PAGE SIXTY-NINE
Saturday ngayon at kauuwi ko lang galing kila Moni. Kasama ko si Bebs, Remarie at Sera. Nagpaalam naman ako kanila Mama bago ako umalis. Sabi ko may gagawin lang kaming project. Project kuno. Pero ang totoo, dadayo lang ako para mag-movie marathon. Hahahahaha. Buti nga pinayagan ako, e. Basta raw kasama ko si Rinneah. Alam kasi nila na amazona ang bestfriend ko. Kapag kasama ko siya, may tagapagtanggol ako. Hahahaha. 'Dejoke.
Nameet din namin ang parents ni Moni. Tahimik nga kaming apat no'ng nakita namin sila. 'Yong presensya kasi nila nakakaintimidate sa una. Sa una lang dahil mababait naman pala sila. Lalo na 'yong Daddy niya na kahit Chinese, kalog. Hahahaha. So kyot! Sabi nga ng Mommy niya, "Feel at home, dears!" Nakakaloko pala talaga ang itsura kaya dapat 'di muna nagjajudge base sa panlabas na anyo, e. Minsan kasi kabaliktaran 'yon. Parehong half-filipino half-chinese ang parents ni Moni kaya hindi naman pang-chinese talaga 'yong disenyo at ambiance ng bahay nila. Half half din gano'n.
Back to the story, nang umalis na ang Mommy at Daddy niya dahil may trabaho pa, nagkatinginan kaming lima at sinabi ni Moni, "Lets get ready to rumble!" Hahaha. Syet. Dumiretso kami ro'n sa kitchen nila at kinuha niya 'yong mga snacks na pinamili niya kahapon. Nag-grocery pa talaga siya para lang sa movie marathon a la queens na 'yon. Syet! Ang dami! Chips, chocolates, juice, biscuit, cookies. Bumaha ng pagkain habang nagmomovie marathon kami. Sabi nga ni Bebs, "Attack!" At sinugod niya 'yong mga pagkain. Deym. Binili pa ako ni Moni nang isang garapon na champola. Sabi ko nga nakakahiya, e. Sagot naman niya, "Okay lang 'yan, Lars. Naalala ko kasi na favorite mo 'yan." Na-touch ako. She's so sweet! Magtatampo pa nga si Rinneah dahil ako lang daw meron favorite ro'n. Buti na lang binili rin siya ni Moni ng flat tops. 'Yon, tuwang tuwa na.
Dumiretso kami sa kyotie-pototie na kuwarto ni Moni. Kyotie kasi simple lang siya. Hindi girly. Neutral colors lang pero maganda. Very comfy pa. Sarap matulog. Pero hindi ako natulog, a. Masarap pa lang tulugan. Para bang makakatulog ka ng mahimbing dahil masarap sa makita 'yong mga nakikita mo. Sa 'kin kasi 'di gano'n, e. Maraming chechebureche. Super girly pa. Kay Ate Larine kasing kuwarto 'yon bago naging sa 'kin. Hindi pa napaparenovate dahil wala pang time si Mama at Papa. Pero okay lang naman kahit hindi talaga gano'n ang dream room ko. Gusto ko 'yong medyo masculine-type-room. What I mean is, hindi girly. I don't like pink. Gusto 'yong medyo mukhang panlalake. Simple. Unlike sa ibang room ng girls na maabubot. Gusto ko parang unisex siya. Puwede mapa-babae o lalake. Dream room ko 'yon.
Oo nga pala ang napagkasunduan naming panoorin. Syet na malagkit! Mamaya ko na nga lang itutuloy 'to! Tinatawag ako ni Mama. Tumatawag daw si Lolo at Lola at hinahanap ako.
Ciao!
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕