Chapter 9

5 0 0
                                    

EIAN'S POV

NANDITO na kami sa bahay nila Aesha. Maayos na rin naman siya kumpara sa lagay niya kanina na halos wala sa sarili at di makausap ng ayos.

"Ako na lang sasama sayo sa kwarto mo nurse." Bulalas pa ni Cali nung makapasok kami.

"K-Kukuha lang ako ng makakain at maiinom niyo--"

"Ako na,Ae. Mag rest ka na lang para di na rin mag-alala ang mga kapatid mo." Putol ni Hazel sa sasabihin niya.

Bakas naman sa mukha ni Ae ang pagpaparaya kaya nanguna na siyang maglakad papunta sa hagdan na agad rin sinundan ni Cali at iniwanan pa kami ng nagpapalaam na tingin.

Ilang sandali pa kaming natahimik ni hazel at animong nagpapakiramdaman.

Nung lingunin ko siya ay nasa hagdan pa rin ang tingin niya. Bakas talaga sa mukha niya ang awa at pag-aalala.

"Tsk tsk,grabe yung trauma niya." Mayamaya'y bulalas ni Hazel.

Trauma? Huh?

"Batchmate namin yan,huminto lang nung kasagsagan ng pandemya." Panimula niya na huminga pa ng malalim bago inalis ang tingin sa hagdan at binaling 'yon sakin. Kaya napalunok ako kasi masyado siyang seryoso. "May scalp psoriasis siya. Bawal ma-stress,pawisan,maarawan,at kung anu-ano pang bawal kasi baka matrigger non ang psor niya at balikan siya non." May lungkot sa boses niya nung ikwento niya 'yon. Pero hindi ko pa rin makuha ang sinasabi niya. Kaya nanatili na lang akong nakikinig sa kaniya. Dahil alam kong may kasunod pa yung sasabihin niya.

"Hindi siya nag-aral taong 2020-2021. Bagsak na bagsak ang buhay niya nung panahong 'yon,tinatanggi niya na nadepress siya. Sabi niya simpleng lungkot lang daw yung dinanas niya nung panahon na 'yon. Paano ba namang di babagsak ang buhay niya? Sandamakmak na stress ang meron siya nung time na 'yon. Stress sa bahay,sa acads pati na rin sa love life." Bahagya pa siyang napangiwi sa huling sinabi.

"H-Hindi ba siya magagalit sayo na sinasabi mo yan sakin ngayon?" Pigil ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sakin sa sinserong paraan.

"The moment she let daisy to speak yesterday about her life,I knew she wants you to know about her also." Makahulugang sabi niya.

NA HINDI KO NAKUHA ANG IBIG SABIHIN.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"That you're welcome in the group. That she's starting to trust you,Alam ko naman talaga na di siya nagbago. Defense mechanism niya lang yan para iiwas ang sarili sa mga taong it-take advantage siya ulit. Ang hindi ko alam..." binitin niya ang sasabihin niya saka siya tumitig nang maigi sakin at tinignan ang kabuuan ko,saka nag-isip ng malalim. "Kung bakit ganon kabilis ka niyang pagkatiwalaan?" Animong namamangha pang sabi niya.

Lalo akong naguluhan.

"I don't get your p-point." Napapailing pang sabi ko.

"Kinalbo siya ng apat na beses nung 2020,para lang matutukan ang paggamot sa mga sugat sa ulo niya. Ayaw niyang magpa-admit sa hospital dahil kasagsagan ng pandemya non at naprapraning siya. 'Yon din ang dahilan kung bakit di siya nakapag-aral,mas kailangan niyang tutukan ang health niya. Knowing Psoriasis,it has no cure and life-long. Remedy lang ang meron at bibihira ang nagsu-survive sa skin disease na 'yon." Muling pagku-kwento niya at sumeryoso na naman ang mukha niya,naramdaman ko pa ang pagbukas ng bibig ko sa gulat dahil sa narinig ko mula sa kaniya. "Aside from that,iniwan rin siyang parang bula ni kristoff at harap-harapang kung tirahin ng tinuring niyang bestfriend. Obviously she's depressed that time,sa sobrang takot ko na di niya kayanin lahat ng problema niya araw-araw ko siyang tinatawagan para makipag-videocall. She's smiling while talking to me,to us. She even manage to laugh and make some jokes,sincere lahat ng actions niya pero hindi ang mata niya. Magagawa kang paniwalain ng tawa,ngiti at pakikipag-usap niya. Pero hindi ng mata niya." Gumagaralgal na ang boses niya habang nagku-kwento. Pumipiyok na rin para pigilan ang iyak na nagbabadya ng lumabas at sumabog anytime now.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon