EIAN'S POV
DECEMBER 31 na ngayon,mamaya ay bagong taon na. Pero wala na akong mahihiling pa,I got the best family. Best friends,and of course I got my dream girl...
Natatawa akong umiling sa inisip kong 'yon.
What a plot twist...
Naghahanda na sa baba ang pamilya ko,tapos na rin akong tulungan si Sasa sa pagpre-prepare ng mga gifts para mamaya sa new year's eve. Ilang oras na lang din bago mag bagong taon,kumusta kaya siya? Hindi pa kami nagkaka-usap sa araw na 'to. Hindi rin siya nag reply sa good morning text ko,sa tingin ko ay busy rin sila sa kanila para sa paghahanda mamayang gabi. Nasa veranda ako ngayon ng kwarto ko at nakatingala sa padilim ng kalangitan,kalmado ang puso ko at isip.
Hindi man kami nagkikita ay nagkakausap naman kami sa phone. Pero hindi kami kagaya nung ibang couple na 24/7 kung mag-usap at magkasama,ayaw ng ganon ni Aesha. Kasi ang gusto niya ay sulitin namin ang araw na kasama ang mga pamilya namin,kaya tamang good morning text or call lang kami tapos sa gabi na kami ulit mag-uusap para mag kumustahan sa ganap ng araw namin. Kuntento ako sa ganon.
Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang mag ring ang phone ko. Napapangiti ko 'yon tinignan at nagwawala na naman ang puso ko nung makita ko sa screen kung sino yung caller.
"Eian,Sorry ngayon lang ako nakaakyat ng kwarto. I left my phone here eh,we've been busy rin the whole day. Anyways,How's my boyfriend?" Agad na bungad niya wala pa man akong sinasabi.
Napangiti ako,ang lambing ng boses niya at bakas ang pag hingi ng tawad sa tono niya.
"I miss you," Nagulat pa ako sa naibulalas ko,tsk. Napailing na lang ako,"Busy rin kami sa paghahanda para sa pagsalubong ng bagong taon mamaya biw,I'm fine..." pagsagot ko sa tanong niya,pigil ko pa ang ngiti ko.
"Miss din kita," Bakas sa tono ng boses niya ang lungkot nung sabihin niya 'yon sa pinakamahinang paraan.
"Do you want me to visit you? May ilang oras pa naman bago yung new year. I want to spend my last day of 2023 with my biwby." Seryoso at malumanay kong sabi.
"Ang sweet naman ng Eian na 'to..." nang-aasar ang tono ng boses niya kaya sabay kaming natawa.
"Pero seryoso biw,I want to see you now before this year ends." I let out a deep sigh after I said that.
"Ako rin..." Napangiti ako sa sinabi niya kaya tumayo ako ng deretso.
"Puntahan kita?" Patanong kong sabi.
"Si Eian parating nagpapaalam sa mga gagawin niya," Natatawang sabi niya mula sa kabilang linya,natawa rin ako sa paraan niya ng pagkakasabi non.
"Eh,baka mamaya ayaw mo akong makita." Bumelat pa ako kunwari.
"Parang ewan 'to,gusto nga rin kitang makasama bago matapos yung araw na 'to. Dali na..." Pakiramdam ko ay nagdadabog siya habang sinasabi 'yon kaya natawa ako ulit dahil sa tuwa.
"Magbibihis na ako,"
"Akala ko magpapapilit ka pa eh," Animong naiinis na sabi niya pero kalauna'y natawa rin.
"Hindi mo na ako kailangan pilitin biw,magkukusa talaga ako." Natatawang sabi ko.
"Hmm,sige na kumilos ka na. Maliligo rin muna ako."
"Ihanda mo yung yakap ko ah? Hehehe,"
"Maluho!"
"Yakap lang eh!"

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...