Chapter 40

1 0 0
                                    

AESHA'S POV

KAKATAPOS lang ng report namin ng grupo ko kaya dumeretso na rin ako sa court para puntahan si Eian. Nasa building pa lang ako ay nakikita ko na silang naglalaro sa court,kasama niya si Axel. Napangiti pa ako dahil nakikita kong mukhang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya. Ayos na rin yan,para kahit papaano ay may ibang paraan pa siya para malessen yung stress niya from acads. Masyado rin siyang naging tutok sa acads at sakin eh,hindi niya na nagagawa yung ibang bagay na gusto niya kahit pa sabihing masaya rin siya na ako lang ang kasama niya. Mas gusto ko pa rin na makisalamuha siya sa ibang tao.

Nung makababa ako ay agad na akong naglakad papunta sa court at nakita sa bleacher ang iba naming kaibigan,kaya lalo akong natuwa.

"Aeshaaa!!" Sabay-sabay na sigaw nila kaya nakuha nila yung atensyon ng mga players at ibang nakikinood. Napapahiya tuloy ako nung nakita kong inaasar ng mga players si Eian,ngumiti lang ako sa kaniya. Bago lumapit sa mga kaibigan namin.

"Kumusta? Matapos yung dinner natin sa labas nung birthday ni cali ay di na tayo ulit nagkasama at nagkita." Kunwaring nagtatampong sabi ko saka ako humalik sa pisngi nila isa-isa.

"Pasensorry mare,busy eh." Natatawang sagot ni Calista,natawa na lang din ako saka umupo sa tabi niya.

"Ayos lang kami 'no! Psh,totoo ang sabi ni calista. Busy talaga kami nitong nakaraan,pero magkakasama naman tayo ngayon palaro." Sabat ni hazel,ngumiti ako sa kaniya.

"Namiss ko pagbubunganga niyo,lalo na 'tong ingay ni hazel." Natatawang sabi ko.

"Sa lahat ng pwede mong mamiss samin,pagbubunganga pa? Grabe ka!" Inirapan pa ako ni hazel.

"Kumusta yung exam niyo?" Pagtatanong ko.

"Buti pa yung exam,kinumusta." Natatawang sabat ni shaira,kaya natawa kami.

"Eh,kinumusta ko na nga kayo. Hindi niyo naman sinagot." Napapailing ko pang sabi.

"Ayos pa kami girl,kailangan i-push kasi graduating na ang mga magaganda mong kaibigan." Maarteng sabi ni shaira na tinapik pa ang baba niya na parang pinagmamalaki ang mukha niya.

"Ganda eh 'no? Oh,ganda girl." Pang-aalaska pa ni daisy na tinapik rin ang baba ni shaira,sumimangot na tuloy ito. Natawa kami ulit.

"Grabe! Namiss ko kayo,sobra!" Nakangiti kong sabi.

"Woaw. Nahahawa na si Aesha sa pagiging honest ni Eian 'no? Dati ide-deny pa niyan na miss niya tayo sus." Natatawang sabat ni jade.

"Andyan ka pala?" Biro ko,sumimangot siya at lalong natawa ang mga kasama namin.

"Jokerist na rin ngayon,grabe!" Napapairap niya pang sabi,muli lang namutawi yung tawanan namin.

"Epekto ni Eian eh," Natatawa pang sabi ni Cali. Umiling na lang ako bago humarap sa court at nanonood sa mga naglalaro.

"Kanina pa sila naglalaro?" Tanong ko kay calista. Busy na rin kasi ulit yung mga kasama namin,syempre wala na naman si lou,cess at north. Ang mga masisipag naming kaibigan.

"Medyo,nahuli ka ata?"

"May report ako after exam eh."

"I see,mamaya pa sila matatapos nito. Ayos lang sayo?" Tanong bigla ni cali.

"Oo,ayos lang. Ako rin naman talaga ang nag push dyan kay Eian na sumali dito,para maranasan niya rin maglaro sa benton." Nakangiti kong sabi.

"Napaka supportive mong nobya nurse,grabe ka." Bilib pang sabi niya at tinapik pa ng pabiro ang balikat ko. Natawa na lang ako sa inasta niya.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon