Chapter 61

1 0 0
                                    

EIAN'S POV

MATAPOS ng masayang tagpo na 'yon ay nagkaroon pa kami ng salu-salo sa loob ng resto nila cali. Nagkaroon ng kaunting kumustahan at kwentuhan,nagsalu-salo rin kami ng tawanan at kantyawan. Bagay na talagang nakakamiss. Late na nung magkayayaan ng uwi,habang nasa byahe kami ay hindi na nawala ang mga ngiti namin sa mukha kahit pa walang namumutawing salita samin ay magaan sa pakiramdam at pareho kaming masaya.

Hanggang sa makauwi ay nakangiti pa rin kami na parang mga tanga. Natutuwa rin ako kapag nakikita kong maya't mata niya tignan ang singsing na nasa daliri niya tapos ay mapapangiti siya.

"Maliligo na muna ako biw..." Natatawa sa tuwang sabi niya nung makapasok kami sa kwarto namin.

"Sige,saan ko ilalagay 'tong mga regalo mo na bigay ko?" Nakangiti kong tanong.

"Dyan na muna sa kama,titignan ko kung ano yan. I'm so excited." Pinakita niya ang pananabik niya kaya natatawa akong tumango at naglakad palapit sa kama namin.

Hinintay ko siyang makalabas kaya ilang minuto rin akong nakatingin sa kawalan habang nag-iisip ng mga bagay. Nakangiti siyang lumapit sakin habang suot ang robe niya,kinukuskos niya rin ang buhok niya.

"Hindi ka ba maliligo?" Takang tanong niya nung mapansin na hindi ko man lang hinubad ang mga suot ko.

"Undress me,hehehe." Natatawa kong sabi habang nakasandal sa ere at nakatukod ang mga kamay sa kama.

"Grabe 'to,hindi ka ba marunong mag hubad?" Natatawang sabi niya habang papalapit sakin.

"Sa ating dalawa mas expert ka." Pang-aasar ko na sabay namin ikinatawa.

"Baliw!" Singhal niya at napapailing pa,sinimulan niyang hubarin ang suot kong coat. Sinunod niya rin agad ang polo ko,nakangiti siya tumingin sakin habang hinuhubad ang belt ko at kalasin ang butones ng pants ko bago buksan ang zipper non."Baka gusto mo akong tulungan,Eian at ang bigat mo para buhatin ko yang pang-upo mo?" Pabiro na sarkastikong sabi niya. Natatawa akong inangat nang bahagya ang pang-upo ko habang pinapanood siyang hubarin ang suot kong pants kasabay ng underwear ko."I'll get you a robe." Nakangiti niyang sabi pero hinawakan ko siya sa pulsuhan para pigilan.

"Later," Nakangiti kong pigil sa kaniya. Tinignan niya pa ang hubo't hubad kong katawan bago umiling at umirap. "Tignan mo muna 'tong pinamili ko sayo,duda ako na hindi kasya ang mga yan sayo. I know your sizes psh." Natatawa kong sabi bago siya kinindatan.

Umupo naman siya sa tabi ko para kunin ang mga paper bags na 'yon. Una niyang kinuha yung isa at dinukot ang laman non,nung iangat niya sa ere ay napaawang ang labi niya nung makita ang kulay white na dress.

"Kasiya ba sakin 'to? Parang ang liit?" Natatawang sabi niya.

"Sukatin mo." Nakangiti kong sabi pero pinanlisikan niya ako ng mata bago dinuro.

"Paraan mo rin eh 'no? Mahalay!" Nakangiwing sabi niya bago natawa.

"Come on,biw. I wanna see you--"

"Naked?"

"No. With that dress,psh! Dali na." Napailing na lang ako,pero napangiti rin nung maisip na makikita ko na ulit siyang walang saplot sa harap ko after a long time hehe.

"Hmm,sige. Sa cr na muna ako magbibihis." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad siyang pinigilan.

"No! Fit it in front of me." Seryoso kong sabi na ikinanganga niya."Dali na biw,may zipper yan sa likod kaya mahihirapan ka kapag sa cr ka nagbihis. Ako na magsasara ng zipper mo." Nakangisi kong sabi na ikinanguso niya bago kinalas ang tali ng robe.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon