong na-missed na lesson. Hmm, mababawi niya naman siguro 'yon. Si Pikachu pa ba? Matalinong tao yon. Yakang-yaka niya yon. Alam kong hindi niya pababayaan ang pag-aaral niya.

Pero ano kayang dahilan ng pag-absent niya? Wala naman silang training. Hindi rin naman daw siya nagkasakit. Hindi ko lang alam kung may family problem ba siya o ano. Pero no'ng nakita ko siya (maaga kaming pumasok ni Rinneah, as in kabubukas lang ng gate ni Manong Guard mga 5:00 - 5:30 am para lang maabangan ko ang pagpasok niya. Antok na antok nga si Rinneah. Buti na lang sinamahan ako gusto na nga daw niyang matulog muna sa Guard House. Hahahaha. Baliw na 'yon! Sobrang aga ko raw kasi. Maaga pa sa tilaok ng manok. I kenut.

Ayun na nga, isang kotse yung huminto medyo malapit sa 'min at bumaba ang limang estudyanteng lalake. And yep, including Miro. Maraming mga babaeng nag-aabangan at halos palibutan sila and thank God, walang tilian na naganap dahil ang aga aga. Buti nahiya sila. Pero halos mamilipit naman sila sa pagpipigil ng kilig---kasama na 'ko. Sabi nga ni Rinneah, "Kahit hindi pa ako nag-aalmusal Bebs, nakita ko lang sila busog na ako. Happy tummy. Ganern." Hindi ko kinaya yung happy tummy. Lol.

Titig na titig talaga ako no'n kay Miro. As in bawat galaw niya sinusundan ko. Ang guwapo niya talaga. 'Yung feeling na habang pinagmamasdan ko siya mas lalo pa siyang gumagwapo sa panigin ko. Lechugas. 'Yung mga kaibigan niya nagpapacute sa mga babae para lang mapansin, samantalang siya, kahit yung simpleng paghawi lang ng buhok niya at pagsuot ng itim backpack sa kanang balikat niya ang lakas na ng dating. Sobrang nakaka-drools.

Pikachung 'yon. Ang aga aga akong pinakilig. Sobrang namiss ko kaya siya. Tatlong araw ko rin siyang di na kita. Pero napansin ko, habang nagbibiruan at nagtatawanan ang mga kaibigan niya, siya seryoso lang, malayo ang tingin at para bang malalim at iniisip. Pagdating ng recess, hindi siya pumunta sa Caf. Mga kaibigan lang niya ang nakita ko ro'n dahil siya agad ang hinanap ng mata ko. Saglit ko tuloy tinakasan sila Remarie para pumunta sa room nila. Pagkasilip ko, nando'n siya, nakatingin sa bintana, habang suot ang magkabilang earphones sa tainga.

Nakakatawa dahil gustong-gusto ko siyang lapitan ng mga sandaling yon para tanungin kung bakit? Ano'ng problema niya? Bakit nag-iisa siya? Bakit ginugutom niya ang sarili niya? Bakit ang lungkot lungkot niya? Pero ang tangi ko lang nagawa ay pagmasdan siya mula sa malayo. Bigla pa nga akong nagulat at napatakbo nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Nacucurious ako at the same time, nalulungkot din. Gusto ko siyang tulungan kahit hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya malungkot. ⊙︿⊙

Sana hindi na malungkot si Miro. Sana makita ko na ulit ang ngiti niya. Sana.

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon