PAGE ONE HUNDRED THREE
Magbunyi! Wala kaming assignment kahit isa, kaya naisip magsulat na lang muna rito. Tinatamad din kasi akong manood ng K-Drama dahil 'yung magaling kong kaibigan, walang ginawa kundi i-spoil ako. Ayun, hindi na tuloy ako naeexcite panoorin. Nawawalan ng thrill. Ang sarap niya lang talagang isako. Hahahaha jk.
Oo nga pala, kanina pag-uwi ko galing sa school, naabutan ko si Limuel, Liam at Papa na nakikipaglaro sa isang aso. Nagtaka ako dahil wala naman kaming aso sa bahay at naisip ko na baka aso lang 'yon ng kapitbahay namin. Pero pagkakita sa 'kin ng mga kapatid ko, ganito agad ang binungad.
Limuel: Ate aso o!
Liam: Magkakaro'n na ulit tayo ng alagang aso, Ate Larisse! (excited na sabi niya)
Papa: (Tiningnan silang dalawa at umiling) Limuel, Liam.
Ako: (Napakunot ang noo) Kanino po bang aso yan, Pa?
Papa: Hindi ko alam. Bigla na lang yan pumasok dito sa bahay dahil nakabukas ang gate natin kanina. Ipinagtanong-tanong ko na nga sa mga kapitbahay natin, hindi naman daw sa kanila 'yan.
Ako: Hala, baka naligaw. (⊙o⊙)
Papa: Baka nga. Ipagtatanong ko rin sana sa mga kalapit na barangay, kaso baka pagdiskitahan lang yan. Kawawa naman. Kaya naisip kong dumito na muna siya at baka ano pang mangyari sa kanya kung pababayaan d'yan sa kalsada. Iiikot-ikot ko na lang siya bukas sa mga subdivision malapit dito sa 'tin, baka nga naligaw lang.
Nang tingnan ko ulit 'yung aso, hinaharot na niya si Liam at Limuel. Tatakbo si Liam at hahabulin niya at biglang didilaan sa mukha. Kaya tuloy yung bubwit kong kapatid tuwang-tuwa sabay sabing, "Ate! Ang harot nito ni Goldy, o! Dinidilaan ako!" Kiliting-kiliti siya at tinanong ko kung bakit Goldy ang tawag niya, hindi raw niya kasi alam ang pangalan e kulay gold naman daw ang balahibo kaya Goldy na lang. Hahahaha. Buti hindi niya tinawag na Goldilocks.
Si Limuel naman kapag binabato niya yung dalawang tsinelas niya, agad na tumatakbo yung aso, kukunin yung tsinelas niya at ibabalik sa kanya. Ang galing! Nakakatuwa silang pagmasdan. Ang saya nilang panoorin magharutan kahit nakakapagtaka dahil kung ibang aso yan, baka tinahulan o kinagat na sila Liam dahil hindi pa sila kilala, siya hindi. Parang ang tagal na niyang kakilala ang dalawang pasaway kong kapatid at walang humpay siya sa pakikipagharutan. ♡
Nakakagulat pa nang bigla siyang tumakbo sa direksyon ko at bigla akong tinahulan. Akala ko kakagatin ako. Akala ko galit sa maganda. Lol. Akala ko lang pala 'yon dahil bigla siyang umupo sa harap ko. Syet. Napangiti tuloy ako. Ang kyot! Doon ko lang napansin na isa pala siyang Golden Retriever.
Naupo rin tuloy ako para magpantay kami at dahan-dahan kong hinaplos yung likod niya. Nakakatuwa dahil nakatingin lang siya sa 'kin habang ginagawa ko sabay sabi kong, "Ang saya saya ng mga kapatid ko dahil sa pagdating mo, pero alam kong kawawa naman 'yung may-ari sa 'yo dahil malungkot 'yon sa pagkawala mo. Ibabalik ka rin naman namin sa kanila. Hahanapin pa nga lang ni Papa. Pero sa ngayon, sa 'min ka muna ha?" Nakiliti ako nang bigla niya akong dinilaan sa pisngi. Natawa rin tuloy ang mga kapatid ko. Hahahahahaha.
Doon ko lang din napansin na may suot pala siyang dog name tag at nakalagay, Timmie. Ang kyot. Sabi ko tuloy sa kapatid kong si Liam, "Timmie pala ang pangalan niya, may pa-Goldy Goldy ka pa d'yan." Napakamot na lang ang kapatid ko habang nakangiti at tinawag na nila ito sa pangalang Timmie. Parang naging hyper tuloy ito nang tawagin siya sa pangalan niya at ayun, nakipagharutan na ulit siya kila Limuel. ^∇^
Naalala ko lang hindi ko nga pala nakita si Pikachu kanina sa school. Narinig ko kila Carylla, absent daw. No'ng Monday ko pa siya huling nakatext, e Friday na ngayon (hindi ko rin muna talaga siya tinetext para hindi siya mairita sa 'kin). Kanina nga siya ang topic namin.
Remarie: Talaga absent si Miro?
Ako: Oo. (́⚈人⚈)
Moni: Kaya pala ang lungkot mo Lars.
Sera: Sabi nila once in a blue moon lang daw 'yon umabsent a.
Remarie: Oo. Kapag may laban siya sa Taekwondo. Parang yun lang ata. Dahil kahit may sakit daw siya, pumapasok pa rin yan. Yung mga teacher na lang ang naaawa at pinapauwi siya pero ayaw naman daw umuwi.
Ako: Grabe ang sipag sipag talaga ni Pikachu. ●︿●
Rinneah: Baka naman may nangyari kaya hindi nakapasok.
Ako: H'wag naman. Sana okay lang siya. Sana walang masamang nangyari kay Miro. (´д`)
Rinneah: Baka naman. . .
Ako: (Biglang kinabahan at unti-unting nanlalaki ang mata)
Rem, Sera, Moni: Baka naman ano?!
Ako: (Mas trumiple ang kabang nararamdaman)
Rinneah: Baka naman nag-LBM (ʘдʘ╬)
A moment of silence.
Rem, Sera, Moni: Hahahahahahahahahaha
Ako: Ilayo niya sa 'kin si Rinneah nagdidilim paningin ko! (ಥ_ಥ)
Rinneah: Baka lang naman. Malay mo naman kung ano ano ang kinain niya. Baka may nakain siya bulok na o panis na. Baka umubos siya ng 500 grams pack ng Milo o Alaska Powdered Milk. Baka pumapak siya ng isang sakong Adobong Mani. Baka kumain siya ng sampung buo ng Mais. Baka pinagsama-sama niyang kainin yung mga prutas na magkakalaban. Kaya ayun ang ending, nagtae siya.
Moni: Watdapak! Hahahahahahaha
Remarie: Hindi ko kinaya. Hahahahahaha
Sera: Kakaiba ka talaga mag-isip. Hahahahahahaha
Rinneah: Ang hirap kayang pumasok ng nage-LBM ka. Mayat maya may pasabog.
Ako: Lechugas ka talaga Rinneah! (ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
Rinneah: Sabi ko nga shatap nalang ako e. ٩( 'ω' )و
Hype na Rinneah na 'yan, kabang-kaba tuloy ako kanina. Ayun pala, LBM lang ang sasabihin. Sana naman okay si Pikachu. Sana walang masamang nangyari sa kanya. Sana pumasok na siya sa Monday. Miss ko na agad siya. ⊙︿⊙
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Ficção AdolescenteThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕