AESHA'S POV
BADTRIP na badtrip ako dahil hindi man lang sinasagot ni Eian ang tawag ko at hindi rin siya tumawag sakin simula nung April 18 hanggang ngayong April 20 wala pa rin siyang paramdam. Ang sama ng loob ko kasi hindi niya man lang alam na birthday ko ngayon,kahit text man lang sana or kahit simpleng greetings sa tawag ayos na ako o kahit simpleng HBD Biw.
Grabe! Ganon ba siya kabusy sa manila at hindi niya talaga magawang sagutin at tawagan ang girlfriend niya? Hindi ko gawain ang mag text at tumawag dahil tamad akong magsalita at magtype. Higit sa lahat natrauma na ako kay kristoffer at kroi,isang araw lang na di ako i-text hindi na rin ako magte-text dahil ayaw ko na magmukhang naghahabol. Tangina! Dati isang oras lang akong di i-chat,ite-text at tatawagan ko na. Kaya siguro ako iniwan ng mga 'yon dahil nakakasakal ako. Bahala ka dyan Eian,hinding-hindi kita hahabulin. Graduate na ako sa karupukan peste ka!
Pero ang totoo kinakabahan ako,baka nagkita na sila nung kinukwento sakin ni Aly na first love ni Eian. Paano kung bumalik na yung nararamdaman niya don? Paano kung narealize niyang mas mahal niya 'yon kesa sakin tapos ako spur of the moment niya lang? Balita ko pa naman maganda 'yon ate sexy tapos matalino rin.
Kingina anong laban ko sa magaganda bwiset.
"Aesha!" Panay katok si kirsten sa kwarto pero di ko pinagbubuksan,sabi ko busy ako sa pag-aaral.
"Nag-aaral ako,ano ba?!" Nakasimangot kong sigaw.
"Buksan mo 'to o bubuksan ko 'to!"
Inis akong bumangon sa kwarto na puro libro ang andon. Mababaliw na ako sa kakabasa,nag collapse na rin ako ng ilang beses pero naka ready ang vicks ko sa tabi ko.
"Ano bang kailangan mo,Ate?!" Nanlulumo kong tanong nung bumukas ang pinto.
Agad siyang nag takip ng ilong niya at nandidiring tumingin sakin.
"Hindi ka ba naliligo ha? Amoy cheverek ka na!"
"Chevere--what?"
"Amoy vicks! Ano bang ginagawa mo dyan sa loob at di ka na lumalabas ng kwarto?" Sumilip pa siya sa kwarto ko habang nakatakip sa ilong,"Ang OA! Malayo pa ang pasukan panay aral ka na,hindi ka ba nagsawa sa 10 months na puro stress ka meron? Birthday mo ngayon oh,maligo ka nga!" Pagtataray niya.
"Ayoko,tatapusin ko yung binabasa ko--"
"Hindi. Maliligo ka o paliliguan kita!" Pagmamatigas niya rin kaya sinimangutan ko siya.
"Mamamatay rin naman bakit pa maliligo?! Makapeste,sale bo ki!" Inis ko talagang sabi at ang sabi ko ay umalis na siya dahil naiinis na ako sa kaniya. Bwiset.
"Birthday mo nga,ano ba?!"
"No kere nga yo man celebrate! Just stay away from me! I hate you! All of you!!!" Inis akong pumasok ng kwarto at pabagsak na ni-lock 'yon. Sabing ayaw ko mag celebrate eh! Nakakainis.
Sininghot ko pa ang damit ko at sarili ko,agad rin akong napangiwi nung hindi ko na maintindihan ang amoy ko. Pumasok ako ng banyo para maligo,matagal akong nagbabad sa bathtub,bago ko naisipan mag shower. Sa ganong paraan kahit papaano ay narelax ang isip kong stress na kahit wala pa yung pasukan.
I hate you,Eian! Sa una ka lang din magaling! Bwiset kang peste ka! Ghoster! Ghoster!
Inis akong naglakad palapit sa closet ko at namili ng maayos na damit don. Kinuha ko yung sleeveless dress na khaki,ni-ribbon ko ang tali sa magkabilang balikat non. Lampas tuhod rin ang haba non,may mga itim na tatlong butones mula dibdib hanggang taas ng tyan. At garter ang nasa bewang kaya hapit 'yon,bagsak na nakabukadkad naman mula balakang hanggang baba ng tuhod raffles maman ang laylayan non. Syempre pinaresan ko ng black stick heels na may tali hanggang taas ng ankle. Nag ayos rin ako ng sarili,hindi ako nagpupuyat 'no! Psh.
BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...