Page 135: Jusko

2 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED THIRTY-FIVE

Hindi ako alam kung ano na naman 'tong pinasok ko. Syet, Larisse. Anuna tih?! (´・_・')

Namimiss ko na kasi talaga si Pikachu. Bihira ko na lang siyang makita sa school ta's ang daya kasi pag tapos ng breaktime namin, atsaka sila lalabas ng mga kaibigan niya. Feel ko tuloy iniiwasan niya ako kahit napaka assuming ko sa part na 'yon. Kaya ayun, dumidirekta na 'ko sa bahay nila.

Oo, halos isang linggo na 'kong pumupunta sa subdivision nila, padaan daan ako sa bahay nila para lang makita siya. Ginagawa ko 'yon 'pag uwian na siyempre. Hindi ko kasi siya nasusundan pauwi. Syet. Sa isang linggo na 'yon twice ko lang siya nakita. Una kalaro niya si Timmie sa garden nila at 'yung pangalawa, syet na super lagkit! Muntik-muntikan pa 'kong mahuli! Iyong aso kasi ng kapitbahay nila tinatahulan ako kahit ang layo layo ko naman. Ta's narinig kong tumatahol na rin si Timmie at dahil doon nakita kong papalabas si Pikachu kaya dali dali akong nagtago sa isang kotse malapit sa kanila.

Gano'n 'yong naging routine ko sa isang buong linggo. Pero kanina hindi gano'n ang nangyari. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak. 'Di ko alam kung masaya ba ako ngayon o kinakabahan. Basta mixed emotion. Ganern.

Pa'no ba naman kanina uuwi na sana ako dahil mahigit isang oras na 'ko palakad lakad sa labas ng bahay nila Miro pero 'di ko pa rin siya makita. Silip here, silip there na ang ginawa 'ko no'n. Hindi ko napansin na may papalabas pala na tao kaya nahuli ako. Parang nawala lahat nang dugo ko sa mukha nang bumungad sa 'kin ang isang babae na sobrang hawig ni Miro. Syet! Akala ko naging babae na si Pikachu dahil magkamukha talaga sila. Pero short ang hair niya, medyo morena at may full bangs.

Bumalik lang ako sa normal mula sa pagkakatitig sa kanya nang ngumiti siya sa 'kin at sinabing, "Hi. May hinahanap or may kailangan ka ba? Napansin ko kasi sa CCTV na pabalik balik ka. Hinihintay lang kitang mag-doorbell." Parang bumagsak sakin ang Universe nang marinig ko na may CCTV sila. Homaygahd. I'm dead. Bakit hindi ko naisip 'yon. Pero umakto pa rin ako na parang normal. "Uhm, hello. Good afternoon po. Sorry, nahihiya po kasi akong mag-doorbell. But I'm actually looking for... for Miro po." Nagdadalawang isip pa 'ko kung babanggitin ko ang pangalan niya o hindi at lihim akong nagdadasal sa isip ko na sana wala siya sa bahay nila dahil nakakahiya. "Oh, sorry wala kasi siya riro. Nasa school pa siguro." Syet. Dahil sa sinabi niya nakahinga ako ng very light. "By the way, My name is Mia. Miro's sister." Hindi na 'ko nagtaka dahil super magkamukha talaga sila. Girl version ni Pikachu. So cutie. Inabot pa niya sa'kin yung kamay niya no'n ta's no choice naman ako. "L po. Miro's girlfriend." Bahagyang nanlaki ang mata niya no'n pero napalitan din ng malapad na ngiti sabay sabing, "Girlfriend?" Oh syet. Saka ko lang narealize kung ano yung nasabi ko. Parang gusto kong tampalin ang sarili ko dahil namula rin ako. Ba't ba girlfriend ang nasabi ko! "U-uh girl friend po. Babaeng kaibigan." Tumaas ang isang sulok ng labi niya nun at sinabing, "Babaeng kaibigan? Hindi ba ka-ibigan?" Napalunok ako sabay iling at sabing, "Hindi po. Friends lang po kami." Nagulat na lang ako nang bigla siyang natawa, "I'm just kidding. Tara, pasok ka muna. Sa loob mo na hintayin si Miro. Pauwi na rin siguro yon." Hindi ko alam kung ang OA ko no'n pero bigla talaga akong napailing nang mabilis sabay sabing, "Hindi na po. May pupuntahan pa po kasi ak---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bigla ba naman inangkla yung isang kamay niya sa kamay ko at hinila ako papasok sa bahay nila. Ang balak ko talaga no'n pumalag sa pagkakahawak niya sabay karipas nang takbo. Pero di ko nagawa. Shekard! Para akong estatwa na hinihila niya papasok sa loob. Hindi na ko nakaangal pa.

Holy caramel. Pagpasok namin, inilibot ko na agad ang mata ko. Minimal lang ang decorations. Simple lang pero syet! Nagsusumigaw yung interior design na mayaman sila. Napakaganda ng bahay nila Miro. Gano'n gano'n yung dream house ko pag yumaman ako e. Pinaupo muna ako ng Ate niya no'n. Kukuha raw muna siya ng pagkain kahit sinabi kong busog ako. (Pero gutom na talaga ko echos ko lang 'yon hahaha) Ang kyot kyot ng Ate ni Pikachu. Napaka-jolly niya. Lagi pang nakangiti at ang daldal din. Hahahaha. Habang kumakain kasi ako ng Cinnamon Rolls at Iced Tea, nasabi ko na ang ganda ng bahay nila. Ta's ayon nakuwento na niya kung sino nakaisip ng concept ng bahay nila plus kung saan galing 'yung mga paintings at ibang furniture nila. Nakakabilib kung paano siya mag-explain. Para bang tour guide siya sa isang museum dahil pati history ng painting alam niya. Hahahaha. Hindi makakailang kapatid nga siya ni Pikachu. Ang talino jusko.

Natanong din niya kung ano ang kailangan ko kay Miro. Syet. Kabang-kaba ako no'n. 'Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Huhuhu. "Nagkatampuhan po kasi kami. Magsosorry lang po sana ako." Napa-aw siya at parang nalungkot. "It's okay, L. Madali naman magpatawad si Miro. 'Di ka matitiis no'n. Trust me." Ngumiti ako nang pilit dahil parang mali ata ang palusot ko. 

Nagpaalam na rin agad ako nang marealize na pauwi na nga pala si Miro. Holy syet. Baka maabutan pa 'ko e. Kuuuuh. 'Di ko talaga alam ang gagawin pag nangyari yon. Nasabi ko rin sa Ate niya na, "Can I have a favor po?" Tumango siya. "P'wede po bang 'wag mo na lang po banggitin kay Miro na pumunta ako?" Napakunot ang noo niya sabay sabing, "Why?" Napalunok tuloy ako. "Baka po kasi mas lalong magalit sa'kin yon at hindi na talaga ako pansinin." Napangiti naman siya. Ang kyotie talaga. "Okay. But in one condition." Naloka ako sa kondisyon na yon. "Ano po 'yon?" "Bumalik ka." Medyo nanlaki ang mata ko at sunod sunod ang naging paglunok ko. Syet! "Pero-" "Don't worry, hindi ko talaga sasabihin na pumunta ka and kung gusto mo na hindi ka niya makita or maabutan, mga 2:00-3:00 PM ka pumunta kasi wala siya rito no'n. Nasa training yon ng Taekwondo." Hindi ko pinahalata pero nasurprise ako sa sinabi niya. Gusto niya kong pabalikin kahit wala siya Miro. Gaaahd. It's so tempting. Ang bait pa naman niya. "You mean, secret lang po natin kay Miro?" Tumango siya nang nakangiti pa. Napangiti rin tuloy ako at sinabing, "Sige po. Pero. . .bakit po pala?" Curious ako kung bakit niya 'ko pinapabalik e. "I don't know. Siguro gusto lang kitang makilala. I like your personality and attitude. At gusto kong maging kaibigan din yung mga nagiging kaibigan ni Miro." Medyo naguilty ako ron sa kaibigan part dahil di pa naman kami official na magkaibigan ni Miro pero parang ganun na rin naman e. "Nakakatouch naman po. Thank you and nice meeting you po, Ate Mia." Maka-ate ako. Feeling close e. Hahaha. "I'm happy to meet you, L."

Ayuuuun na nga. Kaya medyo 50/50 ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil nameet ko na yung isang ate ni Miro na girl version pa niya. Pero kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging consequence nitong pinaggagawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon