PAGE ONE HUNDRED THIRTY-THREE
Sa wakas, natapos din ang araw na 'to. 8:00 PM pa lang naman pero gusto ko na agad matulog. Busog naman ako kaya sabi ko kay Mama't Papa 'di na ako magdi-dinner, isa pa pagod talaga ngayon ang katawang lupa ko at gusto ko na sanang magpahinga. Sana. Pero naisip kong magsulat muna rito nang mga nangyari sa araw na 'to. Mamadaliin ko na nga lang dahil kusa nang pumipikit ang mata ko.
So ayun, nag-date nga kami Jareix. Yep, ngayon 'yon. Pero friendly date lang. Inuulit ko, friendly date lang. Napalitan pa nga ako sa friend part na 'yon dahil hindi pa naman kami friends. Ang sagwa naman kung stranger date. Lol.
Ang paalam ko kila Mama, gagala lang kami ni Rinneah. Sasamahan ko na rin siya dahil sabi ko may bibilhin siyang damit. Oo na, sinungaling na 'ko. Sino ba naman kasing magulang ang papayag kapag nagpaalam ang anak niya na makikipag-friendly date. Syet. Mama't Papa ko pa? Istrikto sila pagdating sa usapang gano'n. Kaya ayon, wala akong choice kundi magsinungaling. (Pero ayoko nang ulitin! Okay lang naman siguro kung minsan lang. H'wag palagi. Meh.) And yes, pinayagan ako. Good mood si Mama. Kay Papa kasi, kahit hindi na 'ko magpaalam alam niyang kila Rinneah ang punta ko. Kay Mama matinding paliwanagan ang kailangan. Kung saan pupunta, anong oras uuwi, sino ang mga kasama, ba't kailangan pumunta ro'n. Mga gano'n. Pero naiintindihan ko naman kung bakit. Gusto ko lang siguro nila na palagi akong safe. Malayo sa kapahamakan.
Ayun na nga, pinayagan ako at binigyan pa ako ng P150.00. Good mood talaga si Mama. Basta 'wag lang daw akong magpapagabi ng uwi at 'wag kung saan saan pupunta. Baka ako umalis ng bahay, tinext ko si Rinneah (nakitext ako kay Papa) sabi ko, "Bebs, pag tinanong nila Mama o Papa kung magkasama tayo, sabihin oo ha? Stalk ko lang si Miro. Thanks! Ciao." Ang reply ng bruha? "At idadamay mo pa 'ko sa kaharutan mo. Hahahahaha. Sige." Hahaha. Maaasahan talaga si Rinneah. (⌒▽⌒)
Paglabas ko ng bahay, luminga-linga muna ako at baka hindi tumupad sa usapan ang tukmol na Jareix na 'yon at mahuli pa kami nila Mama't Papa. Kuuuh! Katakot-takot na sermon ang aabutin ko. Mabuti na lang at wala siya. Kaya ayun, dumiretso na 'ko sa school. Pagbaba ko pa lang ng tricycle, napansin ko na agad ang isang dark blue na kotse na nakaparada malapit sa labas ng school. Hindi ko naman pinansin at dumiretso ako sa waiting shed para doon sana hintayin si Tukmol. Pero laking gulat ko nang umandar ang kulay asul na kotse na 'yon at huminto sa harap ko.
Lumabas doon ang isang matangkad, maputi at chinitong lalaki na nakasuot ng black & white stripes shirt, black khaki short, white sneakers at black cap. Ang guwapo, beshy! Sa unang tingin, hindi ko agad napansin na si Tukmol 'yon dahil nasanay akong wala siyang cap na suot at palagi siyang naka-uniform, pero nang gumuhit sa labi niya ang legendary smirk niya, binabawi ko nang guwapo siya! At ang ibinungad sa 'kin?
Jareix: You look beautiful today just like every other day.
Ako: At talagang may mga hirit kang ganyan ha? (Umirap) Pero salamat pa rin. Compliments 'yon.
Narinig ko na lang ang mahinang tawa niya bago niya sabihing, "Hop in." Lakas mambola e, samantalang naka-white statement shirt lang naman ako na may nakalagay na i don't care, black jeans at one strap slipper lang naman ako.
Hindi kami nagkikibuan habang nasa sasakyan kami. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa 'kin. Napansin niya siguro na tinititigan ko ang bawat sulok ng sasakyan. Ang linis e.
Jareix: Kay Dad 'to. Hiniram ko lang. Hassle kasi kung magco-commute tayo. Traffic ngayon.
Ako: Ah, okay. Saan nga pala tayo pupunta? (Wala kasi siyang nabanggit kung saan)
Jareix: Saan mo ba gusto? Kasi kung ako ang tatanong mo may gustong kong pumunta muna tayo sa The Tipsy Chicken (Restaurant) 'tapos sa Eco Life (Park) then sa Amazing World of Joy (Amusement Park)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Novela JuvenilThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕