PAGE ONE HUNDRED ONE
Tulala.(Ω_Ω)
Kanina pa ako nakatulala. Ang ingay ng buong classroom namin. Daig pa may riot sa kanto. Hindi kasi pumasok ang next teacher namin. Nakakasawa rin sawayin sila dahil hindi naman nila ako pinakikinggan. Hay, sana bumilis na ang oras para makauwi na 'ko. Bagot na bagot na ako rito. Gusto ko na agad makahiga sa kama ko.  ̄ω ̄
Gustuhin ko man matulog, ang iingay talaga ng mga kaklase ko. May sari-sariling mundo. Isa ro'n si Rinneah na bidang-bida na naman ang boses sa likod. Napapailing nalang ako dahil walang kapaguran ang boses ng babaitang 'yon. Kinukulit nga ako no'n kanina. Pinagtitripan ako, nakiusap lang ako na 'wag muna ngayon (at baka makalimutang kong bestfriend ko siya at bigla ko na lang siyang isilid sa sako hahaha jk) dahil bukod sa pinaghalong antok at gutom (halos mayat maya akong gutom) na nararamdaman ko ngayon, kanina pa ako naiirita sa di malamang dahilan. Hay, ganito talaga kapag may period e. Para pa akong buntis na naglilihi. May gusto akong kainin pero di ko alam kung ano. Baliw lang di ba. ( ̄◇ ̄;)
Napaka-moody ko talaga. Parang no'ng nakaraan lang ang saya saya ko pa. No'ng ka-text ko si Pikachu. Oo nga pala, halos isang linggo na no'ng huli kaming nagkatext. Busy siya sa training dahil sa nalalapit na Taekwondo Competition. Kaya pala sa tuwing magha-hi/hello, magu-good morning, good afternoon, good evening at kung ano ano pang ka-echosan para lang mapansin niya ako, deadma. Busy pala siya. Miss ko na tuloy siyang katext. (︶︹︺)
Isa rin siguro 'yon sa mga dahilan kung bakit malungkutin ako ngayon. Kay Pikachu na naman umiikot ang mundo ko. Echos. Sinabi ko nga kay Bebs yung convo namin dahil alam na niyang magkatext kami ni Miro kahit di niya ko kilala. Sinabi ko lang sa kanya pero bigla niyang inagaw ang cellphone ko at binasa ang convo naman. Siyempre wala na akong nagawa at nagpaubaya nalang. (눈_눈)
Tawang tawa nga ang lukaret na 'yon. Sabi pa nga, "Petmalu yung mga sagot mo, Lodi. Hahahaha! Siguro hindi lang kinabagan si Miro, baka nagtae na yon sa sobrang tawa." Hahahaha syet na yan.
Bigla ko tuloy naalala habang sinisilip ko kung sa gymnasium ba nagtetraing si Miro, biglang may humarang sa daraanan ko at laking gulat ko kung sino 'yon. Si Jareix. Nakapamulsa pa ang timonggoloid na 'yon habang nakatingin sa 'kin suot ang pamatay niyang ngisi. Madalas ko yang makita kung saan saang sulok ng school. Kapag nakikita niya ako ngingisi lang siya at buti naman hindi na 'ko pineperwisyo.
Jareix: Kung makasimangot ka naman, daig mo pa yung batang hindi binili ng kendi ng Nanay niya.
Ako: Ano----!
Jareix: Hindi mo lang nakita si Miro nagkakaganyan ka na? (nakangising sabi niya)
Oo, hindi ko nakita no'n si Pikachu kaya nakasimangot ako.
Ako: Pakialamerong 'to! (ಠ益ಠ) Tabi nga d'yan! (bahagya ko siyang hinawi para makadaan ako pero mas lalo pa siyang humarang sa daraanan ko)
Jareix: Mamaya pa yung training ng Taekwondo.
Ako: Anong oras?
Jareix: Secret ( ͡ᵔ ͜ʖ ͡ᵔ )
Ako: Lumayas ka nga diyan! ('Д')ノ Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa 'yo.
Jareix: Ang sungit mo talaga. Hahahaha!
Kumukulo na ang dugo ko no'n at balak ko na umalis pero bago ba ako makahakbang palayo bigla niya akong hinawakan sa braso at pinihit palapit sa kanya sabay bulong.
Jareix: Ngumiti ka muna at sasabihin ko sa 'yo.
Tumaas ang balahibo ko sa husky voice ng timonggoid na 'yon habang nakangisi. Syet na 'yan! Natulak ko tuloy siya ng wala sa oras.
Ako: Lakas din ng tama mo 'no? Bat kailangan ko pang ngumiti?
Jareix: Because your smile always makes my day. So please, smile everytime. ('▽`)
Ako: Ewan ko sa 'yo!
Ang lakas ng trip ng lalakeng 'yon. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kapal ng mukha para sabihin yon. Pero bago ako makalayo may sinabi pa siya.
Jareix: Sungit! 3:00 PM yung training niya. Smile na ha? ( ͡ᵔ ͜ʖ ͡ᵔ )
Ako: Bwisit ka talaga! Pero salamat.
Sa tuwing nae-encounter ko talaga siya, kumukulo ang dugo ko sa kanya sa di malamang dahilan. Para bang palagi akong naka-beast mode. Hindi ko rin naman napanood training ni Pikachu dahil tinext ako ni Mama na maaga akong umuwi dahil walang magsusundo kay Liam sa school. (╥﹏╥)
Nakakalungkot talaga at ang nakakabwisit pa, tahimik akong umuwi at nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako kaagad at excited na kinuha ang cellphone ko, dahil ineexpect ko na si Pikachu na 'yon pero pagbukas ko ng message.
Rinneah: Akala mo si Pikachu na nagtext ano? Hahahahahaha! Huwag ka na maghintay, hindi ka na itetext no'n.
Nang mabasa ko yon parang lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Hype na Rinneah talaga na 'yon! Parang gusto kong tumakbo papunta sa kanila para lang masabunutan siya! Expected ko talaga si Miro na yon e. Huhuhuhu.
Makakain na nga lang ng champola. (╥﹏╥)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕