PAGE SIXTY-ONE
'Yong feeling na todo review ako, hindi namab lumabas sa exam 'yung nireview ko. Ang saklap. Huhuhu. Karamihan talaga sa nireview ko, wala sa exam. Hays! Bakit ba kasi binigyan pa kami ng pointers kung hindi naman pala lalabas sa exam. Jusko naman. Nag-exam na kami kanina. Last exam na 'yon. 'Yong apat na nauna na kahapon. (Kasama na 'yung Pre-Calculus na ang daming nakaiwan ng Scientific Calculator. Hindi rin sila pinayagang humiram sa katabing section. Buti na lang ako dala ko palagi. Maiwan ko na lahat 'wag lang 'yon tuwing may Pre-Cal kami.) 'Yong in-exam na lang namin kanina Earth Science, GenMath, P.E at OralCom. No'ng Earth Science nga pangisi-ngisi sa 'kin si Rinneah at ang bilis pang matapos. Samantalang ako, nangangamote na. Sabi ko pa, "Ang hirap naman nito." Sagot ba naman, "Sisiw nga, e." Yabang 'no. (눈_눈)
No'ng nag-exam naman kami OralCom, b'wisit! Nakalimutan ko pa. Nalito ako. Huhuhu. Sabi nila ang mga estudyante raw, may cycle 'yan, e. Review- Test - Limot - Review - Test - Limot. Pero kanina may sarili akong cycle. Review - Nakalimutan - Nag-test - Nganga. Nakakainis pa 'yong kaklase kong wagas kung maka-cover ng test paper niya. Napatingin lang naman ako. 'Kala mo naman kokopyahan.  ̄ω ̄
Sumunod na in-exam namin 'yong P.E. Narinig ko nga na sabi ng kaklase kong lalake, "Ang estudyanteng hindi nakapagreview, multiple choice ang inaasahan!" Hahahaha. Laughtrip kaming lahat, e. Pinanlakihan tuloy siya ng mata ni Ma'am. Ito pa, napansin namin lahat na same question lang ang nakalagay sa number 31 at 32. Dahil may mali siya ro'n sa exam, sinigaw agad ng mga kaklase ko, "Bonus! Bonus!" No choice si Ma'am at ginawang bonus na nga. Hahahahaha. (⌒o⌒)
Pagdating ng GenMath, nag-seryoso ako. Focus muna. Pero biglang sumigaw si Rinneah ng, "Hype! Nawawala 'yong HBW ko. Magkapigsa sana sa noo 'yong nagnakaw no'n!" Hahahaha. Langya talaga. Pinahiram ko na lang buti may binili pa akong isa. One seat apart kaming lahat kaya kulang ng space at meron nag-eexam sa labas. Pero ang daming Matang Lawin sa likod ko. Nagpapakahirap akong mag-solve ng problem, nangongopya lang.
Tinatakpan ko tuloy. Medyo hindi nga ako makapaconcentrate kanina dahil ang iingay ng mga kaklase ko. Umalis kasi si Ma'am Pelaez. Narinig ko pang sabi ng isa kong kaklaseng babae sa isa ko pang kaklase, "Mabait ka lang kapag mangongopya ka. Pero pag ako na ang mangongopya sa 'yo, ang damot mo!" F.O na ata sila dahil lang do'n. ( - ლ)
Ito namang si Rinneah narinig ko pang sabi sa katabi niya, "Sure ka ba d'yan? Baka mali 'yan, a." Hype. Mangongopya na nga lang, e. Hahaha. Pero mahirap din talaga 'yung lesson na Solving Rational Equations. Nang bumalik nga si Ma'am at may sinabi sa 'min mangiyak-ngiyak siyang bumulong sa 'kin ng, "Love ko na sana ang Gen Math, e. Kundi lang sinabi ni Ma'am Epal-ez (Pelaez) na show your solution. Lintek na 'yan. Paano ko ipapakita, e kinopya ko lang 'yon." Inasar ko rin tuloy at sinabi kong, "Sus. Sisiw lang 'yan." Dahil tapos na ako. Bigla tuloy napangiwi ang lukaret at sinabing, "Lintek na Math 'to. Hindi na masosolve ang problems niyo ng x mo! H'wag ka nang humanap ng solution. Mag-move on ka na para sa ikatatahimik mo!" Humagalpak tuloy kaming lahat ng tawa. Jusko! Humugot na naman. Hugot Kwin talaga. Hahahahahahaha. (´▽`)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕