Page 37: Dear Tadhana

0 2 0
                                    

PAGE THIRTY-SEVEN


It's been almost a week mula nang makita ko si Pikachu sa school. Yes! Sa school. Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi ako namamalikmata no'n at mas lalong hindi ako nananaginip. Siya talaga 'yon, alam ko. Natatandaan ko pa rin ang handsome face niya. Ang nakakatulalang ngiti niya. Lahat 'yon tanda ko pa. ●0● 

Syet lungs! Nakita ko pa base sa ID niya na Grade 12 student siya. STEM din. Hindi ako makapaniwala. No'ng una sa panaginip ko lang 'yon nangyari. Hindi ako makapaniwala na totoo na! Nakita ko na ulit siya! Dito rin siya sa school nag-aaral at ka-schoolmate ko siya! Syet. Sobra sobra ang saya ko. Parang nagpapahiwatig na pala sa 'kin no'n 'yong panaginip ko na magkikita pa ulit kami. (^・o・^)ノ”

Ang ma-saklap lang do'n? Nang hinabol ko siya, nakakaleche dahil natalisod ako. Plakda na naman. Kung kailan ako nagmamadali saka pa umariba ang kalampahan ko. Pinagtawanan ako nang ibang estudyante pero tumayo ako, chin up, stomach in, chest out, sabay takbo. Pak ganern. Hahahahaha. Pero b'wisit! Hindi ko na talaga siya inabutan. Nawala na siya sa paningin ko. Kainis. Pero ang pinaka masaklap talaga, isang linggo na. Isang linggo na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya mahagilap kahit ka-school ko naman siya at ka-strand din. Syet. Ang hirap kayang maghanap ng taong 'di mo alam ang pangalan.

Sabi nga ni Rinneah, "Baka naman namamalikmata ka lang dahil wala kang ibang iniisip kundi si Pikachu na 'yan. Baka napagkamalan mo na siya na 'yon, Bebs." Imposible. Hindi talaga ako puwedeng magkamali dahil kilalang kilala ko ang mukha niya. Matagal-tagal ko pa nga siyang tinitigan no'n.

Gusto ko pa ulit siyang makita at makilala na talaga kaya tinulungan ako nila Bebs. Alam na rin nila Rem, Sera at Moni 'yong tungkol kay Pikachu. Masaya sila at kinikilig dahil may crush na rin ako pero nalungkot sila nang sabihin kong 'di ko mahanap si crush dahil pati pangalan 'di ko pa alam. Sabi tuloy ni Remarie, "Aww. Mahirap nga 'yan but don't worry, sasamahan ka namin maghanap para makita mo siya ulit. At kapag nakita mo, itali mo na sa puso mo para hindi na makawala." Hahahahaha. Lol. Sana nga, e.

Hinanap namin siya tuwing break time at uwian. Iyon lang ang oras na puwede namin siyang hanapin dahil walang klase. Pinuntahan na namin ang mga room ng Grade 12 STEM pero hindi pa rin namin siya makita. Nakakalungkot talaga. Bakit ba ayaw kaming pagtagpuin ulit?

Dear Tadhana, makisama ka naman. KJ mo rin, e! Minsan na nga lang ako magka-crush. Hays. Buti pa sila Rem, kilala nila at palagi nilang nakikita 'yong mga crush nila. Ikaw kaya Pikachu, sa panaginip na lang ba kita makikita ulit? Sana hindi. Umaasa pa rin ako. Sana lumiit na ang mundo natin at magtagpo na ulit tayo. (┰ω┰)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon