EIAN'S POV
KAKATAPOS lang ng midterm namin at parang naubos yung energy ko don!
Pero ayos lang,nyahahahaha!
Ang ibig sabihin lang non ay next week na ang Nursing week. Naging busy rin kami nitong mga nakaraan--ngek! Wala palang araw na hindi kami naging busy. Paano ba naman kasi,school-community-hospital na yung naging bahay namin. Tapos bisita na lang kami sa mismong nga bahay namin.
"Oh,Eian kumusta yung midterm?" Nagulat pa ako nung makasalubong ko si Axel sa hallway. Umakyat kasi ako dito sa 6th floor,baka sakaling makita si Aesha.
"Drained as hell. How about you?" Napapangiwing sagot ko. Napailing rin siya.
"Kailangan galingan bro,graduating eh. May dalawang subject pa after break."
"I see,"
"Naligaw ka ata dito?" Takang tanong niya.
"Hinahanap ko si Aesha..."
"Nawala na naman?" Gulat pang tanong niya,tumango naman ako. Sabay pa kaming napakamot sa ulo,"Napapadalas na yang pagiging dolphin niya ha?" Napapailing na dagdag niya.
"D-Dolphin?"
"Hmm,lulubog-lilitaw." Saka siya natawa at inakbayan ako. Nagpapatianod na lang ako sa kaniya. "Susulpot din 'yon si Aesha mayamaya. Tara sa canteen tayo!" Yaya niya pa.
"P-Pero.."
"Aish. Patay na patay ka ba kay Aesha at maya't maya mo kung hanapin?" Nang-aasar ang tono niya kaya napanguso na lang ako.
"H-Hindi naman. Baka lang kasi umakyat dito sa floor niyo," napapahiyang sabi ko.
"Eh,wala naman ng tao dito. Inisa-isa ko na yang mga room,nag text rin sakin ang babi ko. Nasa canteen na sila,kaya tara na baka nandon lang si Aesha kasama nila." Pangungumbinsi niya pa at wala na nga akong nagawa kundi ang sabayan siya sa paglalakad papunta sa white canteen,kung saan madalas tumambay sila cali.
Napapadalas na nga 'tong pagkawala bigla ni Aesha. Malingat lang ako sandali nawawala na agad sa paningin ko. Nakakaasar,parati ko pa naman siyang gustong makita. Ang damot niya,para titignan lang yung mukha eh!
"Oh,hindi niyo kasama si Aesha?" Wala sa sariling tanong ko at tinuro pa ang table na kinauupuan nila. Nagtataka naman silang nagtinginan.
"Eh,akala namin kasama mo?" Takang balik ng tanong sakin ni hazel.
"Hinahanap ko nga rin sa floor niyo eh," naguguluhan kong bulalas saka naupo sa katapat na upuan ni Cali,umikot naman si Axel para tabihan ang nobya.
"Napapadalas na 'to ah?" Bulalas naman ni Cali.
"Ayon na nga yung sinabi ko dito kay Eian,nakasalubong ko kasi yan sa floor natin. Baka sakali daw na andon si Aesha." Bored na sabat ni Axel,saka nagpalumbaba sa mesa.
"Wala naman sa cr?" Tanong ni shaira.
"Kailan naman tumambay sa cr 'yon nang mag-isa?" Pambabara ni daisy.
"Yaan niyo na,baka may emergency lang." Napakrus ng braso si jade sa dibdib saka sumandal sa upuan.
"Parati? Parating may emergency?" Sarkastikong tanong ni Hazel. Natigilan naman kami,napapaisip ang bawat isa samin. "Duda talaga ako sa isang 'yon." Mayamaya ay dagdag sabi ni hazel.
"Bakit naman?" Curious na tanong ko.
"May nangyayaring hindi natin alam." Seryoso siyang nagkibit-balikat.

BINABASA MO ANG
Storm Before The Calm
Random"Love is a lie" Ang depinisyon ni Ae sa pag-ibig. Nagmahal,nasaktan...gumawa ng napakatayog na Bakod para protektahan ang sarili. Malayo pa lang ay mararamdaman mo ng ayaw niyang makipagkaibigan sa kung sino. Handa na ba kayong alamin ang dahilan ku...