Page 124: Piggy Brown

1 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED TWENTY-FOUR

Gahd. Marami masyadong nangyari sa araw na 'to at hindi pa rin ako makapaniwala. Nananaginip lang ata ako e. Huhuhu! Pinch me! Pinch me! (o´Д')

Inutusan kasi akong ni Mama na pumunta sa bahay nila Tita Dories (Kapatid niya) hindi niya kasi ma-contact. Ayon, may pinasabi lang naman. Pero habang pauwi ako kanina napadaan ako sa abandonadong play ground medyo malapit sa 'min at bigla kong nakita si Miro! Oo, Si Pikachu! Syet. Akala ko nga namamalikmata lang ako. Ilang beses pa akong kumurap-kurap at tinitigan siyang mabuti at baka naghahallucinate lang ako kaiisip sa kanya pero si Miro talaga. Ang Pikachu ko! ꒰⁎ ✪̼ ◡ ✪̼' ⁎꒱

Naisip ko agad, ano'ng ginagawa niya sa abandonadong play ground na 'yon at nag-iisa lang siya? Wala man kahit isang tao. Siya lang talaga. Nang unti-unti akong lumapit napansin ko ang mga nagkalat na can ng beer sa sahig at 'yung isa hawak pa niya. Doon ko lang na-realize na umiinom pala ng alak si Pikachu at syet lungs! Lasing na pala siya! (⊙o⊙)

Umupo ako sa tabi niya (nakaupo siya sa isang kulay pula na sementadong upuan) bahagya siyang nakayuko no'n at medyo nakapikit na. Gahd. He's really drunk. Siyempre kinausap ko na siya agad. Pero kinakabahan ako no'n baka itaboy niya ako e.

Me: Miro, ano'ng ginagawa mo rito? Bakit nagpapakalasing ka? Tara, iuuwi na kita sa inyo.

Miro: Who are you? (Bahagya niya akong nilingon habang pupungay-pungay ang mata at hindi na rin maayos ang pananalita niya) I don't talk to strangers.

Me: (Bumulong) Ang sakit naman no'ng stranger. Admirer kaya ako. I'm your #0 Loyal Admirer. Echos!

Muli niya akong nilingon no'n. Oh syet! Akala ko nga narinig niya 'yong binulong ko. Buti na lang hindi. Pero bahagya siyang napangiti habang nakatingin sa 'kin. Kikiligin na sana ako dahil akala ko gandang-ganda na sa 'kin si Pikachu, assuming lang pala 'ko.

Miro: Oh. Piggy?

Pagkarinig ko nang Piggy napa-kunot na agad ang noo ko.

Miro: You look like Piggy Brown. . .

Deym. Nainsulto ako do'n a! Piggy Brown daw? Baboy na nga kulay brown pa! (ಠ益ಠ) Eksyusmi, hindi naman ako mataba. Hindi rin ako payat. Sakto lang. Kaya nagtataka ako kung bakit kamukha ko raw kung sino man ang Piggy Brown na 'yon. Naku, pasalamat si Pikachu lasing siya.

Miro: You're so cute.

Homaygaaahd. Buti na lang dinagdagan niya ang sagot niya at kinilig naman ako ng very light. Kundi, baka naikulong ko na siya sa puso ko. Echos! Hahaha. Cute daw ako. Enebe, Pikachu. Staaahp it. (ꃋิꎴꃋิ)

Ako: Cute? Thank you! Kahit hindi ko kilala 'yang Piggy Brown na tinutukoy mo.

Doon ko lang naalala na may suot pala akong pink na cap at naka-kindat na pig ang design no'n. Kaya siguro naalala niya ang Piggy Brown na 'yon.

Miro: No. I'm not, Miss. You're so cute like my Piggy Brown. (Hindi tuwid ang pagkakasabi niya n'yan. Hindi na maayos ang pananalita niya sa sobrang kalasingan. Pero ayan lang 'yung natatandaan kong sinabi niya, medyo bulol nga lang ang version niya)

Ako: Okay, whatever. Bakit ka nga pala nandito? Obviously, umiinom ka. Nagpapakalasing. E bakit nga ba nandito at umiinom ng alak? (Bahagya niya akong nilingon kahit pipikit-pikit ang mata sa sobrang kalasingan)

Kung magtanong din kasi ako, parang close kami. Lol. Naisip ko kasi, lasing naman siya. Hindi naman niya ako maaalala o matatandaan, kaya susulitin ko na lang. Jk.

Miro: Wala. Masama ba maglasing?

Ako: Hindi naman. Pero hindi ka naman maglalasing kung wala kang problema. Bakit nga?

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon