Chapter 11

5 0 0
                                    

AESHA'S POV

ANG hirap mo naman atang kalimutan?

Ang hirap mo naman atang iwasan?

Sa kahit saan parte ng kanto ako tumingin,ikaw ang pumapasok sa isip ko. Sumisikip ang dibdib ko sa sakit,lungkot...at galit.

Galit na naman.

Bakit ba ako galit?

Tangina.

Ano ba ang ikinagagalit ko?

Nakakagalit na ba yung hindi ka magawang mahalin ng taong minahal mo? Ng taong halos pag-alayan mo na ng sarili mo? Ng taong naging dahilan ng pagkasira ng buhay mo? Nakakagalit na ba talaga 'yon? Sapat na ba na dahilan 'yon para magalit ako sayo?

Aaminin kong nasasaktan ako kapag nakakaramdam ako ng galit para sayo. Hindi ko gustong magalit sayo,pero anong magagawa ko? Nagkukusa ito. 'Yon talaga ang nararamdaman ko.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nagiging mahina na naman ako.

Wag mong aalisin sayo ang galit mo,dahil yan ang nagpapalakas sayo.

Pilit kong kinalma ang kalooban ko. Natatakot akong baka di ko na naman mapigilan at maging emosyonal na naman ako,mawala na naman ako sa katinuan psh.

"Ayos ka lang ba?" Saka lang ako tuluyang natinag nung marinig ko ang boses ni Eian na kasama ko nga pala. Tinanguan ko lang siya. "Parang ang lalim ng iniisip mo?" Nakikiramdam na tanong niya. Hindi ko siya sinagot kaya nameke siya ng tawa. "Gutom ka na siguro 'no?" Sabi niya pa.

"Hindi naman,nag lunch na ako sabi ko kanina diba?" Sabi ko.

"Oo nga pala,so di ka na kakain niyan?" Inosenteng tanong niya.

"Kakain pa rin,duh? Pagkain 'yon." Nakangising sabi ko. Ayan na naman yung bigla-biglang pagkawala ng ngiti niya kapag nakikita akong ngumingisi,ngumingiti at tumatawa.

Hindi ba bagay sakin? Psh. Ito na sisimangot na ulit bwiset.

"Ang layo naman pala ng pinagkakainan niyo 'no?" Mayamaya'y tanong niya,malayo sakin ang tingin.

"Hindi naman,mahilig talagang mag foodtrip ang mga 'yon. Kaya kahit gaano pa kalayo ay dadayuhin nila ma-satisfy lang ang cravings nila." Paliwanag ko naman.

Tumango siya habang napapangiti.

Isang pasahero na lang ang sumakay at umandar na ang jeep na sinasakyan namin. Hindi rin naman ganon ka-traffic kaya mabilis kaming nakarating sa veterans avenue. Dun lang din nag ring ang phone ko.

"Oy?" Sagot ko rito.

"Saan na kayo?" Boses ni cali.

"Jeep."

"Saan banda?"

"Sa Alta Mall."

"Sige sige,akala namin nag tricy kayo eh."

"Mahal. Andyan na ba kayo?"

"Oo,naka order na rin kami. Kayo na lang hinihintay namin."

"Hmm,sige lang. Hindi naman traffic kaya mabilis lang 'to." Sabi ko at napatingin pa kay Eian dahil parang nakikiramdam siya.

"Sige nurse,ingat kayo." Sabi naman ni Cali saka niya pinatay ang linya.

Hindi ko na binulsa ang phone ko at dumukot na lang ako ng pera sa bulsa. Sakto namang bente ang nadukot ko.

"Pabor." Pakiusap ko sa katabi ni Eian na animong enjoy na enjoy sa katabi niya.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon