PAGE SIXTY
Nag-pre test kami kanina sa Introduction to the Philosophy of the Human Person. 'Yon na lang kasi ang subject na hindi pa kami nagpe-pre test. Second Periodical Test na kasi namin sa Thursday and Friday. Mabait 'yong teacher namin na ro'n si Ma'am Querubin. Dalaga pa kasi. Hindi pa high blood. Lol. Actually, siya ang pinaka-mabait at close naming teacher. Kalog kasi. Nasasakyan ang mga trip ng section namin. Kahit sa'n kami makita, binabati kami. Hindi tulad sa iba naming teacher na deadma talaga.
Halos lahat kami hindi nakapag-review. Nagkasakit kasi si Ma'am at hindi sinabi na mag-review kami. So, umangal ang iba kong kaklase (Kasama na pala ako ro'n. Hahahahaha!) Ang ginawa ni Ma'am, open notes na lang. Pre-test lang naman 'yon basta raw walang kopyahan. Pero 'yong magaling at masipag kong kaibigan, panay ang kalabit sa 'kin sabay bulong, "Huy, Bebs. Ano sagot sa number 23?" Sagot ko naman, "Tinuro sa 'tin 'yon, a? Nasa notebook mo 'yon, Bebs. Pinasulat 'yan ni Ma'am, e." Ang sagot ba naman, "E, wala ngang laman 'yong notebook ko." Jusko. Sabi ko tuloy, "Bebs naman---" Pero pinutol niya at sumagot ng, "Alam ko na sasabihin mo. Na open notes na nga para hindi magkopyahan pero ang wala ka pa rin maisagot dahil ang tamad mo magsulat. O, ano?" Napailing na lang ako't natawa. Alam na alam, e.
Pasimple na lang tuloy kaming nag-share sa notebook ko kaya sabay din kaming natapos. Kami pa ang nauna. Sa 'min tuloy lumapit si Ma'am Querubin. Close sila ni Rinneah, e. Kami medyo lang. Loko nga talaga si Bebs, e. Hahaha.
Rinneah: Ma'am sabi nila pangalawang nanay daw ang teacher sa school? Totoo ba 'yon?
Ma'am: Oo. Totoo naman 'yon.
Rinneah: Kung gano'n, Teacher, pengeng baon.
Nagtawanan kaming lahat magkakaklase. Hindi naman nagpatalo si Ma'am.
Ma'am: Magkano ba gusto mo, 'nak? Wanmilyun?
Laughtrip kaming lahat sa wanmilyun ni Ma'am Querubin. Ang sarap mag-aral kapag palabiro ang teacher. Sana lahat ng teacher gan'yan. May oras din mag-chill. Pero pag lesson, okay naman talaga na strict sila para matuto kami. Pero sana 'wag naman palagi na ultimo kahit sa'n namin sila makita, natatakot pa rin kami. Parang may surprise recitation palagi. 'Yon kasi minsan ang mas tumatatak sa 'ming mga estudyante. Kapag sinabi ang pangalan nang isang teacher, imbis na 'yong tinuro niya ang maalala namin, mas natatandaan pa namin ang kasungitan niya. (Talagang nag-rant na ako rito. Hahahaha. Lol!) Ito na nga, dahil malapit na ang test hindi kami sabay nagreview ni Rinneah. Dati palagi kaming sabay, e. Dahil ngayon, may deal kami. Para naman mas maging exciting ang exam. Para pagbutihin namin dalawa nilagyan namin ng twist.
So, ganito 'yon. Magpapataasan kami sa lahat ng ie-exam namin. (Oral Communication, General Mathematics, Earth Science, Pre-Calculus, Physical Education and Health, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Introduction to the Philosophy of the Human Person) Example: Lahat ng subject 50 items. 50 times 8 subjects is equal to 400. So, ito-‹total namin lahat. Kung maka-345 siya at 312 lang ako, obviously! Siya ang panalo. Gano'n. Isn't emeyshing? Isn't eksayteng? Hahahaha.
Maganda pa naman ang ipagagawa ko sa kanya kapag natalo ko siya. Hahaha. Wala munang kaibi-kaibigan ngayon. Kailangan kong talunin si Rinneah. Kaya ko 'to, fighting! (ง ͠° ͟ﻝ͜ ͡°)ง
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Novela JuvenilThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕