PAGE ONE HUNDRED SEVEN
Miro Severano is feeling thankful.
I found my dog, Timmie. And I just want to express how thankful I am on meeting this good samaritan today.
Honestly, when I lost my dog, I lost hope. Maraming nagsasabi na bihira na lang makabalik 'yung nawawalang aso o bihira na lang may magsoli. So I just pray na sana kung sino man ang makapulot sa kanya hindi siya sasaktan at aalagaan din siya gaya nang pag-aalaga ko at hindi naman ako nagkamali. Kanina pag-uwi ko galing sa school, may isang lalake na nakatayo sa labas ng bahay namin, hawak ang isang aso and he was finding the owner of the lost dog. I was shocked dahil hindi ko akalain na makikita ko ulit si Timmie. Nakakatuwa dahil sinisigurado niya talaga if I am the real owner of the dog and he even search our house to investigate kaya inabutan ko na siya nang isang photo album. I gave him all the pictures we had hanggang sa naniwala na siya at ibinigay na sa 'kin si Timmie. I'm really grateful to Sir Louie for keeping him. Nakakatuwa lang na may mga tao pa rin na handang tumulong nang bukal sa kalooban. Thank you so much, Sir. I hope you will have more blessings to come. I salute you.
2,567 likes ▫ 743 comments ▫ 506 shares
Iyan ang post ni Miro na bumungad sa 'kin kanina pag-uwi ko at pag-stalk ko ng facebook niya. Marami sa comment na natutuwa na nakita na niya si Timmie kaya nagcomment din siya ng, "Thanks for all the prayers and shared. Much appreciated." And that time, mas lalo akong na-fall. Hahahaha. Echos. Ang bait bait kasi ni Pikachu. Hindi snobber tulad ng ibang guwapo nga, masungit naman. Siya? Package na talaga. Guwapo, matalino at mabait. ♡
Pag-uwi rin ni Papa kanina galing sa trabaho, hinintay muna namin siyang magpahinga bago magkuwento kung ano ang nangyari dahil base doon sa post ni Miro ay na-meet nga niya si Papa. Ang bilis naman ni Pikachu. Na-meet na agad ang Papa ko. Hiningi na yata ang kamay ko. Oh deym. I'm not ready. Echos. Hahahahaha.
Nang sabay sabay kaming mag-dinner nagsimula na rin magkuwento si Papa. Sabi niya hinatid na muna siya sa school si Limuel at Liam dahil mas malulungkot ang mga ito kapag nakitang tuluyan nang isosoli si Timmie sa totoong amo nito. At kagabi pa lang, nagpaalam na sila. Nakakaiyak nga dahil mahal na talaga nila si Timmie pero ganon talaga e. Bale si Papa na lang mag-isa naghanap ng bahay nila Pikachu, matapos niyang tawagan ang number nito at ibigay ang address. Unang kita pa lang daw niya kay Miro, alam na niyang bagay kami sa isa't isa hahahahaha jk.
Unang kita pa lang daw niya alam na niyang ito talaga ang totoong amo ni Timmie dahil kaagad tumakbo si Timmie papunta sa direksyon ni Pikachu at parang niyakap ito at kumahol. Pero nag-imbestiga pa rin daw siya at naghanap pa ng ebidensya na magpapatunay na 100% ito talaga ang may ari kay Timmie. (So, totoo nga ang kuwento ni Pikachu sa post niya na nag-imbestiga pa si Papa. Hahahaha. Samantalang napag-usapan na namin o nila lang pala ni mama na sigurado na siya na ito ang amo matapos makita ang picture ni miro kasama si timmie, yun pala hindi pa rin siya naniniwala hahaha ang kulit din ng lahi ni Papa.) At naniwala na nga raw siya nang makita na maliit pa ito kasama na nito si Timmie na noo'y maliit pa rin. Minabuti na raw niyang isoli at inofferan muna raw siya nang isang babae na magpahinga muna sandali at magkape. Hindi naman siya tumanggi dahil na rin sa pagod. Todo pasalamat daw sa kanya si Miro at labis siyang nagulat nang may iabot sa kanyang sobre si Miro na naglalaman ng pera at sinabing, "Sir, tanggapin niyo po ito bilang pasasalamat po sa pagkupkop, pag-aalaga at pagsoli kay Timmie." Ngumiti lang daw siya bago isoli ang sobre bilang pagtanggi sabay sabing, "Pasensya na pero hindi ko matatanggap yan. Masaya na ako maibalik ko lang si Timmie sa totoong amo niya."
Sobrang humanga ako sa ginawang pagtanggi ni Papa kahit ilang beses pa raw siyang kinulit ni Miro at no'ng babae na kamukha rin daw nito. Humanga ako dahil hindi niya ginamit ang sandali na yon para man lamang ng tao. Dahil kung iba yon, malamang inabuso na ang pagmamagandang loob ni Miro. Pero siya, hindi. Mas pinairal niya ang puso. Mas pinamalas niya ang taglay niyang magandang kalooban. Ang mahalaga sa kanya maibalik ng maayos at ligtas ang aso sa totoong amo nito. Ikinuwento na rin niya kung pa'no napunta sa 'min si Timmie at kung pa'no namin ito inalagaan. Nabanggit din niya na napamahal na ang dalawa kong kapatid sa aso kaya naging mahirap ang pagkumbinsi sa mga ito na ibabalik na namin si Timmie.
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕