PAGE FORTY-THREE
Hindi ko alam kung pa'no sisimulan 'to. Kung pa'no ako magkukuwento. Nalulungkot pa rin ako at the same time nagu-guilty. Bakit ba kasi kailangan na iisang tao lang ang maging crush namin? Why? o(╥﹏╥)o
Alam kong nagtatampo pa rin si Bebs. Halata naman sa kilos niya tuwing magkasama kami. Sabay pa rin kaming pumasok at mag-recess. (Though bihira na namin makasabay sina Rem) Para siguro hindi makahalata 'yong iba (Tulad ng pamilya ko) na may tampuhan kami o nagtatampo siya. Pero halata naman na iniiwasan niya ako. Bibihira nga lang niya ako kausapin at kakausapin naman niya ako, saglit lang o maiksi lang. Tulad ng, "May home work ka?", "Magrerecess ka?" o "Sasabay ka ba pauwi?" Huhuhuhu. Nalulungkot ako dahil hindi na siya 'yong hyper na Rinneah'ng bestfriend ko. Hindi na siya madaldal. Ang cold niya talaga, e. And I know, It's all my fault.
Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin tungkol do'n o buksan 'yong topic about kay Miro, halatang umiiwas siya at iniiba ang topic. Hindi ko na nga rin naririnig na sinasabi niya 'yong pangalan na 'yon. As in tikom na ang bibig. Kung dati, palagi siyang nagkukuwento tungkol kay Miro, ngayon hindi na. (Hah! Sino ba naman ang magkukuwento pa kung malaman niyang ang bestfriend niya crush din ang crush niya.) Sana talaga hindi na lang naging iisang tao 'yong crush namin. Ang hirap pala. Hindi pa naman ako sanay na ganito kami ni Rinneah. ●︿●
No'ng isang araw nga nagulat ako nang sabihin niyang, "'Yong crush mo, o." Napatingin ako sa tinuro niya at nagulat ako dahil nando'n talaga si Miro. Homaygahd lang dahil naglalakad siya ro'n papunta sa Gymnasium. Kahit gusto kong kiligin, pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil kasama ko si Bebs. Buti nga hindi siya sinabing 'yong crush natin'. Mabuti na nga lang hindi pa alam nila Remarie. Hindi pa ako handa sa magiging reaksyon nila.
Hays. Hanggang kailan ba kami ganito? Hanggang kailan ba siya magiging cold sa 'kin? Dahil kung pag-aawayan lang namin mag-bestfriend si Miro, handa akong kalimutan na crush ko si Miro para sa bestfriend ko. Tutal crush lang naman 'to. Madali lang mawala. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang bestfriend ko para sa isang lalake lang.
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Teen FictionThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕