PAGE EIGHTY-TWO
BADTRIP. (눈_눈)
Napaka gandang panimula galing sa napaka gandang babae na nagsulat. Ha ha ha. Siyempre echos lang 'yung huli.  ̄ω ̄
Katatapos ko lang mag-review at dapat matutulog na ako dahil may 50 items quiz pa ako bukas. Pero ito ako ngayon, pasulat-sulat dahil ayaw akong dalawin ng antok. Magkagalit kami ngayon. Ayoko na sanang magsulat dahil inaatake ako ng katamaran pero kahit magpagulong-gulong ako sa higaan, 'di talaga ako makatulog dahil maraming gumugulo sa isip ko. Parang sasabog na nga kaiisip, e. Hays. (˘︹˘)
Hindi ako pumasok kahapon at no'ng isang araw dahil muntikan mamaga 'yung paa ko no'ng matapilok ako. 'Di muna ako pinalakad at pinapunta na lang ni Mama 'yong manghihilot sa bahay. Mabuti na lang at nadaan sa hilot. 'Kala ko may nabali ng buto. Sabi nga ni Rinneah, "Bebs, kata 'yan. Katangahan." Hype na 'yan. Napaka buting kaibigan talaga. So siyempre dahil dalawang araw akong hindi pumasok at si Rinneah na lang ang nagbigay ng excuse letter sa adviser namin, ang daming ganap sa room habang wala ako. Kapag pumasok ako: Normal routine. No'ng umabsent ako: Nag-quiz sila sa apat na subject. Nagkaroon ng graded recitation. Nag-walk 'yung isa naming teacher. May nag-away sa hallway na mga kakilala ko. Pumunta si Miro sa room at hinanap ako. Lol! Echos lang 'yung huli siyempre. You wish, Larisse! You wish. ⊙︿⊙
Pero seryoso, nag-quiz sila kaya sabi ni Rinneah mag-review daw ako dahil mag-i-special quiz na lang daw ako. Pero 'yung recitation? Hays. Sayang 'yon. Babawi na lang ako sa susunod. 'Tapos eto na nga, pumasok ako kanina at nag-quiz ng dalawang sub. bukas ulit 'yung dalawa. Pigang-piga ang utak ko, besh. Pero hindi 'yan ang dahilan kung bakit ako badtrip. Ganito 'yon, totoong pumunta si Pikachu sa room namin kahapon pero hindi ako 'yung hinanap/kinausap niya. Kundi si Carylla. Bakit ako nagngingitngit? Siyempre hindi ko alam kung bakit pumunta siya sa room at kinausap si Carylla. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil wala ako ro'n.
Hays! Bakit ba kasi natapilok pa ako, e. Nagsisisi tuloy ako na umabsent pa ako. Malamang tuwang-tuwa ang Carylla na 'yon dahil crush niya si Miro at pinuntahan pa talaga siya. Naisip ko rin kung nando'n naman ako, baka na-high blood lang ako at pinatay na ng titig ko si Carylla. As if naman papansinin ako ni Miro at mapipigilan ko ang pag-uusap nila. E, parang hindi nga ata ako nag-eexist sa mga mata niya. Yes, minsang nag-exist pero minsan lang 'yon. Nakalimutan din niya. Samantalang si Carylla. Ni hindi ko nga alam na kilala niya ang babaitang 'yon! Argh! Hindi ko rin alam kung anong mayro'n sa kanya para si Pikachu pa ang pumunta. Hays! Hindi ko alam. Wala akong alam. Kaya naiinis ako! (ಠ益ಠ)
Naiisip ko pa lang 'yung kilig na kilig na itsura ni Carylla habang nagpapa-cute at pa-charming sa harap ni Pikachu ko, parang gusto ko na siyang tupiin sa walo. Hahahaha. Siyempre echos lang 'yan. Pero hindi nga ako nagkakamali dahil pag pasok ko kanina, wala kaming teacher sa first subject kaya maingay ang buong room at todo chismisan 'yung iba. Eto na nga si ate mo Carylla, aba! Bidang-bida. Nakaupo siya at parang Reyna na napaliligiran ng mga alipores niya. Todo ngiti pa si Ate mo girl! Kulang na lang maglaglag ang cheekbones sa sobrang ngiti habang nagkukuwento. Tsk!
Sabi nga ni Rinneah, "Kahapon pa 'yan kilig na kilig, 'di pa rin pala humuhupa hanggang ngayon? Tindi, a." Napailing na lang ako at maging si Bebs, kahit siya nagchismis sa 'kin na nag-usap 'yung dalawa pero saglit lang daw, 'di rin alam kung ano yung pinag-usapan. Sabi pa nga niya, "Naku, Bebs! Kung nakita mo lang 'yan kahapon pagkatapos kausapan ni Capital M, daig pa 'yung inasinang bulate sa sobrang kilig. 'Di ko nga alam kung kinikilig o kinukumbulsyon na, e. Tanginers sarap isako!" Hahahahahahaha. Hype talaga 'to si Bebs, e. Todo kuwento talaga si Carylla at ang lakas pa ng boses at tawanan nilang magkakaibigan, samantalang kami ni Bebs tahimik na nakikinig sa usapan nila.
Friend 1: Ylla, anong napag-usapan niyo ni Miro? Share to care?
Carylla: Na-uh. Secret!
Ako: [sa isip isip ko] ("Na-uh. Secret!" Landi. Che!) (눈_눈)
Friend 2: You're so unfair, Ylla. Share to us na, pretty please?
Ako: (Pretty please, 'kala mo naman ang ganda niya. Che!)
Carylla: He asked me lang naman kung puwedeng manligaw (then nag-flip siya ng hair)
Friend 1: Oh my gosh. Like. . .seriously? (⊙o⊙)
Friend 2: Really? Gosh. I can't believe it. He asked you talaga? You're so lucky! (⊙o⊙)
Me & Rinneah: (Nanlaki ang mata at napanganga talaga) (⊙o⊙)
Kundi lang tumawa si Carylla at sinabing "just kidding!" malamang sinugod ko siya, e! 6ı6îł nıýă şxī ăčkhøe besh! Mabilis na uminit ang ulo ko. Parang gustong kong manakal ng wala sa oras! (ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
Rinneah: Bebs, ano? Upakan ko na ba? Nang-aano, e. ヽ('Д´)ノ
Ako: Kalma lang, bebs. (Ako pa talaga ang nagsabi no'n kahit na ako 'yung parang bulkan na bigla na lang sasabog)
Nagpatuloy lang kami sa pakikinig at nakakabwisit lang dahil puro siya, "Oh my gosh! He's so guwapo talaga!" with matching takip sa bibig habang humahagikgik. Kilig na kilig. Pati na 'yung dalawang kaibigan niya. 'Kala mo walang boyfriend, e. (Yes, may boyfriend. Sila pa rin no'ng lalakeng kasama niya no'ng tinarayan niya ako. Lagi kasi silang sabay pumasok, magrecess at umuwi) Pero kung kiligin kay Pikachu akala mo wala nang bukas, e. Gano'n 'yung nakakabuwishit, e. 'Yun bang may boyfriend/girlfriend na pero hindi pa rin makuntento at lumalandi pa rin sa iba. Oo, landi 'yung ginagawa niya dahil kung loyal siya, hindi siya dapat gano'n maka-react. Puwede naman magka-crush kahit in a relationship na pero alam niya dapat ang limitasyon niya. So, ano'ng pinaglalaban ko? Napaka-unfaithful niya. ( ͡ಠ ʖ̯ ͡ಠ)
Isa pa 'yan si Pikachu. 'Kuuu! Nanggigigil na rin ako diyan, e. Pag ako nabwisit, ikukulong ko na ang lalaking 'yan! Ikukulong sa puso ko. Hahahahahaha. Pero totoo, kainis din 'yan si Pikachu. Lapit siya nang lapit sa may boyfriend na, pa'no kung makitid ang utak no'ng boyfriend, magselos at sapakin siya. Hindi malayong mangyari 'yon lalo na't guwapo siya. Hindi na lang siya sa 'kin lumapit, bukod sa walang magagalit matutuwa pa ako sa kan'ya. Hahahahaha. Echos. Pero seryoso, concern lang naman ako. Baka mamaya mapa'no siya. Sinabi ko nga 'yon kay Rinneah no'ng tumawag siya sa 'kin kanina para tanungin kung nagrereview na ako. Sabi niya may point naman daw ako. 'Tas tinanong ko siya.
Ako: Bebs, sa tingin mo ano pinag-usapan nila? I mean, tungkol saan? Oo na, curious na ako.
Rinneah: Wonder pets, Wonder pets, kikilos na ~ Ililigtas ang dinosaur ng sama-sama ~ Hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan lahat malulutas. Go, Wonder Pets. Yehey! ‘٩꒰。•◡•。꒱۶’
Ako: Jusko! Pati ba naman 'yan? Lakas talaga ng sapak mo. (- , ლ)
Rinneah: Narinig ko 'yan kinakanta rin ng kapatid mo, na-LSS tuloy ako kaya ginawa kong ringtone. Pasa ko sa 'yo bukas para same tayo! ( ͡° ͜ʖ ͡°)
Ako: Lechugas! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo! ︵ヽ('Д´)ノ︵ ┻━┻
Rinneah: Badtrip ka na naman ano? Siguro dahil pa rin 'yan kay Miro at Carylla.
Ako: Hindi 'no.
Rinneah: Sus! 'Di mo lang kasi maamin sa sarili mo. Hahahahahaha.
Ako: Maamin? Ang ano? 「(゚ペ)
Rinneah: Na nagseselos ka kay Carylla dahil pinuntahan at kinausap siya ni Pikachu mo, samantalang ikaw, nganga.
Ako: Anong nagseselos? Hindi, a. (˘︹˘)
Rinneah: H'wag ako, bebs. Kilala ko pagkatao mo. Selos ka lang, e. Hahahaha.
Ako: (Mas lalong nabuwisit!) Hindi ako nagseselos 'no? Bahala ka nga d'yan.
Buwisit na Rinneah na 'yon, badtrip na ako dumagdag pa. Tumawag pa nga 'yan ulit para lang sabihin, "selos! selos! selos!" Lecheng 'yon ang lakas talaga ng topak. (=_=)
P.S. Makatulog na nga. Tsk!
P.P.S. Nasa eighty plus pages na pala 'tong Journal ko. Marami-rami na rin ang walang katuturan na pinagsusulat ko. Lol.
P.P.P.S. OO NA! OO NA! TAMA SI RINNEAH! NAGSESELOS NAMAN TALAGA AKO! HAYS! I HATE YOU PIKACHU! ('Д´)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕