Page 8: Moving Up Day

14 14 7
                                    

PAGE EIGHT

10 months na kulitan. 40 weeks na kasiyahan. 205 na biruan. Lahat matatapos sa isang araw.

Yay! Magse-Senior High na kami. ♥ Si Mama pala ng kasama ko kanina. Si Papa naman ang nagluto ng mga handa ko katulong si Ate Larine. Hindi talaga sila pumasok sa trabaho dahil mas mahalaga raw ang araw na 'to. Aww. Nakakatouch. Si Mama naman ang nag-ayos sa 'kin. Gastos pa raw kung magpapamake-up ako sa parlor, e marunong naman siya. Medyo nilagyan niya ako ng make-up at hindi lang 'yon, nilagyan ba naman ako ng bangs! Oo, full bangs. Ginupitan ako. Halos maiyak nga ako dahil ayaw na ayaw kong may bangs pero wala na akong nagawa. 80's look daw 'yon. Syet. Dapat ibinase na lang niya sa bagong hairstyle ngayon. Imbis na masaya, nakasimangot tuloy ako nang papunta kami sa school.

Nang makita ko nga si Bebs, mas lalong nalukot ang mukha ko. Syet lang. Ang ganda niya, e. Kulot ang ibaba ng bulok niya at naka-make up din siya ng light. Kasama rin niya ang Mama niya na agad kaming binati. Nang makita niya nga ako, halatang nagpigil ng tawa ang walanghiya. Halata talaga. Hindi man lang tinago. Sa tuwing mapapatingin pa sa 'kin ang Rinneah na 'yon, inginunguso ang bangs ko at tatawa ng walang boses. Pang-asar lang. Mas lalo tuloy akong napasimangot. Hindi nga raw ako nakilala ng mga kaklase ko dahil new hairstyle raw, e. Si Mama kasi! Paglapit tuloy sa 'kin ni Bebs una niyang sinabi, "Ngayon ko lang nalaman, idol mo pala si Dora, Bebs?" Hype lang 'di ba? Lakas mang-asar. Kinurot ko nga sabay sabing, "Leche ka! Pinuna mo pa talga."

Nang nakapuwesto na ang lahat, sabay sabay kaming kumanta. Katabi ko si Rinneah sa upuan. Domingo siya. Enriquez naman ako. 'Di raw talaga kami mapaghiwalay. Eto pa, feel na feel kumanta kahit sintundo. Leche. Tinatapat pa sa tainga ko. Nakakabasag ng eardrum. Pagkatapos no'n, aakyat na sa stage by section at ang walang hiya kong kaibigan, nag-mowdeling pa. Pangarap talaga niyan maging model. Model ng suka hahaha jk. Siyempre pagkatapos no'n, nag-iyakan na ang lahat. 'Yong ibang lalake kong kaklase, teary-eye lang pero 'yong mga babae, hagulgulan, e. Niyakap din ako ng iba kong mga kaklase pati na 'yong taga-ibang section na kilala ko. Lahat sila umiiyak. Sus. Siguro naman magkikita-kita pa naman kami. Hindi na nga lang tulad nito. Sa huling araw na buo kami't magkakasama, todo-selfie at groufie kami. Remembrance. Pagkatapos no'n sumabay kami ni Mama kina Bebs at naki-celebrate sandali sa bahay nila bago kami umuwi at sinalubong ako nila Papa at sinabing, "Congrats, 'Nak!"

Masaya na malungkot. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil tapos na, 2 years pa sa Senior Highschool at College na kami, pero malungkot din dahil magkakahiwa-hiwalay na talaga kami. Totoo na 'to. Ngayon narealize ko na sa bawat simula, mayro'ng talagang katapusan at sa bawat katapusan, may bago na namang simula. Life cycle. Hindi natatapos. Pauulit-ulit lang. And yes, moving up feels like the end of the world and the beginning of another.  ꒰・‿・꒱

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon