AESHA'S POV
MATAPOS maihatid si mark ay dumeretso ako ng school para um-attend ng last period. Pero pagdating ko ng classroom ay Halos nagsisi-alisan na ang mga tao.
"Excuse me,tapos na ba yung class?" Tanong ko sa kaklase ko. Ang aga naman ata ng teacher na 'yon? Eh alas tres pa yung time niya,1:47 pm pa lang ah?
"Ahm,nag bigay lang ng assignment si Miss. Hindi na rin siya nakapagcheck ng attendance parang nagmamadali eh,busy daw sila sa faculty today." Sagot niya naman.
Hindi naman obvious na busy yung faculty.
"Ano daw yung assignment?" Casual kong tanong,nahihiya rin ako kasi di ko naman kilala 'to.
"NCP,she'll collect it tomorrow morning daw. Wala siyang sinabing exact time pero wag ka na lang male-late bukas,feeling ko kasi hindi pa rin regular yung class tomorrow eh,nag a-adjust pa rin halos lahat. Hmm,sige una na ako ah? Ingat ka." She said sweetly.
Tumango lang ako bilang sagot.
Ano naman kayang kinabi-busyhan ng faculty? Baka may pa-event na naman sila? hah! kakabalik nga lang ng lahat sa school tapos may mass gathering na agad? Kakaiba talaga.
"AEEEE!!!"
Napalingon ako sa gawi ng pinto nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.
"Oh? Anong ginagawa niyo rito? Wala na rin ba kayong class?"
"Wala na,abala yung mga teacher sa facutly eh. Anyway,Galit ka pa rin ba?" Hazel,bakas ang pagkapahiya sa tono niya.
"Hindi naman ako galit," Sabi ko at huminga ng malalim.
"Hindi raw,pero nag walkout kanina." Nakangusong Sabi niya at pinagkrus pa ang braso.
"Ayoko lang na nauungkat yung mga tapos na,hindi ako galit okay?" paliwanag ko.
"Eh ba't ka umalis kanina?" Hazel.
"Sinabi ko naman na magkikita kami ni mark," Nagpapahaba ng pasensyang sabi ko.
Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya nung may marealize.
"Oo nga pala,Kumusta yung lakad niyo?" She asked.
"All fun,not until we saw Kristof." Casual kong sabi.
Wala akong narinig na ingay kundi ang mga tawanan ng mga studyante sa labas ng room. Pagkatapos kong mag spray ng alcohol sa kamay ay tinignan ko ulit sila.
"Hindi ba tayo tatambay?" Panimula ko.
"T-Teka,nagkita na kayo ni kristof?" Daisy,hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Nakaharap ko at nakausap,nag shake hands pa nga eh." sabi ko.
"What? Eh anong reaction niya? nag usap na ba kayo tungkol sa inyo?" Cali,halata rin na nangangapa.
Nagkibit-balikat ako.
"Hindi,Naka hoodie ako,naka helmet rin. Shades and mask. Mukhang di niya ako nakilala." I explained.
Nagkatinginan silang lahat bago binalik sakin ang tingin.
"Hindi ka niya nakilala!?" Halos pasigaw na tanong ni hazel.
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa taas ng energy niya. Well,as always.
"I mean,nakaharap ka na niya. Nakausap pa,teka nga naguguluhan ako." Halata sa mukha ni hazel na naguguluhan siya. Bahagya akong natawa sa rekasyon nila.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...