Page 67: Crushfie

0 1 0
                                    

PAGE SIXTY-SEVEN

Monday na naman. Guess what? Ginawa ko na naman ang daily routine ko, ang sundan si Pikachu. Nagiging stalker na ako. Imbyerna nga ako kanina dahil narinig kong pinag-uusapan siya nila Ylla kanina. Tawag pa nga nila kay Miro, asawa ko at mahal ko. Kaaaaapal ha! Akin lang si Pikachu ko. Oo! Inaangkin ko na siya. Hahahahahaha. (*•̀ᴗ•́*)و ̑̑

Malayo pa nga lang siya, as in pababa pa lang sa building nila natanaw ko na siya. Bakit ba, alam ko naman talaga na siya 'yon. Sabi nga ni Rinneah, "Basta talaga kay Capital M, matang lawin 'to. Ang layo layo pa, kitang kita mo na. Huwaw, Bebs." Lukaret nga 'yan si Rinneah, e. May sapak talaga. Kinaladkad ako papalapit kay Miro. Kapalan ko raw ang mukha ko ang magpakilala. Nagpumiglas nga ako. Holy caramel. Tama na 'yong isang kahihiyan. Ni hindi nga niya ako nakilala no'ng sinabi kong, "Do you still remember me?" Sakit sa puso. Parang saksak puso tulo ang dugo. Hahahahahaha. Echos! Sabi nga ni Rinneah, "Kunwari ka pang-shy type, Bebs. Don't me!" Kinurot ko nga. Ang ingay.

No'ng third subject nga inutusan kami ni Rinneah at napadaan kami sa Library. Syet. Nandoon si Pikachu! As usual may hawak na naman na libro. Hindi na ako magtataka kung bakit ang talino niya. Pumasok muna kami ni Bebs. Sabi ko kahit 3 minutes lang. Gusto ko lang pagmasdan ng malapitan si Pikachu. Lol. May rubics cube na naman siya hawak. Nang ayusin niya 'yon, hindi ako nakakurap dahil ang bilis. Inilapag niya sa lamesa na maayos na. Ang galing talaga ni Miro. Kung ako 'yon, kahit limang oras ata, hindi ko maayos ang rubics cube na 'yon, e. (ФоФ)

Nang break time nga, ano'ng petsa na wala pa rin si Miro at 'yong mga kaibigan niya sa Cafeteria. Uminom pa naman ako ng mogu mogu. Siyempre para pareho kami. Hahahaha. Sabi nga ni Rinneah, "Darating pa ba 'yon, Bebs? Kainip, a. Pak Ganern nga muna tayo dito." Lechugas. Niyaya pa akong maglaro ng Pak Ganern Game. Akala ko talaga hindi na siya darating pero asdfjkl! Parang nahawi ang Caf nang lumakad siya papasok. Lahat ng mata nakatutok sa kanya. Syet! Ang gwapo niya talaga. Ang kisig kisig. Lakad pa lang, ang lakas na ng dating. Pasimpleng tilian nga 'yong mga babae. Halos araw araw naman ata ganito ang ganap sa tuwing nakikita siya.

Umupo pa siya sa malapit doon sa inuupuan namin (doon sa palagi nilang inuupuan ng mga kaibigan niya) Hindi mapatid ang ngiti sa labi ko. Sabi nga ni Bebs, "O, ano? Okay na? P'wede na tayo bumalik sa room? Malapit na mag-start 'yong next subject." Napatango na lang ako. Bakit kaya gano'n? Iba talaga kapag palaging malapit sa 'yo ang inspirasyon mo. Para bang nakalaklak ka ng vitamins. Puno palagi ang energy mo. Homaygahd.
Nag-request pa ako kay Bebs. Sabi ko selfie muna kami bago bumalik sa room pero gagawin naming photo bomber si Miro. Hahahahaha. Pumayag naman ang lukaret. Todo selfie kami at pasimple naming hinahagip si Miro. Naka-front cam 'yon. 'Di niya nahahalata. Magaling ako sa galawan, e. Hahahaha. Sabi ni Bebs solo ko naman daw. Kunwari nagseselfie lang ako pero dalawa na kami ni Pikachu. Lol. Ito na nga, biglang tumayo si Miro at padaan na sa tapat namin, nang bigla siyang tawagin ni Rinneah. Sa sobrang gulat ko, bigla ko rin na-touch at na-click ang cam. Hindi ko talaga sinasadya 'yon. Promise!

Pagtingin ko sa picture nakatingin pala siya at nakangiti pa. 'Yong ngiti na sobrang guwapo. Owemji! Owemji! Hinatak ko talaga palabas sa Caf si Bebs at nagtitili ako. Halos lumundag ang puso ko. Hindi ako makapaniwala. May selfie na kami ni Pikachu. Aaaaaah! Holy caramel. Sabi nga ni Rinneah, "Hindi selfie 'yan. Crushfie." Ito ang first selfie namin ni crush. Sa sobrang saya ko nilibre ko ng flatops si Rinneah dahil siya ang tumawag kay Miro.

P.S. Ginawa ko agad wallpaper sa cellphone 'yong picture namin. Ohmygosh! Kinikilig pa rin ako. Dream come true. ♡

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon