PAGE ONE HUNDRED THIRTY
'Tapos na ang Pasko, New Year na agad. Hays, ang bilis talaga ng araw. 'Tapos na rin ang maliligayang araw ng mga estudyanteng tulad ko. 'Tapos na ang bakasyon yon. Maga-adjust na naman ako sa paggising ng maaga araw-araw dahil nasanay akong tanghali na gumising, kanonood ng K-Drama. Nasanay din akong halos buong araw kaming nasa galaan ni Rinneah. Hays, tapos na talaga ang Christmas and New Year. Next year na naman magkakaro'n ng mala-piyestang handaan dito sa 'min. Medyo tumaba tuloy ako. Hindi pala medyo, tumaba talaga ako. Lol. ಥ‿ಥ
Back to reality, pasukan na naman. Hello walang katapusang group activities at assignments! Plus oral recitation, seat work, quizzes etc. Buhay estudyante na naman. Mabuti sana kung iyon lang, e. Okay pa 'yon. Tutal January na, malapit na naman magbakasyon. Pero syet! Nagulat ako dahil pagpasok ko isang pamilyar na mukha ang bumungad sa 'kin sa hallway ng school. (Nope. Hindi si Pikachu. Huhuhuhu! Sana nga siya na lang e!)
Si June Santos. Ang damuhong pumeperwisyo sa 'kin no'ng mula no'ng Grade 7 ako hanggang Grade 10. Lechugas! Ngiting-ngiti pa nang makita ako kulang na lang malaglag ang mga mata sa sobrang pagpapa-cute. Kinikilabutan tuloy ako. 'Kala niya kinaguwapo niya ang pagpapa-cute niya. Syet siya.
Ako: Ano'ng ginagawa mo rito? Bawal outsider sa school.
June: Hindi mo man lang ako namiss, Bebe ko? Ako kasi namiss kita. Miss na miss.
Ako: Syet. Hanggang ngayon ba naman, June? Lubayan mo nga ako.
Gaaahd. Na-shookt na lang ako nang malaman kong nag-transfer daw siya sa school dahil sa 'kin. Oh deym. Sinundan niya 'ko!
June: Sabi ko naman sa 'yo kung nasa'n ka nando'n din ako. Hahanapin at hahanapin kita. Gano'n kita kamahal, Larisse.
Ako: Hype! Ang tinira mo at gan'yan kalakas ang tama mo? Itigil mo 'yan. Maraming natotokhang ngayon.
June: Anong tinira ko? Love Potion, kaya hanggang ngayon ganito pa rin kalakas ang tama ko sa 'yo. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko.
Ako: Hype ka! May Love Potion ka pang nalalaman d'yan. Kung lumipat ka lang dito sa school para bwisitin ako, tantanan mo na ako.
Hindi siya natinag sa sinabi ko. Ngumiti pa nga habang nakatitig sa 'kin. Syet!
June: Hanggang ngayon ang ganda mo pa rin, Larisse. Kaya ayokong maghanap ng iba.
Ako: Langya. Ang tatag mo rin talaga, ano? Tigilan mo 'ko!
Pagkatapos no'n nag-walk out na 'ko. Thank God, hindi niya ako sinundan! May balak pa nga e. Kung hindi lang siya tinawag no'ng isang teacher. Hays! Bakit ba kasi sinundan pa 'ko ng damuho na 'yon. Tahimik na e. Tahimik na ang buhay ko, guguluhin na naman niya! Ang lakas talaga ng topak ng June na 'yon.
Kinakabahan tuloy ako. Alam kong guguluhin na naman ako no'n, e. At susundan palagi. Hays! Maisumbong nga siya kay Rinneah.
P.S. Badtrip na 'ko dahil kay June, mas lalo pa 'kong nabadtrip dahil hindi ko nakita si Miro. Huhuhuhuhu.  ̄^ ̄
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Ficção AdolescenteThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕