Page 64: Three Points

2 1 0
                                    

PAGE SIXTY-FOUR

May bukol ako malapit sa noo. Syet lungs. Ang sakit! ●︿●

Bakit ba naman kasi ang malas ko ngayon. Huhuhu. (Teka, ngayon lang ba? Parang palagi na, e.) Ganito 'yon, as usual Pikachu complete my day. Okay na sana, e. Okay na nakita ko siya. Syet! Ang lamya ko kaya kanina pero nang makita ko siya, parang may firework effects sa paligid ko. Booom! Shing! Shing! Pak. Hahahaha. Bigla talaga akong sumigla. Parang nakita ko 'yong vitamins ko. Emeged. He's perfectly handsome. Ang tangos talaga ng ilong, e. Sarap i-pinch ng tungki! Kawawa na naman nga si Rinneah sa sobrang kilig ko. Nagbanta na nga. Isa pa raw hampas ko sa kanya, ibabaon na niya ako sa pader. Hahahahaha.

Hindi pa ako nasiyahan at dahil recess naman, sinamantala ko na at sinundan ko si Pikachu (kahit kasama niya 'yong makukulit at maiingay niyang kaibigan. lol) Bumili lang sila ng pagkain sa Caf at dumiretso doon sa mapunong lugar sa school. Student Park (parang freedom park din.) Umiinom na naman siya ng Mogu mogu! Favorite niya talaga, e. ♡

KJ nga si Bebs, e. Hindi ako sinamahan. Tinatamad daw siya. Malamya nga rin. Siguro 'di no'n nakita 'yong crush niya. Hahaha. Mag-isa tuloy akong nag-stalk kay Pikachu. Nakatago ako ro'n sa malaking basurahan (hindi naman madumi. Basta malaki siya at puro walang laman na plastic bottled lang nando'n) Tagong-tago talaga ako. Sila-sila lang kasi ang nando'n at baka makita pa ako. Hays. Sulit na sulit nga at pagtitig ko sa kanya kahit nangangawit na ako kayuyuko. Kahit malayo siya sa 'kin tanaw na tanaw ko pa rin siya.

Ang amo talaga ng mukha ni Pikachu. Syet! Hindi nakakasawang pagmasdan. Lalo na kapag ngumingiti siya. Parang kumukutitap ang mata niya. (Jusko! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Lol.) Si Miro 'yong crush kong inuubusan ko nang oras para lang titigan. Kahit hindi naman niya magawang tumingin sa 'kin. Ayos lang. At least nakita ko siya. Pero ang masaklap do'n? Siya ang dahilan kung bakit may bukol ako sa noo. Huhuhuhuhu. (╥_╥)

Pagka-ubos ba naman niya ng Mogu mogu, shinoot niya ro'n sa malaking basurahan na pinagtataguan ko. Adjkbf! Sakto dahil sumilip pa ako. Sapul tuloy ako bago shumoot doon. Napa-ouch nga ako sabay tikom ng bibig ko. Narinig kong sabi nang isang kaibigan niya, "Ayos! 3 points!" Oo, three points. Pati ulo ko sapul. (Kahit 'di naman niya sinasadya 'yon.)

Nako, Pikachu! Pasalamat ka talaga crush kita, e. Kundi binato ko sa 'yo pabalik 'yong boteng 'yon. Sakit! (╥_╥)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon