PAGE FORTY-NINE
May Bakery sa labas ng campus kung sa'n madalas kong nakikitang tumatambay si Miro kasama 'yong kaibigan niya. Yes, alam ko na ang tambayan niya. Isang beses nauna akong pumunta ro'n. Inunahan ko na si Miro para naman hindi halata na ini-stalk ko siya. Sabi ba naman no'ng lalakeng nagtitinda, "Hoy! Bibili ka ba? Bawal tumambay rito!" Kung makasigaw. High blood, e. Kaasar 'yon. Todo-aura pa naman ako. Tsk. Bawal daw tumambay, e ano'ng ginagawa ro'n nila Miro? 'Di ba tumatambay. Oh, brain.
Napilitan akong tumango kahit wala naman akong balak na bumili ng tinapay. Tumingin-tingin ako. Medyo tinatagalan ko talaga. Ang tagal din kasing dumating ni Miro. Enebeyen palalayasin na ako ng lalakeng 'yon na kamukha ni Damulag sa Doraemon wala pa rin siya. Tanong ako nang tanong kung magkano 'yong mga tinapay sa istante. Talagang iniisa-isa ko. Mukhang badtrip na nga siya.
Ako: Ito po magkano? (Sabay turo ro'n sa pineapple pie)
Damulag: Php30.00 isa!
Ako: (Bumulong) Mahal naman. Lima isa lang 'yan sa 'min, e. ≧﹏≦
Damulag: (Badtrip na talaga) Bibili ka ba talaga? Kanina ka pa tanong nang tanong! (ಥ_ಥ)
Ako: Bibili nga po! (Pasigaw na rin. Nakakarami na siya, e!)
Napakasungit ng Damulag na 'yon. Akala niya kinaguwapo niya. Pwe! Pasalamat siya biglang dumating sina Miro kaya umayos ako no'n. To be honest, mukhang masasarap sana tinda nila pero hindi ako mahilig sa tinapay at ang mamahal pa. Medyo napahiya pa nga ako dahil sinigawan niya ako at napatingin sina Miro. Kainis talaga ang Damulag na 'yon. Isasama ko siya sa death note ko. Hahahahaha. Joke lang. Buti nakabawi ako.
Damulag: H'wag ka nang bumili! Sinasayang mo lang oras ko!
Ako: (Nabadtrip na talaga. Kung wala lang si Miro. Humanda sa 'kin si Damulag) Sige. Putok na lang. May putok ka ba? (•̀ᴗ•́)
Damulag: Wala! (Pasigaw pa rin. Leche 'yon! 'Kala niya ang kewl niyang tingnan. Kung makasigaw sa 'kin. Pwe!)
Ako: (Ngiting pang-asar at medyo lumapit sa kanya) Meron, e. Naaamoy ko. ( ͡° ͜ʖ ͡°)
Damulag: (Natulala) Ano'ng sabi mo!!! (ಠ益ಠ)
Ako: (Nagbelat) ლ(́౪‵ლ)
Damulag: (Mas lalong nagalit) ︵ヽ('Д´)ノ︵ ┻━┻
Nagtatakbo na ako palayo nang konti pagkatapos no'n. Baka batuhin ako ng matigas nilang tinapay, e. Umuusok pa naman ilong ni Damulag sa galit. Pero homaygahd! Nakita ko! Nakita ko 'yon at narinig bago ako tumakbo! Holy caramel. Natawa si Miro! Natawa si Crush! Natawa ang Pikachu ko! Huhuhu. Nakakaiyak. Sobrang saya ko nang marinig kong natawa siya. Natulala talaga ako at nakalimutan kong tumatakbo nga pala ako. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. 'Tapos sabi pa niya, "She's so funny." Muntikan na akong mag-collapse sa sobrang kilig. Homaygahd! Narinig ko 'yon! Narinig ko 'yon! Kahit sinabi lang niya na nakakatawa ako, compliment na para sa 'kin 'yon dahil napansin niya ako. He noticed me! Kinikilig talaga ako. Emegesh! (✿ຈ ﻝ͜ ຈ )
Buong-buo na ang araw ko dahil nakita ko siya, dahil napansin niya ako, dahil sinabi niyang funny raw ako at dahil napatawa ko siya. Hays, Pikachu binuo mo na naman ang araw ko. Sana palagi mo na lang akong pansinin para palaging kumpleto ang araw ko. ❤
P.S: May magandang idudulot din pala ang kasungitan no'ng Damulag na 'yon. Dahil sa kanya napansin ako ni crush. Sa susunod bibili na talaga ako ng tinapay. Sana may putok na siya. Hahahahahahaha. (´▽`)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Ficção AdolescenteThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕