Page 24: Miro

5 5 4
                                    

PAGE TWENTY-FOUR

Ginanahan na naman akong magsulat dahil ang kyot na ng Journal ko. Nilagyan ko kasi ng mga bulaklak na design. Ang kyot lang. Kasing kyot ko. Hahahangkapalkosyethahaha (⌒o⌒)

Buti na lang wala kaming masyadong ginawa ngayong araw kaya nakapag-cut letters at nakagawa ako ng mga pang-design sa notebook. Maaga rin kaming pinag-recess dahil may meeting lahat ng mga teachers. Siyempre magkasama ulit kami ni Remarie. Nag-eenjoy talaga akong kasama siya at sa mga kuwento niyang makabuluhan naman.

Sinama rin niya ulit si Sera na Seramae Antonio ang buong pangalan at si Moni na Moniqueca Yap ang buo namang pangalan. O 'di ba? May half talaga siya. Ako rin may half, e. Half human, half immortal. Pure Dyosa. Joke! Hahahaha. Swear ang sarap nilang kasama kahit unti-unti ko pa lang silang nakikilala. Basta magkakasundo talaga kami. I can feel it! (´▽`)

Si Sera mahilig magbasa ng pocketbooks. May dala nga siya kanina. Si Moni naman, mahilig kumain ng mani. Sabi kasi niya, "Brain food 'yan. Para hindi ako kulelat palagi sa klase." Nagtawanan tuloy kami. Pakiramdam ko nga, muling bumalik ang sigla ko dahil sa kanila. Pero sadyang malakas ata ang pandinig ko at narinig ko ang hagikgikan, tawanan at tilian ng mga estudyanteng babae sa Caf. Hindi lang do'n pati na rin sa corridor, hallway, building, etc. In short sa bawat sulok ng school gano'n ang mga estudyante. Palagi nilang pinag-uusapan ang isang pangalan at lahat sila kinikilig kay Miro. Iyan ang pangalan na narinig ko. Parang iyan din ang crush ni Carylla at nang mga kaklase ko. Sino ba ang Miro na 'yan? Guwapo ba talaga? Curious na ako at gusto ko siyang makita.

P.S: Hindi pala pumunta sa bahay o tumawag si Rinneah no'ng Saturday. Sabi niya may surprise raw siya. Baka nakalimutan na niya. Hays. Namimiss ko na si Bebs. Busy na rin kasi siya. ●︿●

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon