Chapter 57

0 0 0
                                    

EIAN'S POV

NATUTUWA akong malaman na kaklase namin si brian,cess at lou,hindi pa rin buo tiwala ko kay charmaine. Pero tiwala ako sa instinct ni Aesha,hindi naman siya nakikipagkaibigan sa taong mabigat ang loob niya eh. Nararamdaman niya agad kapag may masamang balak sa kaniya...Higit sa lahat masaya akong makita na masaya si Aesha kahit papaano.

Kasalukuyan kaming nasa covered court habang nakikinig sa announcement ng president ng benton,nasa stage rin ang mga dean ng bawat department.

"The usual routine of benton hospital and colleges incorporated,hindi pa regular ang class for this week. But you need to take the chance to know your blockmates and your instructors,so you are responsible to attend your class pa rin. Do you understand old students and newbies?" Sabi nung president na nakasuot pa ng gown niya. Mukhang duty siya pagkatapos nito.

"YES!" sagot ng mga students.

Napasimangot pa ako nung silipin ni Aesha ang mukha ko mula sa baba at ngising-ngisi na siya.

"Magkaiba pa rin 'yon!" Pagmamatigas ko.

"Fine,if you say so." Bumelat pa siya saka natawa,lumabi na lang ako.

"There are more announcements left but,I'll just leave it to your deans 'coz I still have duty to attend this morning. Please enjoy your stay in benton newbies," paalam ng president bago ito inalalayan ng instructor na makababa ng stage hanggang sa exit ng hospital na nagco-connect sa school. Don madalas pumasok at lumabas ang mga student nurses maging ang mga instructor na may rotation sa hospital.

Hindi na ako nakinig pa sa announcement ng dean at nakikisabay na lang sa mga sagotng students. Mayamaya pa ay dinismiss na kami nito kaya nagkalat na naman ang mga students.

"Tara na sa classroom para magkakatabi tayo,hehehe." Anyaya ni charmaine samin kaya agad kaming tumango sa kaniya.

Formal pa rin kaming naglalakad ni Aesha sa likuran ng mga kasama namin. Nakakatuwang tignan na masaya ng nag-uusap si brian at charmaine. Halatang pinapakisamahan na ni brian ng maayos si charmaine dahil kita niyang comfy na rin si Aesha dito.

"Ate Aesha!"

Muli kaming natigilan sa paglalakad at hinanap ang pinanggalingan ng sigaw na 'yon. Napangiti ako nung makita kung sino 'yon.

"Gian!" Sigaw rin ni Aesha,nakapamulsa akong tumabi kay Aesha habang hinihintay siyang makalapit samin mula sa faculty.

"Ate,kuya!" Nakangiti pa itong yumuko sa harap namin habang hinihingal."Ngayon ang first day ko!" Ngiting-ngiting sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niya pati na rin ang mga kasama namin.

"Ay,natural! Ikaw lang ba estudyante dito?" Napapangiwing natawa si brian.

"Pati bata papatulan," Singhal ni Aesha sa kaniya bago humarap kay Gian. "Anong section ka,Gian?" Nakangiting tanong niya.

"Section A,po." Ngiting sagot ni gian.

"Ay! Baka classmates tayo? Section A rin kami," biro ulit ni Brian kaya natawa kaming lahat."Sino ba yan girl? Ang pogi naman masyado at ang bata ah?" Tanong pa ni brian.

"Kapatid siya ng kaibigan namin," Sagot ni Aesha saka muling humarap kay Gian. "Wala ka bang kakilala na kaklase mo?" Tanong niya.

"Wala pa po,"

"Hmm,meron din yan along the way." Tinapik ni Aesha ang braso niya,dahil halos sing tangkad ko lang 'tong batang 'to."Pumasok ka na sa class mo,pangit yung unang araw mo sa college ay male-late ka." Nakangiti pang sabi ni Aesha.

Storm Before The CalmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon