Page 131: Tukmol Is Back!

2 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED THIRTY-ONE

Hype talaga. (ಠ益ಠ)

Sabi ko na nga ba, e. Simula nang mag-transfer si June sa school, hindi na naman matatahimik ang buhay ko. Syet! Tama nga ako palagi niya akong sinusundan! Halos araw-araw.

Lechugas na 'yan! Kung nasa'n ako, nando'n din. Kahit saan ako tumingin siya ang nakikita ko at todo ngiti pa sa 'kin. Grabe. Ang creepy! Minsan natatakot na ako e. Kaya ayokong mag-isang magsi-CR or pupunta sa ibang section or building dahil feeling ko, nand'yan siya palagi. One time nga, bumili lang ako nang ballpen sa Caf, makita kita ko nasa likod ko na. Syet lungs! Nag-transfer lang ata ang lokong 'yon para sundan ako nang sundan. Tapos panay pa rin ang pagco-confess niya ng undying feelings niya sa 'kin. Ubod ng kulit! Kahit ilang beses kong sabihin na hindi ko siya gusto, tantanan na niya ako, lubayan na niya ako, marami namang ibang babae sa school, maghanap na lang siya basta 'wag ako, ayaw. Ayaw niya! Ako lang daw.

Nakakaiyak na ang kakulitan niya. Halos dalawang linggo akong palaging nakikipagpatintero sa kanya para lang matakasan siya. Hindi na nga ako lumalabas ng room, aba ang loko! Pumupunta pa ro'n para silipin ako. I kenut. Hindi ko alam na gano'n kalakas ang saltik niya. (ಥ_ಥ)

Nang ikuwento ko nga 'yon kay Rinneah sabi niya, "Whut?! Hanggang ngayon dead na dead pa rin sa 'yo ang damuho na 'yon at sinundan ka pa talaga rito?!" Sa tuwing kasama ko si Rinneah hindi niya ako malapitan dahil takot pa rin siya kay Bebs. Kaya tuloy panay ang dikit ko kay Bebs para lang layuan ako ni June. Buwisit na 'yon. Ayaw talaga akong tantanan. Minsan nga nag-lunch kami ni Rinneah, nakita ko na si June pero nagtago pa ang loko. Pero no'ng nag-CR si Bebs, nilapitan ako at sinabing, "Hi, Bebe ko. Puwede ba kong sumabay kumain sa 'yo?" Umiling agad ako at sinabing, "Hindi. Isusumbong kita kay Rinneah!" Hindi pa rin siya umaalis no'n at naabutan siya ni Bebs. G na G no'n si Rinneah at kinuwelyuhan pa siya sabay sabing, "Tibay mo ha? Hanggang dito ba naman sinusundan mo pa rin ang bestfriend ko? Wala ka talagang dala 'no! Gusto mo bang paliparin kita papunta sa Planet Nemik?!" Umiling naman si June na parang takot na takot sabay sabing, "G-gusto k-ko l-lang n-naman k-kausapin s-s Larisse. Hindi naman ako manggugulo." Inawat ko na si Bebs nang umubo-ubo na si June dahil humihigpit na ang hawak niya rito. "Tigil-tigilan mo ang bestfriend ko ha? Kung puwede lubayan mo siya. Kung ayaw sa 'yo, ayaw sa 'yo. H'wag mong ipilit ang sarili mo." Tumango lang si June no'n at umalis na. Medyo naawa pa nga ako sa kanya no'n. Ayoko naman talaga sanang idaan sa gano'n e. Medyo mabait din naman 'yon si June pero ang kulit niya talaga e. Para siyang buntot na sunod nang sunod sa 'kin! Ayoko pa naman ng gano'n.

Halos dalawang linggo ko tuloy hindi na-stalk, nalapitan o nakausap man lang si Miro dahil abala ako sa pagtatago sa June na 'yon. Daig ko pa may utang kung pagtaguan ko siya. Ayoko kasi talagang kinukulit ako. Mahina ang pasensya ko. Simula no'ng Highschool kami, gan'yan na siya. Tuwang-tuwa nga ako nang malaman kong sa ibang school siya mag-aaral. Akala ko matatahimik na 'ko. Iyon pala, susundan pa rin ako. Hindi ko nga alam kung bakit nagkagusto sa 'kin 'yon. Basta isang araw nagulat nalang ako nang maglakas loob siyang lumapit sa 'kin at sinabing, "Hi, Larisse. Gusto kita. Puwede ba akong manligaw?" Hindi pa 'ko nagpapaligaw no'n kaya sabi ko hindi puwede. Ubod ng kulit ang taong 'yon at ilang years na ang nagdaan 'yon pa rin ang palaging sinasabi. Ilang beses ko na rin siyang tinapat na hindi ko siya gusto. Kaibigan puwede pa. Pero ayaw daw niyang friends lang. Choosy 'di ba? Kaya sabi ko kung ayaw niya 'di 'wag! Basta tantanan, tigilan at lubayan niya na ako. Pero wala talagang dala hype na 'yan.

'Kala ko nga natauhan na si June at hindi na 'ko kukulitin dahil palagi siyang tinitingnan nang masama ni Bebs kapag nakikita kong nakasunod na naman siya sa 'kin. Iyon pala nag-lie low lang ang buwisit na 'yon. Bigla kasing umabsent si Rinneah dahil masakit daw ang ulo niya. (Malamang kulang 'yon sa tulog kanonood ng K-Drama) Ayon, nakakuha ang June na 'yon ng tiyempo para malapitan ako.

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon